Trouble 49

139 0 0
                                    

here's trouble 49. Post ko mamayang hatinggabi 'yong last chapter at kasabay nun ay 'yong epilogue. Happy New Year :)

---

"Next week na valentines, ano plano niyo?" tanong ni Nicole sa amin. Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya at itinuon ko na lamang ito sa pagkaing kinakain ko.

"Lalabas kami ni gummybear, ikaw Nicole ano plano niyo ni Jasper?" tanong naman ni Gail sa kanya.

"Ewan. Di naman kami sanay na lumabas ni Jasper eh, ikaw Ashley?". Napatigil ako ng ako naman ang tanungin niya. "Inaasar niyo ba ako?" inis kong sabi. Ngumiti naman sila ng nakakaloko saka nagpeace sign. "Hay naku, porke't may sarisarili na kayong lovelife ganyan na kayong ngumiti" I said then I roll my eyes at them.

"Bestfriend, patawarin mo na kasi si Ralph ng magkalovelife ka ulit" sabi ni Gail sa akin sabay haplos sa may braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama. "Okay! Sorry!" sabi niya saka niya tinaas ang dalawang kamay niya. Kaya napailing na lang ako. Ilang saglit lamang ay nabalot ng katahimikan. Walang nagsalita sa amin.

"Talaga bang galit ka pa rin sa kanya?" pagbabasag ni Nicole sa katahimikan. Bumuntong hininga ako bago ko siya sagutin. "Oo, galit pa rin ako sa ginawa niya"

"Naiintindihan naman kita eh pero sana man lang pakinggan mo 'yong side niya" payo ni Nicole sa akin. Napayuko na lang ako sa sinabi ni Nicole. Pakiramdam ko tuloy ako ang may kasalanan ng lahat. Bakit? Masama bang magalit? Oo, galit ako sa ginawa niya hanggang ngayon. Handa ko rin naman siyang pakinggan eh pero hindi ngayon. I need time and space, masakit 'yong ginawa niya sa akin at ang mas lalong nagpapakirot sa puso ko ay ang pagmamahal ko sa kanya. Nang matapos kaming kumain ay pumasok na kami sa next class namin. Magkakaiba kami ng subject ngayon kay kelangan naming maghiwalay. Nang matapos ang klase ko ay umuwi na agad ako, hindi na ako sumama kina Gail kasi tinatamad ako ngayong araw na ito. Nasa may gate na ako ng bahay ng mapansin kong may nakatayo doon. Lalapitan ko sana pero agad akong umatras ng malaman ko kung sino ang nandoon. It's him, at ano ba ang ginagawa niya dito? Hindi pa ba siya natuto sa palagi kong pagtataboy sa kanya?

"Ashley" tawag niya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako. Sh*t! Oo galit ako sa kanya pero bakit ganito? Pagtawag pa lang niya sa pangalan ko parang bibigay na agad ako.

"Ashley, pumasok ka na" narinig kong sigaw ni kuya. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon. Thanks kuya. Siguro pag hindi siya lumabas, baka kung ano na ang nangyari sa akin dito. Tumakbo ako papasok sa bahay. Hahawakan ko na sana 'yong doorknob ng marinig kong nagsalita si kuya kaya napatigil ako.

"Lubayan mo muna na ang kapatid ko. Just give her time and space. Please" pakiusap ni kuya pagkatapos ay tuluyan na niyang isinara ang gate. Napansin niya ata na hindi pa ako pumapasok sa loob. "Pasok ka na" sabi niya saka niya ako inakbayan. Bago kami pumasok ay napalingon ako sa may gate at nakita ko siya doon na nakatayo.

---

"Uyyyyy! Bestfriend, happy valentines day!" salubong ni Gail sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. "Ashley, wag ka ngang malungkot. Eh ano naman kung wala kang kadate? Meron naman kami ah" dagdag pa niya.

"Tama si Gail, nandito naman kami eh" pagsang-ayon naman ni Nicole. Napangiti naman ako dahil doon. In times of troubles, sila lang ang kasama, sila ang walang sawang patawanin ako kahit korni ng mga jokes nila. Nagpapasalamat ako at naging kaibigan ko sila. "Alam ko naman 'yon eh" sagot ko naman sa kanila. Hinila na nila ako papunta sa may photo booth. Nang makarating kami doon ay ang haba ng pila. Karamihan ay ang mga magsyota.

"Eish! Ang haba ng pila, balik na lang tayo mamaya" sabi ni Gail na sinang-ayunan naman namin. Lahat ng pwedeng mapasyal ay napuntahan na naman kaya nung tinamad kami ay dumiretso kami sa canteen para kumain at para makapagpahinga na rin. Nang makahanap kami ng table namin ay agad kaming naupo. Inilapag ko naman ang bag ko sa mesa at nilabas ang phone ko. Pagtingin ko, ang daming missed calls at lahat ay galing sa kanya. Marami rin siyang tinext sa akin. Hindi ko ba alam ang dahilan at mukhang may sariling utak ang mga daliri ko at pinindot ito para mabuksan ang mga message niya sa akin.

~~*

From: Ralph de Guzman

6:45 am

Hey Ashley~~ Happy Valentines. Sana kung hindi ako gago, siguro kasama kitang ipinagdiriwang ang araw ng mga puso ngayon. Hahaha :D Hindi lang pala ako gago, tanga rin. I'm sorry Ashley :( I'm really sorry :(

From: Ralph de Guzman

8:36 am

Ashley, pwede ba tayong magkita?

From: Ralph de Guzman

10:04 am

Ashley? Please anwer my call~ Please :(

From: Ralph de Guzman

10:38 am

Hey Ash~

From: Ralph de Guzman

12:49 pm

Ashley :(

From: Ralph de Guzman

3:47 pm

Hey Ashley, I want to meet you right now. I want to explain everything. Pumunta ka sa dating lugar kung saan una kitang dinala. Punta ka doon ng 6, I'll wait you there until this day ends. Ashley, kung hindi ka darating nakapagdesisyon na akong pakawalan ka. Sana dumating ka :(

PS, I love you asawa ko

~~*

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nakaramdam pa ako ng kirot sa puso ko ng mabasa ko ang huli niyang mensahe. "Hey Ash, are you okay?" nag-aalalang tanong nila Gail sa akin. Tumango naman ako sa kanila. Nagulat ako ng biglang agawin ni Nicole ang phone ko pagkatapos ay tinignan nila ako ng may pag-aalala.

"Anong desisyon mo?" tanong niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Why is it so tough to make a decision? You don't know what will happen next. If that decision of yours will make you regret or not.

"Nakahanda ka na bang pakawalan ka niya?" tanong naman ni Gail sa akin. "Hindi ko alam, basta't ang alam ko ay nasasaktan ako pagnaiisip kong handa na siyang pakawalan ako" malungkot kong sabi "Am I that selfish pagsinabi ko sa kanya na wag muna? Kahit alam kong paghinahawakan pa niya ako ay masasaktan siya lalo?" dagdag ko pa.

"That's love Ashley, sometimes you need to be selfish also" sabi naman ni Nicole after that hinawakan niya ang kamay ko. "Ashley, ikaw? Handa ka na rin bang pakawalan siya?" seryosong tanong niya sa akin. Napaisip ako dahil doon. Am I ready to let him go? Napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng bigla kong maalala nung mga panahong pinakawalan ko si Jasper. I chose my dreams over him, but now? Am I going to choose my pride and let go of the person who teach me how to love again?

"I love Ralph and I don't want to let him go" sagot ko sa kanila. Nginitian naman nila ako. "Siguro nga, ito na ang katapusan ng panahong hinihingi ko. Pupuntahan ko siya at aayusin namin ang gulong ito" dagdag ko pa.

"Good luck Ash. AJA! FIGHTING!" sabay nilang sabi. Agad akong tumayo at tinext si manong na sunduhin ako. Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka sina mama kung bakit ang aga kong umuwi. Hindi ko na lamang sila sinagot at pumasok na agad ako sa kwarto ko para mag-ayos. Halos isang oras akong natapos ng makapag-ayos ako. Wala kasi akong maisip na magandang isusuot. Hindi na ako mapakali. Tinignan ko ang oras at 5:30 pa lang. Gustong gusto ko nang lumabas ang kaso baka tawanan niya ako dahil sa sobrang aga ko. Sabihin pa niyang excited na excited ako. Paikot ikot lang ako dito sa kwarto ko sabay tingin sa orasan. Habang busy akong nag-iikot at nagpapraktis kong ano ang sasabihin ko sa kanya ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito hoping na tatawag ulit si Ralph pero iba eh, iba ang tumawag. Ang mama niya.

"Hello po, tita?"

Para akong estatwa at hindi ako makagalaw sa narinig ko. Why? Bakit ngayon pa?

Itutuloy...

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon