Trouble 48.2

117 0 0
                                    

48. 2

Last part of this chapter ^^ Enjoy :)

PS, sorry kung may typoerrors and pakicorrect na lang po ung mga grammars ko. LOL, lalo na sa english XD

---

Magdadalawang linggo na ang lumipas simula nung nalaman ko ang totoong plano ni Ralph sa akin. Oo, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.

Dito na rin ako sa bahay nakatira, ni hindi man lang nga tinanong nila mama kung bakit dito na ako nakatira eh nanahimik na lamang sila. Alam ko na alam na nila ang nangyari pero hindi na sila nangialam pa at ganun din sina Gail.Si Ralph naman, palagi niya siyang pumupunta sa camous namin para kausapin ako pero hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi pa ako handa. At dahil Sabado ngayon, tinatamad akong lumabas at wala pa sina mama. Business trip again at sa Lunes pa ang uwi nila. Gusto ko sanang tawagan sina Gail at Nicole para magsleep over dito ang kaso alam ko namang busy sila eh.

"Manang, kung may naghahanap po sa akin, pakisabi na lang po na wala ako" bilin ko kay manang. Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Ilang minuto rin akong nagbabad sa bathtub. Lumabas na ako ng cr at nagpalit. Habang nag-aayos ako ay biglang may nagdoorbell. Hmm? May bisita ba ako ngayon? Tumingin ako sa may bintana at nakita ko si Ralph na kausap ni manang. Ano ba ginagawa niya dito? At talagang tsinambahan pa kung kelan wala sina mama. Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kinuha ko 'yong hair dryer para pamagahin agad ang buhok ko. Ilang minuto ang lumipas ng makarinig akong ng sigaw galing sa labas.

"ASHLEY! PLEASE! MAG-USAP TAYO! I NEED TO TALK TO YOU!" It's Ralph. "I KNOW NASA LOOB KA LANG KAYA PLEASE, MAG-USAP TAYO!" dagdag pa nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at hinayang magsisigaw siya sa labas. Almost an hour ng lumabas ako sa loob ng kwarto ko pero bago 'yon, sumilip muna ako sa may bintana at nakita ko si Ralph na nakaupo doon. Hindi pa ba siya umaalis? Tinignan ko rin nag kalangitan at makulimlim. Tss, bahala siya sa buhay niya.

"Manang, pwede niyo po ba akong ipagluto ng adobo. Nagugutom po kasi ako eh"

"Sige hija"

Pumunta ako sa sala at nanood habang hinihintay na maluto ang adobo. Ilang minuto rin ang lumipas ng magsimulang kumulog ang kalangitan at kasabay nito ang simula ng pagpatak ng mga ulan. Siguro naman umalis na siya.

Tinawag na ako ni manang para kumain kaya agad akong tumayo papunta sa kusina. Gutom na talaga ako eh.

"Jusko po, ang lakas ng ulan" rinig kong sabi ni manang habang nakatingin siya sa labas kaya napatingin na rin ako. Malakas nga ang ulan. "Manang, 'yong taong nasa may gate kanina. Nandun pa po ba siya?" tanong ko kay manang.

Tinignan niya ako "Hindi ko lang alam hija. Teka, titignan ko lang siya". Maglalakad na sana si manang ng pinigilan ko siya. "Wag na po. Baka nakaalis na siya." sabi ko.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko. Sinilip ko siya sa may bintana ko at nakita ko siyang nakaupo habang nakayuko ang ulo niya. Baliw ba siya? Ang lakas ng ulan tapos nakaupo lang siya doon. Tss, nagpapaawa ba siya? Kung oo, pwes hindi ako maaawa sa kanya. Hindi ko siya pinansin at nahiga ako sa kama ko. Linabas ko ang phone ko saka ako naglaro. Ilang minuto rin akong naglalaro ng mapatingin ako sa labas at ang lakas ng ulan. At heto na naman ang konsensya ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at kumuha ng tuwalya at payong saka ako lumabas ng bahay. Binuksan ko 'yong gate at nakita ko siyang nakatayo doon.

"Ashley"

Biglang bumilis ang tibok ng puso. Ang lakas pa rin talaga ng impact niya, binigkas lang ang pangalan ko bumilis agad ang tibok ng puso ko. Napailing na lamang ako. Galit ako sa kanya at hindi ko hahayaan itong pesteng puso ko na ito na magpauto ulit sa kanya. Ayokong saktan niya ulit ako ng dahil lamang sa sinasabi ng puso ko.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon