Trouble 9

232 1 0
                                    

"Ashley, wala ka bang balak bumangon diyan?" -mama

Pffttt! Sabado ngayon at wala kaming pasok. At heto, nakahiga pa rin ako sa kama ko kahit tanghali na. Nakakatamad kasi ang araw na ito, wala akong maisip gawin kundi ang humiga lang sa kama at matulog. Wala kasi si Gail, umuwi sila sa probinsya nila. Wala 'yong taong nangungulit sa akin every Saturday, 'yong taong gigisingin ako kahit madaling araw pa, 'yong taong walang ginawa kundi gumawa ng gulo. Waaaahhh! I miss my bestfriend. Kumusta na kaya siya? Siguro okay lang siya. Hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hmm, matawagan nga ulit ang babaeng 'yon.

Kinuha ko 'yong phone ko sa may table then I start dialling it.

"Hello?" -Gail

"Waaahhh! Gail, buti naman at sinagot mo" -ako

"Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras, napatawag ka?" -siya

"Wala! Namiss lang kita. Kelan ka ba uuwi?"

"Hindi ko alam, hindi pa kasi tapos 'yong ginagawa nila mama dito eh"

"Ganun ba, sige ibababa ko na ito. Mukhang busy kayo eh. Bye, I miss you"

"Bye! I miss you more"

At doon nagtapos ang conversation namin. Ipinaliwanag ko na rin sa kanya ‘yong sitwasyon ko. Nasabi ko na rin sa kanya na fake lang ang marriage namin ni Ralph eh paano ba naman kasi pagkatapos ng eksena na ginawa namin ni Ralph ay hindi na ako pinapansin si Gail. Galit daw siya kasi nagsinungaling ako kaya hayun, no choice. Nasabi ko sa kanya ‘yong about sa gulong napasok ko.

Ibinaon ko na naman 'yong mukha ko sa may unan at nag-emote. Ilang minuto siguro ng maisipan ko nang bumangon. Agad agad akong dumiretso sa kusina at kumuha ng maiinom. Itutungga ko na sana ng..

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumangon?" agad na tanong ni mama sa akin.

"Hehe. Ang boring rin pala kung maghapon kang nakahiga. Masakit sa likod" pagrereklamo ko pa

"Sus. Maghanda handa ka na kasi may pupuntahan pa tayo mamaya"

"Eh, ang aga aga pa" sabi ko saka ko ininom 'yong tubig

"Anong maaga. Alas tres na kaya. Tsaka kelangan maganda ka kung kaharap mo na ang mga in-laws mo"

Pfftt. Muntik ko ng maibuga 'yong ininom ko. Ano daw? In-laws. Haha. Ma kung alam mo lang sana na ang lahat ng ito ay isang palabas lang kaso hindi eh, hindi mo alam. Medyo naguiguilty tuloy ako. Hindi ko na lang sinagot si mama. Pumunta na lang ako sa sala at nanonood. Ang boring kasi eh, walang magawa kaya hayun, nood, kain, nood, kain lang ang ginagawa ko ng bigla akong tinawag ni mama. Sabi niya maghanda na raw ako. Napaka excited talaga ni mama. Sa tuwing sinasabi ko na maaga pa ang sagot naman  niya mas maganda na daw 'yon kesa sa late. Napaka punctual talaga ni mama kahit kelan. Pumasok na ako sa room ko at naligo. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako, simple lang namag 'yong suot ko. Naka jeans ako tsaka loose na t-shirt with matching cap at tsaka naka converse pa ako. Grabe!! Ang cool ng dating ko.

Lumabas na rin ako sa room ko saka ako bumaba para hintayin sina mama pero baba na sana ako ng bigla akong tinawag ni mama. Nakangiti pa akong lumapit sa kanya pagkatapos...

"Ano 'yang suot mo?" agad na tanong ni mama

"Ma, hindi niyo po ba nakikita? Naka jeans ako tsaka naka loose na t-shirt with matching cap at converse" sabi ko kay mama habang ipinapakita ko sa kanya 'yong suot ko

"At kelan pa naging pormal ang jeans?? Tsaka, 'yong black na dress 'yon ang suotin mo. Ang baduy baduy mo" sabi niya. Magrereklamo pa sana ako ng bigla niyang tinakpan 'yong bunganga ko kaya wala ba akong nagawa kundi isuot 'yong dress. Hindi naman sa wala akong hilig sa mga dress kaso nakakasawa kaya ang magsuot ng dress kasi kada party dress. Sino kayang hindi magsasawa doon? Sinuot ko na rin 'yong sandal ko na 3 inches lang naman.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon