Trouble 48.1

107 0 0
                                    

48.1

Part 1 siya. Post ko na lang later ung part 2. Medyo mahaba haba kasi eh ang chapter ba ito, moreover, malapit na siyang matapos. 2 chapters to go plus epilogue ^^ Thanks :) And good mornyt na rin ^^

---

[Ralph's POV]

Alam na niya ang lahat. What's the point of explaining? Galit na siya sa akin, wala na akong magagawa. Kasalanan ko naman 'to eh.

Napahilamos na lang ako ng mukha dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit kelangan pang mangyari ito, kung kelan ayos na ang lahat, kung kelan masaya na kaming dalawa.

"Tama na nga 'yan. Dami mo nang nainom"

"Sinaktan ko na naman siya pare. Napakatanga ko talaga!" bulyaw ko sabay hagis sa boteng hinahawakan ko.

"Ralph! Huminahon ka nga!" pagpapatahan ni Vince sa akin. Tinignan ko siya saka ako tumawa. "I love her. I love her bro, but still I have the guts to hurt her feelings."

Napahawak ako sa buhok ko saka napayuko. Pinagmamasdan ko ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko. I'm sorry Ashley, nasaktan na naman kita. Gago ko talaga! Napakagago ko.

"Umuwi ka na lang. Sabihin mo sa kanya ang lahat bago ka pa mahuli kung ayaw mong magaya rin sa akin" sabi ni Nathan sa akin. Tinignan ko siya saka ako tumango. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinugot ang susi ng sasakyan sa bulsa ko. Pagewang gewang pa akong naglalakad palabas ng bar.

Ashley, just wait for me.

[Ashley's POV]

"Nag-away ba kayo ng asawa mo? Tell me. Anong ginawa niya? Sinaktan ka ba niya?" tanong ni kuya sa akin pagkatapos niya akong sunduhin dito sa condo niya. Umiling na lang ako bilang kasagutan sa mga tanong niya. Nandito ako sa condo niya ngayon. Dito muna ako magpapalipas ng gabi. Ayoko siyang makasama o makita dahil sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko na naman ang sakit na idinulot niya sa akin.

"You're lying. Impossible naman na walang nangyari sa inyong dalawa. Hatinggabing hatingggabi tumatawag ka, nagpapasundo. Seriously? Ano ba talaga ang nangyari?" seryosong tanong sa akin ni kuya saka niya ako tinabihan. Napakagat ako ng labi dahil nararamdaman kong pabagsak na naman ang mga luha ko. P@ksh!t naman oh!

Tinignan ko si kuya saka ako yumakap ng mahigpit sa kanya, kasabay rin nun ang pagbagsak na ng mga luha kong kanina pang gustong lumabas. "K-kuya..." napatigil ako saglit "I hate him"

Halos kalahating oras yata akong umiiyak habang nagkwekwento kay kuya. Sinabi ko sa kanya ang lahat at halata sa mukha niya ang galit at napayukom na rin siya ng kamay. "Ibig sabihin, hindi talaga kayo mag-asawa? Ni hindi rin kayo kinasal?" pagkokompirma niya.

"Yes kuya" sagot ko "Pero kuya, please wag mo munang sabihin 'to kina mama. Ako na lang po ang magsasabi sa kanila" pakikiusap ko at pumayag naman siya. Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin "I'm sorry bunso, nang dahil sa galit niya sa akin ikaw pa ang sinaktan niya. I'm really sorry"

Hindi na ako umimik sa sinabi niya. Inayos ko na lamang ang sarili ko pagkatapos ay nagpahinga na ako.

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw. Pagsulyap ko sa orasan ay alas siete na pala. Juice ko! Tumayo na ako sa kinahihigahan ko at tumakbo papasok ng cr.

Walanghiya naman ang kapatid ko, hindi man lang ako ginising. Urrrrgggghhh! Nang makapagpalit na ako ay dumiretso na ako sa kusina at nakita ko si kuya na busy sa pagluluto.

"Gising ka na pala bunso. Ang aga ah" natatawa niyang sabi.

"Kuya naman eh! Bat di mo ako ginising? Late na tuloy ako" pagtatampo ko sabay upo. Tinignan niya ako ng may pagtataka saka siya lumapit sa akin. Ang cool ni kuya, naka apron pa siya at talagang bagay sa kanya. "Akala ko ba mamayang 9 pa ang klase mo?" tanong niya sa akin. Napaisip ako bigla, Tuesday pala ngayon. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa katangahan ko.

"Tsk! Tsk! Iba talaga epekto pagbroken hearted ka, nagiging ulyanin ka" sabi ni kuya saka siya tumayo at tinignan ang niluluto niya. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya at nararamdaman ko ang mga luha sa mga mata ko. Napayuko ako dahil ayokong makita ni kuya na naiiyak na naman ako. I promise to myself, di na ako iiyak ng dahil sa pag-ibig na 'yan. This is the reason why I hate to fall in love. I always suffer into pain, unfair right?

---

"I'll fetch you later, just text me" bilin ni kuya sa akin saka umalis. I cheer up myself before entering our campus. Habang papasok ako sa first class ko ay nakasalubong ko sina Gail at Nicole. Nginitian ko na lamang sila at nilagpasan. Naramdaman nila na wala ako sa mood makipagkulitan sa kanila kaya hindi na lamang sila nagreact sa ginawa ko. Sinubukan kong magconcentrate sa pakikinig at mabuti't nakiayon ang puso ko sa utak ko. Break ko ngayon kaya nandito ako sa canteen. Bumili na ako ng pagkain saka naghanap ng table kung saan pwede akong mapag-isa.

"Mag-isa ka lang?"

Napaangat ang ulo ko sa taong nagsalita saka ako tumango. "Pwedeng maupo?" dagdag pa nito at tumango na naman ako. Pinagpatuloy ko ang kinakain ko.

"Ash, okay ka lang ba?"

Napatigil ako sa pagkagat sa burger at tinignan siya. Nginitian ko siya saka tinanguhan. "Tango na lang ba ang ibibigay mong sagot sa akin? Pwede bang magsalita ka naman Ash" sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka ko siya tinignan. Napakagat na lang ako ng labi dahil ayokong umiyak. Bakit sa dinamirami ng taong pwedeng lumapit at paginhawahin ang nararamdaman ko, bakit siya pa? Bakit si Jasper pa?

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm here to listen Ash". Pagkasabi niya ang mga katagang 'yon ay siya namang pagbagsak ng mga luha ko. I promise to myself I won't cry anymore but here I am, crying again. Naramdaman ko na lamang na tumabi siya sa akin pagkatapos ay niyakap niya ako.

Itutuloy...

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon