Trouble 45

99 0 0
                                    

45

"Grabe! Bitin 'tong bakasyon na ito" reklamo ko kay Ralph habang naglalakad kami papunta sa school namin. Tinatamad siyang magmaneho kaya hayun, naglakad na lang kami. Sabi pa niya, mas maganda raw kung araw-araw na lang kaming maglakad 'yong bang sabay kami pagkatapos magkahawak pa ang kamay namin at isa pa para daw hindi sayang ang gasolina kasi mahal ang gasolina ngayon. Okay na sana 'yong una eh kaso dinagdagan pa niya. Urrrrgggghhh! Kahit kelan talaga ang lalaki na 'yon.

"Hay naku asawa ko. Ang aga aga nagrereklamo ka na naman. Tignan mo oh, humahaba na naman 'yang nguso mo" pagbibiro niya sa akin. "Dapat maging masaya ka kasi pasukan na naman. Makikita ulit natin 'yong mga kablockmate natin. Right?" dagdag pa niya. Tumango tango na lang ako sa sinabi niya. Ilang minuto siguro ang nakalipas ng makarating kami sa campus ko. Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos ay umalis na siya. Dumiretso muna ako sa gym namin para tignan ang teammates ko. Pagkarating ko dun ay nakita ko silang naglalaro.

"Hey Ash!" bati agad ni Grace ng makalapit ako sa kanila. Nginitian ko sila at binati ng magandang umaga.

"Grabe! First day na first day ah, naglalaro agad kayo" ani ko sa kanila.

"Namiss lang talaga namin ang isa't isa. Parang di ka pa nasanay sa amin at isa pa, ikaw lang naman nawawala sa grupo natin eh" natatawang sagot ni Grace sa akin. "Kung sabagay, ganyan talaga ang buhay may asawa... Laging busy" dagdag pa nito. Nginitian ko sila pagkatapos nun ay inagaw ko sa kanya 'yong bola.

"Tara! Laro tayo!" aya ko sa kanila. Walang umimik ni isa sa kanila at nagtitinginan pa sila sa isa't isa. "Guys??!!" tawag ko ulit sa kanila. "Come on! Let's play. Namiss ko kayo eh" nakangiti kong sabi pagkatapos nun ay hinila ko na si Grace.

Masaya naming sinimulan ang laro namin at kalahating oras din kaming nalaro. "Sineryoso kasi ni Ash 'yong joke ko, hayan tuloy di na tayo nakapasok sa first subject natin" pagbibiro ni Grace sa akin.

"Hallah? Hindi naman ah! Miss ko lang kayo" pagtatanggol ko sa sarili ko. Totoo naman eh, namiss ko talaga sila. Sobra!

"Asus! Defensive si Mrs. de Guzman" sabi ng isa kong kateammate. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Nang nakapagpahinga na kami ay pumasok na kami sa next period subject namin. This time, classmate ko sina Nicole at Gail at sigurado akong tatadtarin nila ako ng tanong kung bakit hindi ako pumasok sa first subject ko. Nang makapasok ako sa room namin ay natatanaw ko na 'yong dalawa na abalang nag-uusap. Nagpatay malisya na lang ako na hindi ko sila nakita at nagtuloy tuloy na ako sa upuan ko. Nilabas ko na 'yong libro ko at nagbasa na lang.

"Ahem!" rinig kong sabi ng nasa kabila.

"San ka galing at di ka pumasok kanina?" tanong ni Gail. "Alam mo bang pinag-alala mo kami kanina? Akala namin kung ano ng nangyari sayo. Pumunta pa kami sa clinic para tignan ka doon" malungkot niyang sabi.

"Ang OA niyo, promise!" sarcastic kong sabi. "Gail, san ba ang tambayan ko? Sa clinic at talagang doon niyo ako hinanap" dagdag ko saka ko sila tinignan. "Nasa gym ako, naglalaro ng volleyball kasama sina Grace. Napasarap ang paglalaro namin kaya hayun, hindi na namin namalayan ang oras. Happy?"

Nakakalokong ngiti ang ibinigay nila sa akin pagkatapos ay agad silang bumalik sa upuan nila at pinagpatuloy ang kanilang usapan. Napailing ako saka ako ngumiti. Mga baliw talaga ang mga 'to.

Lunch break na kaya andito kami sa canteen. Ang saya saya nga nung dalawang babae kasi ako magbabayad lahat ng kinain nila. 'Yon raw ang bayad sa di pagsabi sa kanila kung saan ako pumunta kanina. Pssshh! Ang galing talaga nilang dalawa. Kaasar >____<

Habang kumakain kami ay bigla kong nabitawan 'yong kutsara na hawak ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa akin. Tumango ako bilang sagot ko sa tanong niya. Pinulot ko na ang kutsara saka tumayo para kumuha ulit ng iba. Huminga muna ako ng malalim saka ako bumalik. Tila nawala na rin ang kaba sa dibdib ko pero hindi ko pa rin maiwasang mapatanong sa sarili ko. Bakit ganun? Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba? May mangyayari bang hindi maganda?

Itutuloy....

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon