Trouble 44

82 0 0
                                    

Hahaha :D Finally! Updated na rin siya XD

----

"Ralph, pwede ba?! Maupo ka naman diyan! Kanina ka pa ikot ng ikot, nahihilo na tuloy kami" reklamo ni Patrick.

Isang oras na kasi kami dito sa airport at wala pa si Ashley. Ghad! Hindi talaga ako mapakali kasi sa wakas uuwi na rin siya. I miss her and I wanna hug her. I miss her so much. Naupo na muna ako sa tabi ni Gail. "Ganun mo ba talaga namiss ang bestfriend ko?" tanong niya sa akin.

"I miss her that much. This past few days, para akong namatayan kasi wala siya sa tabi ko"

"Ralph, may I ask a question?" Gail asked and I nodded "Do you love Ashley?"

Bigla akong napatingin sa kanya, "I----"

"She's here!"

Naputol ang sasabihin ko kay Gail ng biglang sumigaw si Jasper kaya napatingin ako sa direksyon niya at nakita kong papalapit na si Ashley sa amin kaya napatayo kaming lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. She's really, she's back.

"Hoy! Okay ka lang?"

Walang ano ano'y niyakap ko siya. I miss her!

"I miss you" ang tangi kong nasabi. Kumalas siya sa pagkakayakap namin at tinignan ako.

"I miss you more" nakangiti niyang sabi pagkatapos ay niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Simula nung makilala ko ang babaeng 'to, nagbago na ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng nawala'y sa piling ng taong mahalaga sa buhay mo.

"Pwede bang i-cut muna natin ang paglalandian niyo?" nakapamewang na sabi ni Gail sa amin.

Sabay kaming kumalas ni Ashley sa pagkakayakap at napatingin sa isa't isa pagkatapos nun ay napatawa na lang kami. Idinikit ko ang noo ko sa may noo niya "I miss you so much." After that, I cupped her face and I kissed her forehead.

***

"Grabe Ashley! Sabi pa niya, para daw siyang namatayan kasi wala ka sa tabi niya" kwento ni Gail kay Ashley.

"Totoo?" natatawang tanong naman niya. Napailing iling na lang ako. Paano ba naman kasi, pinapahiya nila ako. Tss! May araw din kayo sa akin!

"Hahaha! Sabi na eh, lakas ng tama niya sa akin" natatawang sabi ni Ashley saka niya ako tinapik tapik sa braso. Lasing na sila. Buti na lang at konti pa ang nainum ko.

Ilang oras din ang lumipas ng naisipan na nilang umuwi. Inihatid ko muna sila palabas pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob. Nilapit ko si Ashley na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko siya. "I miss you! Di bale, babawi ako sayo bukas" after saying those words. I kissed her forehead. Binuhat ko na rin siya at inihiga sa may kama niya. "Good Night!"

[Ashley's POV]

"Anak, san na kayo?"

"Malapit na po kami ni Ralph diyan mama. Traffic po kasi eh" sagot ko kay mama sa kabilang linya

"Sige anak. Mag-ingat na lang kayo"

"Opo mama"

Pagkatapos nun ay ibinaba ko na ang phone ko. December 31 na ngayon, at dalawang oras na lang ay magbabagong taon na. Tinignan ko si Ralph at hayun, nakatingin lang siya sa menamaneho niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kasi kasama ko siya ngayon, at sabay naming sasalubungin ang bagong taon.

"Asawa ko, matutunaw na ako niyan" sabi niya saka siya ngumiti. Napaiwas naman ako tingin at ngumiti ng palihim. Tumingin ako sa labas at nakikita ko sa kalangitian ang mga fireworks na pinapaputok nila.

***

"Three...Two...One.. Happy new year!!" sabay sabay naming sigaw at kasabay nun ay nagpaputok na kami. Ang iba naman ay nagtuturutot. Nakatayo lang ako at busy na nanonood sa mga fireworks display ng maramdaman kong may yumakap sa likuran ko.

"Happy New Year" bulong nito sa akin.

Bagong taon, bagong kabanata na naman ng buhay namin ni Ralph. "Happy New Year Too" sagot ko naman sa kanya.

"Kainan na!" sigaw ng papa ni Ralph. Sabay kaming pumasok ni Ralph sa loob habang magkahawak ang kamay naming dalawa.

Itutuloy....

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon