Trouble 32

97 1 0
                                    

"Saan pala magaganap 'yong party?" tanong ko kay Ralph

"Venice Hotel"

"Ah"

Nagmaneho na si Ralph papunta sa Venice Hotel. Halos kalahating oras kaming nakarating doon kasi ng traffic -.- mabut na nga lang at hindi pa nagestart 'yong party kasi 'yong debutant pa ang hinihintay. Well, kung tatanungin niyo kung anong suot ko. Simple, white dress lang naman. Excited nga ako eh kasi next month magdedebut na rin ako.

After 5 minutes ay pinatay na 'yong ilaw at may spot light na nakatutok sa debutant. Hmm, maganda and she's like a princess ^______^

Inintroduce na siya pagkatapos nun ay 18th roses na. Unang sumayaw sa debutant ay 'yong tatay niya. At matapos ang 17th rose ay 'yong asawa niya ang sumayaw sa kanya. Siya pala si Nathan, 'yong nagtext noon kay Ralph na pupunta sila sa bar.

Nang matapos ang sayaw ay kainan na. Wahahaha XD Nagutom ako, promise ^______^ Pero bago kami kumain ni Ralph ay pinuntahan muna namin 'yong debutant.

"Hi Bri" -Ralph

"Ralph, salamat sa pagdalo" nakangiting sabi nung babae "Your wife?" dagdag nito saka niya ako tinuro

"Yes, she's Ashley" -Ralph

"Hi Ashley, I'm Brianna, Bri for short"

"Nice meeting you Bri" sabi ko saka ako nakipagshakehands

"Maiwan ko muna kayo dito" paalam ni Ralph at tumango lang ako

"Tama pala 'yong sabi nila, you're pretty" -Bri

"Hindi naman" nahihiya kong sabi "Kasal ka na pala?" tanong ko at tumango siya

"Di halata ah" natatawa kong sabi

"Pati naman ikaw ah" -Bri

"Ilang taon na kayong kasal?" tanong ko

"Almost three years na"

"Three years? Wow! Ibig sabihin, 15 years old ka pa lang nung kinasal kayo?" tanong ko at tumango siya

"Arranged Marriage 'yong nangyari" nakayuko niyang sabi

"Mahal mo ba 'yong asawa mo?" tanong ko at tumango siya "Wag ka ng malungkot. It's your day so you should enjoy the party" sabi ko saka ko siya hinaplos sa may balikat niya at nginitian niya lang ako. Nag-usap muna kami saglit saka ako nagpaalam kasi nagugutom na ako >3<

Natapos na akong kumain pero wala pa rin si Ralph. Psshh =.= San ba nagpunta 'yon? Naoop tuloy ako dito. Tumayo ako para hanapin ang babaerong 'yon pero nagulat talaga ako ng biglang may lumapit sa kanya na babae. Please, don't tell me mangyayari na naman 'yong nangyarian last month. Pinagmasdan ko lang sila, nung una hindi siya pinansin ni Ralph kaya natuwa ako pero nung maglalakad na sana siya ay bigla siyang hinila nung malandi na 'yon pero bakit ganun, sumama pa rin siya sa malandi na 'yon. Di ba dapat ang ginawa niya ay binitawan niya 'yong kamay ng malandi tapos umalis na siya doon. Bat ba sa tuwing nakikita ko siya ay may kasama siyang babae?? Shit! Ang sakit! Hindi ko alam na may nahuhulog na palang luha sa mga mata ko. Shit! Bat ang sakit? Bat ang sakit ng nararamdaman ko?? Shit talaga!! Ugggghh!! Why do you keep on hurting my feelings Ralph?? Why??

Kumuha ako ng maiinom at pumunta sa isang lugar kong saan ako lang ang tao. Hindi ako marunong uminom pero this time, kailangan ko muna 'tong gawin ng sa ganun ay mabawasan naman 'yong sakit na nararamdaman ko.

Nilagyan ko ng konti ang baso ko saka ko ito ininom. Yuck! Ang pait pero titiisin ko. Nakailang inom na rin ako at medyo tinamaan na ako.

"Ashley"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko siyang papalapit sa akin. Shit! Wag kayong mahulog please.

*PAK*

"Bat ba ang manhid mo??" sigaw ko sa kanya pagkatapos ko siyang sampalin. Iniyuko ko ang ulo ko para di niya makita ang mga luhang nahuhulog sa mga mata ko.

"Lasing ka na" sabi niya saka niya inagaw 'yong iniinom ko.

[Ralph's POV]

"Mabuti naman at nakarating ka" -Nathan

"Syempre naman, maraming chics dito eh" pagbibiro ko

"G*go ka pare, nandyan asawa mo" saka niya tinuro 'yong direksyon ni Ashley. Napatingin naman ako sa kanya at ang saya saya nila ni Bri.

"Inom tayo" alok ni Nathan pero umiling ako "Bakit?" nagtatakang tanong niya. Kapag nag-aalok kasi 'yan ay hindi ako umaayaw.

"May kasama ako, baka masobrahan ko pa" sabi ko saka ko tinignan si Ashley

Biglang napangiti si Nathan sa sinabi ko "Nagbago ka na talaga" saka niya tinapik 'yong balikat ko "Hindi naman kita pipilitin eh. Alis na ako" paalam niya saka siya nagsimulang maglakad palayo sa akin. Pinagmamasdan ko lang si Ashley kung ano ba ang ginagawa niya. Nagbago na ba talaga ako ng dahil sa kanya? Hindi ko alam at ayokong alamin -__________-

Tumayo na ako para puntahan si Ashley kasi sigurado ako na naaout of place siya dito. Habang naglalakad ako ay biglang may lumapit na babae sa akin.

"Hi" bati niya but I ignore her "Hey" saka niya ako hinila palayo sa lugar na 'yon at dinala ako a isang table kung saan puno ng mga babae. Shit ano 'to? Nasa bar ba ako?? Bat ang daming babae dito? Hindi naman ako nakainom ah. Psssshhh -.-

"Alis na ako" sabi ko saka ako tumayo paalis doon pero pinigilan nila ako. Nakakirita na ang mga babae dito. Baka mamaya makita ulit ako ni Ashley at kung ano na naman ang mangyari sa kanya. Naalala ko na naman nung naaksidente siya nung nagpapractice sila. Siguro kung hindi dumating 'yong babae 'yon hindi maaaksidente si Ashley. Hays!! Bwisit na talaga >___________<

"Please girls, stop it. Ilang beses ko bang sabihin sa inyo na kasal na ako. Kasal na ako" sabi ko saka ko pinakita 'yong kamay ko kung saan nakasuot 'yong singsing namin ni Ashley. "So please, stop it" sabi ko saka ako umalis doon at hinanap si Ashley.

"Bri, nakita mo si Ashley?" tanong ko

"Ashley? Sa tingin ko pumunta siya doon. Tignan mo na lang baka nandun siya"

"Salamat"

Tumakbo ako para puntahan si Ashley at nandoon siya, mag-isa niya lang habang umiinom? T-teka, kelan pa siya natutong uminom??

"Ashley" sabi ko saka ako lumapit sa kanya.

*PAK*

"Bat ba ang manhid mo??" sigaw niya sa akin pagkatapos ay iniyuko niya ang ulo niya.

"Lasing ka na" sabi ko saka ko inagaw sa kanya 'yong iniinom niya. Ghad! Bat ito yong ininom niya eh ang lakas ng tama nito. Kahit konti lang ang iinomin mo dito tatamaan ka talaga. Tss, ano bang nangyayari sa kanya?

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon