Trouble 35

96 0 0
                                    

[Ashley's POV]

Nilagyan na niya ng band-aid 'yong tuhod ko pagkatapos niyang lagyan ng betadine. Naiiyak pa rin ako kasi mahapdi 'yong sugat ko tapos medyo malalim pa.

"Kasalanan mo ito eh" sabi ko kay Ralph "Y-you promised that you will not let me go pero anong ginawa mo? Binitawan mo ako. Mabuti sana kung sinalo mo ako kaagad edi sana hindi ako nasaktan" maiyak iyak kong sabi.

I'm crying not because of the wound in my knee but the wound in my heart. Kasi 'yong ginawa niya kanina ay ganun din ang ginawa niya sa nararamdaman ko para sa kanya. Sabi niya na hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya pero siya mismo ang gumawa ng paraan para mahulog ako sa kanya hayan tuloy, nahulog ako ng hindi man lang niya ako sinasalo kaya hayan, nasasaktan ako.

"Ssshh, tahan na. I'm sorry, di kita nasalo agad" sabi niya saka niya ako niyakap pero patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

Ilang segundo ang lumipas ng may marinig kaming kumatok sa pinto. Tss, panira ng moment -.-

Si Ralph na ang nagpresinta na magbubukas ng pinto.

"SURPRISE" sigaw nila Gail

Tss, 'yong gummybear couple. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko

"Grabe naman, bawal na bang bisitahin ang bestfriend ko?" tanong ni Gail saka sila pumasok sa loob. Pinaupo muna sila ni Ralph pagkatapos ay tumabi si Ralph sa akin. Well, we're going to act again -.-

"May dinala pala kaming pagkain" -Patrick sabay lapag sa mesa 'yong dalawang supot na may lamang pagkain. Agad kong kinuha 'yong Piattos saka ko ito binuksan.

"OMG!!" sigaw ni Gail

"Bakit?" sabay sabay naming tanong

"Anong nangyari diyan sa tuhod mo?" nag-aalalang tanong ni Gail sa akin

"Nadapa ako -__-"

"Kelan? Kanina lang? Kaya pala mugto 'yang mata mo. Kala ko kung nag-away kayong mag-asawa" -Patrick

Bigla akong inakbayan ni Ralph "Kung mag-aaway man kami ng asawa ko, edi basag na lahat ng mga gamit namin dito sa bahay" matawa tawa niyang sabi. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahilan para mapatigil siya sa pagtawa.

"Kayong mag-asawa talaga" -Patrick

"Umm, bestfriend ^____^" -Gail

"Pwede bang magsleep over kami dito?" dagdag pa niya

"WHAT??" sigaw ko

*gulp*

"Hin---"

"Sure" -Ralph

"Talaga?" tanong ni Gail at tumango na ako.

"Magkatabi ba kayo ni Ralph?" tanong ni Patrick

"Hindi" agad naman na sagot ni Ralph. Siya pala tinanong? Siya na pala si Ashley ngayon?? Nahiya naman ako -.-

"Weh? Mag-asawa kayo tapos magkahiwalay kayo ng kwarto? Kaya naman pala eh" nakangising sabi ni Patrick. Bigla siyang pinalo ni Gail at sinamaan ko naman ng tingin si Patrick.

"Pare, I respect my wife. Tsaka bata pa kami para isipin 'yan, di ba asawa ko?" tanong ni Ralph sa akin na agad kong sinang ayunan.

"Hmm" ang tanging naisagot ni Patrick.

Naiwan muna kami sa salang tatlo dahil pumunta sa kusina si Ralph para magluto. Habang nasa kusina siya at todo kwento kami ng kung ano ano. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na kami ni Ralph sa kusina para kumain. Nagluto siya ng sinigang.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon