Trouble 36

84 0 0
                                    

"Ashley, nasa earth pa tayo" bulong ni Gail sa akin dahilan para mabalik ako sa realidad. Nasa may canteen kami ngayon kasama namin si Nicole. Close na kami at hindi lang 'yan, bestfriend na namin si Nicole. Mabait siya at hindi siya plastik :))

"I know" I said

Dalawang araw na rin ang nakalipas ng magsimula na naman ang pasukan. May good news din ako, magkaklase kami kina Nicole at Gail, almost every subject nga eh kaya heto, nandito kami sa canteen kasi may 1 hour break pa kami.

"Gail, kumusta na kayo ni Patrick?" tanong ni Nicole

"Okay naman kami, strong pa rin ang relationship namin. Kayo ni Jasper, kumusta?" tanong naman ni Gail.

Napatingin ako kay Nicole at ang lungkot ng expression niya. May problema ba sila ni Jasper? Nag-away ba sila?

"Okay lang naman. Hehehe" sabi ni Nicole saka siya tumawa na halata namang pilit. "Ikaw Ashley, kumusta na kayo ng asawa mo?" tanong ni Nicole sa akin dahilan para mapalitan ang topic namin.

I smile at her "Okay lang naman"

Makalipas ang isang oras ay pumunta na kami sa next class namin.

***

"Naku, makulimlim ang kalangitan" -Nicole

"Oo nga, mukhang uulan. Wala pa man din akong payong" -Gail

Napatingin ako sa may kalangitan at makulimlim nga. Nagsimula na ring kumulog at kumidlat kaya nagsilong muna kami sa may waiting shed.

"Kelangan ko ng umuwi, baka maabutan pa ako ng ulan" -Gail

"Ako din, sabay na tayo. Ikaw Ashley?" -Nicole

"Sige, mauna na kayo. Hihintayin ko pa kasi ang asawa ko"

"Sigurado ka? Kung gusto mo samahan ka pa namin" -Gail

"Hindi na, umuwi na lang kayo at baka maabutan pa kayo ng ulan. Magkasakit pa kayo niyan" sabi ko. Tumango naman sila at nagbabye sa akin. Nakaupo lang ako doon at hinihintay si Ralph. Medyo matatagal daw kasi siya eh.

Sampung minuto ang lumipas ng magsimulang pumatak ang mga ulan. Hays! Ang tagal naman ni Ralph.

Kinuha ko 'yong phone ko sa may bulsa ko at tinawagan si Ralph pero unattended siya. Ano bang nangyari sa lalaking 'yon?

Another minutes had passed when he came.

"Sorry, may ginawa lang akong importante" sabi niya pagkapasok ko sa sasakyan niya. Hindi ko na lamang siya pinansin kasi basa na ako. Ang lakas ng ulan kanina at kahit nakasilong ako ay nababasa pa rin ako.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa cr para maligo.

"Galit ka sa akin?" tanong ni Ralph

"Hindi"

"Eh bat hindi mo ako pinansin kanina?"

"Wala lang, trip ko lang"

"Ashley naman eh"

"Naiinis lang ako kasi ang tagal mong dumating. Nabas tuloy ako >3<"

"Sorry" sabi niya saka niya ako niyakap at nagpout pa siya. Seriously Ralph? Bat ang cute mo??

"Nagugutom na ako, magluto ka" utos ko sa kanya

"Tss, opo"

Tumayo na siya saka siya dumiretso sa kusina.

"Alam mo, kawawa magiging asawa mo" sabi niya habang kumakain kami

"Bakit naman?"

"Masyado siyang under sayo" saba niya saka siya tumawa

"Ano bang masama sa pagiging under? Atleast nga sila alam nila ang obligasyon nila eh, hindi gaya ng iba diyan" nakangisi kong sabi

"Pinariringgan mo ba ako?"

"Bakit, tinamaan ka ba?" sabi ko saka ako tumawa. Ngumiti lang siya sa akin. Nang matapos na kaming kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko. Masarap matulog ngayon kasi umuulan pero bakit kelangang kumulog at kimidlat pa? Panira naman oh. Kinuha ko 'yong laptop ko tsaka nagfacebook muna ako. Ilang buwan din ang lumipas ng huli ko itong binuksan.

SCROLL...SCROLL..SCROLL..SCROLL..SCROLL

BLACK!

SOMAI! BROWN OUT !!

"AAAAAAAAAHHHHHHHH" sigaw ko

Natatakot ako TT__TT Walang ilaw tapos ang dilim tapos umuulan pa tapos kumukulog at kumikidlat pa.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan. "R-ralph?"

"Ashley, may problema ba?" tanong niya saka siya lumapit sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa may braso niya.

"N-natatakot a-ako"

"Don't worry, nandito lang ako" sabi niya saka niya hinaplos ang buhok. Tatayo sana siya ng pigilan ko siya "Please, d-don't l-leave me" sabi ko

"Babalik din ako, kukunin ko lang 'yong flashlight"

Mas lalong humigpit ang pagkapit ko sa braso niya.

"Sama ako" sabi ko.

He held my hand. "Halika na"

Lumabas kami ng kwarto ko saka kami pumunta sa kusina para kunin 'yong flashlight.

Binuksan na ni Ralph 'yong flashlight kaya medyo lumiwanag. Naglakad kami papunta sa may sala.

"Inaantok ka na?" tanong ni Ralph sa akin at tumango naman ako. "Here, lean on my shoulder" sabi niya saka niya tinap 'yong balikat niya.

"Hindi na, pasok na lang ako sa kwarto ko"

"Kaya mo?"

"Umm..."

"Halika, sasamahan kita"

Tumayo na kaming dalawa at pumasok sa room ko. Napakawrong timing naman kasi eh. Bakit kasi ngayon pa nagbrown-out?

"Matulog ka na" -Ralph

"Ikaw?"

"Lalabas na lang ako pagnakatulog ka na"

"Huh? Eh? A-ano, s-samahan m-mo na l-lang ako. T-tabi na lang tayo kasi natatakot ako"

"Sigurado ka?" tanong niya

"Ah, oo. Malaki naman 'yong kama ko eh, kasya naman tayo tsaka maglalagay na lang ako ng unan sa gitna"

"Okay" nakangiti niyang sabi

Naglagay na ako ng unan sa gitna at nahiga na, ganun din ang ginawa ni Ralph.

"Good night" narinig kong sabi ni Ralph

"Night"

***Kinaumagahan

Pagmulat ko ng mata ko ay ang mukha ng isang lalaki ang agad na bumungad sa akin dahilan para mapangiti ako.

Why do I keep on falling for you?

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang mata niya, ang matangos niyang ilong tsaka ang labi niya. Ilang minuto ko rin siguro siyang pinagmasdan ng napansin kong ngumiti siya. Hallah? Gising siya? Agad kong pinikit ang mata ko.

"Ginagahasa mo na naman ako diyan sa isipan mo" sabi niya. Somai! Nakita niya ata! OMG! Nakakahiya >//<

Tatayo na sana ako ng maramdaman kong ipinatong ni Ralph ang kamay niya sa may waist ko pagkatapos nun ay hinila niya ako papalapit sa kanya.

*gulp*

"Hoy, a-anong g-gagawin mo?" agad kong tanong pero ngumiti lang siya

"Hoy! Bitawan mo nga ako, may klase pa tayo" sabi ko pero ngumiti lang siya.

"Maaga pa, tsaka lulubusin ko na ito kasi ngayon lang kita makakatabi eh"

Halos uminit ang mukha ko sa sinabi niya tsaka parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa sobrang kilig.

Hindi na ako nagsalita at ganun lang kami ng ilang minuto.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon