Trouble 27

82 1 0
                                    

"BWISIT!!!" sigaw ko saka ko inihagis 'yong mansanas sa may pintuan at..

*TOINK*

Ooooppppssss. May tao palang pumasok at naitama ko ito sa may noo niya "OUCH!!" sigaw niya saka siya napahawak sa may noo niya.

"Oppss. Sorry kuya!" sabi ko "Hindi ka kasi marunong kumatok" dagdag ko pa

"Ikaw bunso, naospital ka lang ang wild mo na" sabi niya saka niya ako nilapitan. Naupo na rin ako sa kama.

"Tsaka, ang aga aga nagsisigawan kayong mag-asawa. Mahiya nga kayo, nasa ospital pa man din kayo" dagdag pa nito kuya saka niya kinagatan 'yong mansanas na ibinato ko sa kanya

"Tss" ang tangi kong naisagot

"So, kumusta na 'yang paa mo?" tanong ni kuya

Agad ko namang ipinakita sa kanya ang nakabandage kong paa. Actually, hindi ko pa talaga kayang tumayo ng diretso at maglakad kasi masakit pa rin TT^TT

"'yan ba ang dahilan kung bakit kayo nag-away ng asawa mo?" tanong ni kuya dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Naintindihan naman kita bunso eh pero, may point naman ang asawa mo at sana maintindihan mo 'yon. Kalusugan mo lang ang inaalala niya tsaka, isang game lang naman ang mamimiss mo eh" biglang tinap ni kuya ang balikat ko "Kapag nagmatigas ka pa at ipinagpatuloy mo ang paglalaro mo may tendency na baka habang buhay ka ng hindi makakapaglaro ng volleyball. Kapag naman hindi ka naglaro at nagpahinga ka, makakapaglaro ka pa. Now Ashley, choose. 'Yong isang beses na hindi ka makakapaglaro o 'yong habang buhay ka nang hindi makapaglalaro ng volleyball"

Natauhan naman ako sa sinabi ni kuya. Tama naman siya eh, ako itong matigas ang ulo. Kalusugan ko lang naman ang inaalala nila eh. Hay! Naguiguilty tuloy ako sa mga pinagsasabi ko kay Ralph. Nagawa ko pa siyang sigawan at pagsabihan ng mga masasakit na salita. Bumuntong hininga ako saka ko niyakap si kuya.

"Kuya, thank you" sabi ko. After that ay kumalas na siya sa pagkakayakap ko.

"Sige, mag-ayos ayos ka na diyan at mamaya ay pwede ka nang lumabas. Tsaka isa pa, magsorry ka rin sa asawa mo. Tsk! Masyado ka kasing sensitive eh" saka niya ginulo 'yong buhok ko. "I'll be back after 30 minutes" saka siya lumabas ng room.

At heto, nakatingin ako sa may ceiling habang nakikipag eye to eye ako sa isang butiki. After a a couple of seconds ay ipinikit ko na ang mga mata ko kasi mahapdi na. O siya! Si Mr. Butiki na ang nanalo. Hay, nababaliw na ako -_____- Habang nakahiga ako ay naiisip ko 'yong mga pinagsasabi ko kay Ralph. I'm sure, galit siya sa akin. Siya na nga ang nagbantay sa akin kagabi eh tapos sisigawan ko pa siya ng mga masasakit na salita. Nakakaguilty, promise :(

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sina mama kasama sina tita Karen (mom of Ralph)

"Hija, okay ka lang ba?" -tita Karen

"Okay naman po ako tita"

"Don't call me tita, just call me ma"

"Sige, ma" nahihiya kong sabi

Inalalayan ako ni mama na pumasok sa cr para magpalit ng damit kasi lalabas na ako dito sa ospital. Nandito rin pala sina Gail at Patrick. Awww :"> 'Yong gummybear couple, nandito para bisitahin ako pero nagtataka pa rin ako. Bat sila nandito, wala ba silang pasok?

Inalalayan ako ni Ralph maglakad palabas ng ospital pero bago 'yan, kinausap muna ng doctor si mama kaya naupo muna kami doon. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila, kesyo dapat ganito, dapat ganun etc. etc. kay Ralph lang kasi ako nakatingin. Hay, nakakapanibago siya. Dapat kasi eh nasa tabi niya ako at kung ano ano mga cheesy lines ang ibinabato sa akin pero nandoon siya, nakatayo sa may entrance. Galit siya sa akin >3< Halata naman eh!

Pagkatapos ng mahaba habang usapan nina mama at ang doctor ay lumabas na kami sa ospital.

"Ash, hindi ka na namin masasamahan. May pasok pa kasi kami eh" -Gail

"Okay lang 'yon. Sige, ingat kayo sa daan" -ako

"Bye, ingat ka rin" -Gail

"Ingat ka Mrs. President" -Patrick

I just smile at them.

"Halika na Ashley" -kuya

"Umm, pwede bang makisabay na lang ako kay Ralph" sabi ko

Nagkatinginan sina mama, kuya at tita Karen pagkatapos ay ngumiti sila ng malawak at tumango tango.

"Sure" -mama

"Ingat ka bunso" -kuya

"Sige balae, una na rin ako" -tita Karen

Pumasok na sila sa sasakyan at nauna na sila. Kami naman ni Ralph nakatayo lang doon.

Spell AWKWARD

K-A-M-I

"Pasok ka na" -Ralph

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang siya, at ganun din ako. Hay! Oo na, sasabihin ko na.

"Ralph" -ako

"Hmm" sabi niya ng hindi nakatingin

"Sorry"

Bigla siyang nagpreno kasi may dumaan na matanda. Woah! Muntikan na 'yon ah.

"For what?" he asked

"For what I had said a while ago"

"Okay lang 'yon" sabi niya then he started the engine again "Naintindihan naman kita eh tsaka totoo naman lahat ng sinabi mo" dagdag pa niya

"No Ralph, I'm really sorry. Kasalanan ko naman lahat eh, masyado lang akong matigas tsaka alam ko naman na nag-aalala ka lang sa akin eh" sabi ko saka ako yumuko. Wala rin akong narinig na sagot niya.

"Umm, Ralph" sabi ko ulit

"Bakit?"

"G-gusto ko lang sanang malaman 'yong tunay na nangyari kahapon. Dun sa girl na.. Ano, umm. Alam mo na" sabi ko. Ayokong sabihin ang salitang 'ang babaeng humalik sayo' ayoko -.-

"Wag na, baka hindi ka rin maniwala" seryoso niyang sabi.

Ano ba 'yan??!! I'm trying to fix this d*mn problem tapos, tapos ganun lang ang sasabihin niya. Uggghh!! I hate you Ralph de Guzman! Halos mamatay na nga ako sa guilty kanina eh. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa labas. I hate you! I really hate you! Naiiyak na naman ako.

"Dun ka daw muna kina mama mo ng ilang araw" -Ralph

I HATE YOU!!

"Okay"

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba, hindi na ako nagpatulong pa sa kanya at pinaalis ko na siya. Kaya nga ako sumabay sa kanya para magkaayos kami eh, tapos ganun lang. Walang nangyari??!! I hate him! I really do >___________<

Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakakadisappoint naman siya! Hindi man lang siya nag goodbye sa akin. Bwisit siya! Bwisit -__________-

"Hi ma" -ako

"Si Ralph?" -mama

"Pinauwi ko na siya"

"Huh? Bat mo naman ginawa 'yon? Tsk! Kayong mag-asawa talaga. Sige, pumasok ka na sa kwarto mo nang makapagpahinga ka"

"Opo"

Dumiretso na ako sa kwarto ko at iika ika akong lumakad. Dapat kasi nandito si Ralph eh, siya sana 'yong nag-aalalay sa akin papunta sa room ko >3< I hate him!

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon