Trouble 30

102 0 0
                                    

"Waaah, ang cute nila. Dali picturan mo"

"Wait! Grabe, bagay na bagay sila"

"Ang sweet pa nila, tignan mo"

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng mga nagsasalitang mga babae.

-_-

-_O

O_-

O________O -ako

^_________^ -sila

OMG!! May tao!! Shemay! Nakakahiya 'to at lalo na 'yong posisyon namin ni Ralph.

"Hoy gising" sabi ko habang pinipilit kong makawala sa pagkakayakap niya sa akin.

"Ummmm" sabi niya

"Gising ka na diyan, dali" saka ko siya hinampas. Unti unti naman niyang iminulat ang mga mata niya at napansin niyang may tao.

"Hi girls" bati pa niya saka niya kinusot ang mga mata niya.

"Waahhh, sabi ko na nga ba eh. Siya si Ralph de Guzman, 'yong sikat na soccer player" -girl 1

"Oo nga. Ui, papicture naman po" -girl 2

"Uh?" sabi niya saka niya ako tinignan "Ask my wife first" nakangiti niyang sabi

"WIFE??" sabay sabay nilang sabi at tumango lang si Ralph

"Huhuhu TT______TT May asawa na pala siya" -girl 2

"Kaya nga. Huhuhu TT_____TT" -girl 1

Umalis na rin 'yong dalawang babae. Hindi ko kasi sila pinayagan na magpapicture sa 'asawa ko' kaya hayun, umalis silang umiiyak. OA naman nila masyado.

"Hoy! Kilala mo sila?" tanong ko pero umiling siya

"Ang sabi ko kasi sayo eh, sikat ako"

"Kapal mo din. Umalis na nga tayo dito kasi nakakahiya 'yong nangyari kanina" sabi ko saka ako tumayo at pinagpag ko ang pantalon ko tsaka 'yong damit ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa sasakyan at sumunod naman si Ralph.

Mga 4 siguro ng hapon ng makauwi kami sa bahay at syempre, pagod na pagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginawa. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko saka ko kinuha si Rashley at niyakap ito. "Alam mo bang ang raming nangyari ngayon Rashley" sabi ko "Una, nanood ako ng laro ng team namin sa volleyball kasama ang papa mo. Pangalawa, first time kong pumunta sa soccer feild, pangatlo naman ay naghabulan kami sa may soccer feild tapos biglang natwist ng konti 'yong paa ko. Pang-apat, nagpabuhat ako sa papa mo tsaka binilhan niya ako ng ice cream pagkatapos ay minasahe niya 'yong paa ko" I paused for a while "Nalaman ko rin na nagquit siya sa paglalaro ng soccer. Alam mo, naguguluhan talaga ako eh. Bat siya nagquit kung labag naman sa kalooban niya? Tsk! Abnormal yata 'yong papa mo Rashley eh" matawa tawa kong sabi "Pero alam mo nalungkot ako sa ginawa niya. Bata pa lamang siya, naglalaro na siya ng soccer. I know masakit para sa kanya 'yong naging desisyon niya pero siguro may dahilan kaya niya 'yon ginawa. Hay! Ang dami talagang nangyari ngayon" saka ko niyakap ng mahigpit si Rashley.

*knock...knock*

Bigla akong napabangon ng kumatok si Ralph. "Kain na" sabi ni Ralph.

Tumayo na ako saka ako dumiretso sa cr at nagshower ako. After a couple of minutes ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumain. Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming magmovie marathon tutal Sabado naman bukas eh.

"So, anong papanoorin natin?" tanong ko

"Horror?" tanong niya

"Huwag!" sigaw ko "Ayoko ng horror >3< Baka hindi ako makatulog" dagdag ko

"O-okay" sabi niya

Nanood na lang kami ng comedy. Wahahahaha XD Walanghiya kang Ralph, 'yong Pee Mak 'yong pinanood namin. Well, horror siya na may halong comedy tapos si Mario Maurer pa 'yong bida ^_______^

"Umm Ralph" sabi ko

"Ano 'yon?"

"May naging crush ka na ba?"

Ewan ko ba at natanong ko sa kanya 'yon. Para kasing interesado akong malaman eh.

"Bat mo naman natanong?"

"Sagutin mo muna"

"Hay, oo na" nakangiti niyang sabi

"May naging crush ako noong bata pa lang ako. Nakalimutan ko na ang itsura niya pero ang tawag ko sa kanya ay Sha-sha siya naman ay Arf-arf ang tawag sa akin"

Natawa ako sa sinabi niya. Arf-arf? Parang aso lang, arf-arf.

"Bat naman Arf-arf?" natatawa kong tanong

"Kasi nga 'yong tawag sa akin nung bata ako ay Raf-raf tapos pinagkatuwaan niya 'yong pangalan ko kaya nabuo ang Arf-arf"

"Ah. San mo naman siya nakilala?"

"Isang beses ko lang siyang nakita pero namangha na talaga ako sa kanya. Nakilala ko siya sa birthday ni ate"

"Eh bat hindi mo tanungin sa mama mo kung sino 'yong long lost crush mo"

"I've tried. 'Yong huli kong tinanong sila ang sabi nila, I already met her"

"Woah! Baka naman isa siya sa mga naging babae. Hallah ka! Niloko mo 'yong long lost crush mo"

Bigla niya akong nginitian "Alam mo, kung may pagkakataon sana, gusto ko siyang makita kahit isang beses lang" nakangiti niyang sabi.

OUCH!!

Ay teka, bakit may ouch?

"Sana nga" sabi ko saka ako tumingin sa may tv. Bakit, bakit parang may masakit?

[Ralph's POV]

Ang asawa ko talaga, kung ano ano ang tinatanong. Hay, binuhat ko na si Ashley papunta sa kwarto niya kasi naitulugan niya 'yong pinapanood namin.

Inihiga ko na siya sa kama niya saka ko siya kinumutan. Pagkatapos nun ay hinalikan ko siya sa may noo at lumabas na ako sa kwarto niya.

"Good Night, asawa ko"

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon