Trouble 17

128 1 1
                                    

As promised! Heto na ang next chapter. Napaaga??? Hahaha! Bukas ulit 'yong iba!!

Vote and Comment ng maganahan naman ako. Wahahaa XD Joke lang :p

Enjoy reading :***

xxxxxx

Schedule ko ngayon so that means kelangan kong bumangon ng maaga kaya heto ako ngayon sa kusina nagluluto.

"Morning" bati ko kay Ralph

O________O -siya

"Bakit?" tanong ko

"Bat ganyan ang suot mo?"

"Huh? Ano namang masama sa suot ko?"

Naka loose na shirt ako tapos naka shorts tapos suot suot ko 'yong apron. Yon lang naman, may problema ba doon?

"W-wala. K-kumain na lang tayo"

"Okay"

[Ralph's POV]

Sh*t lang talaga! Bat ba ganun ang suot niya. I know simple lang ang suot niyo pero bakit ganun? Ang ganda niya. Sh*t talaga!

Hindi pa ako makaconcentrate sa pagkain ko kasi hindi ko maiwasang tignan siya.

Ano ba 'yan! Anong nangyayari sayo Ralph! Kahapon ka pa!

Oo! Nagseselos ako kahapon at hindi ko alam ang dahilan!!

Nakakainis na nakakaewan!!

Shit talaga!! Ano bang nangyayari sa akin??!!!

*ting*

Ah alam ko na! Baka kulang lang ako sa libang. Tsaka matagal tagal na rin nung huli akong uminom tsaka simula nung sinabi ko na kasal na ako ay hindi na ako nakakapunta sa mga bar para maghanap ng mga chicks!

Tama! Kelangan kong maglibang!

Matawagan nga si Nathan mamaya.

"Ralph, okay ka lang? May problema ba? Hindi ba masarap 'yong luto ko?"

Nabalik ako sa realidad ng magsalita si asawa ko.

"Huh? Ah, wala. Walang problema. Masyado lang akong nabighani sa suot mo"

"Huh?"

"I mean, hindi ako sanay na makita ka na nakasuot ng apron"

"Ah" yan lang ang tanging naisagot niya.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan kong magligpit si Ashley, pagkatapos nun ay pumasok na ako sa kwarto ko para maligo.

[Ashley's POV]

Tapos na akong maghugas ng pinggan, nakaligo at nakabihis na rin ako. Si Ralph na lang ang hinihintay ko.

*vibrate..vibrate..vibrate*

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat.

Psssh! Gulay naman oh! Makavibrate naman 'tong cellphone na ito >3<

Tinignan ko 'yong cellphone na nakalapag sa mesa ng mapansin kong hindi akin 'to.

"Hmm, kay Ralph to ah" nasabi ko sa sarili ko.

Agad ko naman itong kinuha para ibalik sa kanya ng napansin kong naka pop up 'yong message ni Nathan.

Sino naman itong Nathan na ito??

Hindi naman po sa nakikialam ako pero nacurious lang ako sa nagtext kaya binasa ko ito.

O______O

-________-

Hmmm, talaga lang ha!!

"Asawa ko, malelate na tayo" -Ralph

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon