Trouble 22

123 1 0
                                    

vote..comment..

ENJOY READING!!

xxxx

*beep..beep*

"Nandyan na!" sigaw ko

Grabe naman kasi 'tong si Ralph kung makapagsundo. Ang aga! Grabe!! Kulang pa nga 'yong tulog ko eh >3<

"Bat ang tagal mo?"

"Sorry >3< Nakatulog kasi ako sa banyo eh"

"Hop in" sabi niya saka ako sumakay.

"WOAH!" sigaw niya

"Bakit?"

"Ang laki ng eyebugs mo. Parehas tayo" sabi niya saka niya ipinakita 'yong eyebugs niya. So kinatuwa ko na 'yon? Wahaha! But seriously, ang cute ni Ralph, para siyang bata.

"Laki din ng eyebugs mo ah. Anong ginawa mo kagabi?" tanong ko

"Inisip lang kita"

Somai Ralph! Ang aga aga, kung ano na naman ang sinasabi mo.

"Ralph, anong nakain mo at kahapon ka pa ganyan?" tanong ko pero nginitian niya lang ako.

"Simba tayo" aya niya

"Wow! Baka masunog ka pa pagpumasok ka doon"

"Pagkatapos pakasal na tayo"

SHETE! RALPH! KINIKILIG NA AKO SA MGA SINASABI MO!

"Hoy, hindi na maganda 'yang biro mo ah" sabi ko

"Hindi naman ako nagbibiro eh" he paused for a while "Bakit? Kinikilig ka?"

OO! SOBRA! KAYA TIGILAN MO NA 'YAN MGA SWEET WORDS MO NA 'YAN AT BAKA MAHULOG PA AKO SAYO! HANGGANG LIKE LANG AKO RALPH!

"CHE! Magmaneho ka na lang diyan" sabi ko

Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa simbahan. Doon kami sa may harapan naupo.

Isang oras ang nakalipas ng matapos ang misa.

"Buti naman at hindi ka nasunog" biro ko kay Ralph

"Hindi, kasi mabait ako"

"Kapal mo din. So, saan mo balak pumunta ngayon?"

"Grocery tayo kasi wala ng laman 'yong ref. Takaw mo kasi"

"Baka ikaw" sabi ko

Sumakay na kami sa sasakyan at pumunta kami sa grocery store. Kumuha na ng basket cart si Ralph kasi alam kong tamad 'yang magbuhat at nagsimula na kaming nag-ikot.

"Umm, ito. Tapos ito, tapos...ito. Tapos, ano pa kaya. Ah eto" sabi ko saka ko inilalagay sa basket cart 'yong mga pinili ko.

"Puro junk foods naman binili mo" pagrereklamo ni Ralph

"Hindi naman ah" pagproprotesta ko "Punta naman tayo doon" saka ko itinuro 'yong place kung saan may mga prutas at gulay.

Lumayo muna ako kay Ralph para mamili ng mga prutas. Siya na daw bahala sa mga gulay. Siya expert eh ^___^

Umm, 6 apples, 6 oranges, then grapes, strawberry, saging tapos 2 kilong mangga, 'yong unripe tsaka 'yong ripe. 'Yan lang naman ang binili ko. Madami ba? Para sa amin naman ni Ralph 'to eh ^______^

Pagkatapos kung ilagay sa supot ang mga prutas na binili ko ay pumunta na ako kay Ralph.

"Sige na, isang beses lang naman eh. Pumayag ka na" -girl na malandi XD (mean ba masyado?)

"Sorry girls but I can't. Hindi talaga pwede. Sorry" -Ralph

Tss, may mga babaeng lumalandi na naman sa asawa ko >___< Nakakainis!! Tapos ano daw? Isang beses lang? Ano naman 'yon? Makikipagsiping sila sa asawa ko? Makikipagdate sila? Tss, ang kakapal naman ng mga mukha nila >____<

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon