Trouble 8

241 4 0
                                    

a/n: *eepal lang ako saglit* at heto na nga! updated na siya XD sorry talaga, ngayon ko lang naipost kasi busy ako/kami sa paggawa ng decorations sa room namin. Nagrurush ng mga activities at kung ano ano pa. Tapos ngayon lang nagkatime ang problema, ang bagal ng net namin! Nakakainis >.< Hindi ko maipapangako na maiuupdate ko kaagad kasi busy ulit ako. May importante akong ginagawa and I need a BREAK! Hahaha.. choosss~~ Sige, hanggang dito na lang. Salamat ^.^

=================================

"Guys, sorry I'm late" sabi ko saka ko ibinababa 'yong bag ko. Nag warm-up muna ako saglit saka ko kinuha 'yong bola at pumunta sa practice area namin. Napansin ko, bakit tila ang tahimik nila at wala silang gana. "Guys! Energy!" sigw ko pero wala talaga eh. May problema ba sila?

"Guys! I can't take this anymore" sabi ni Grace. "Ashley, listen..... Ang totoo niyan, sabi kasi ni coah... Ummm,"

"What??" -ako

Iniyuko niya ang ulo niya saka siya nagsalita. "Hindi ka na daw pwedeng maglaro" Pagkasabi ni Grace 'yon ay tila gumuho ang mundo ko. No! It can't be! Buong buhay ko, hindi ako tumigil sa paglalaro ng volleyball because it's already part of my life.

"B-bakit daw??" tanong ko

"I don't know. Personal daw" sabi niya. Pagkasabi niya 'yon ay agad agad akong lumabas ng gym at pumunta sa office ng coach namin. Ilang minuto siguro ang lumipas ng makarating. Kakatok na sana ako ng pintuan ng bigla itong nagbukas. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan kung sino ang taong lumabas sa opisina ng coach namin.

"Ma?" -ako

"A-anong ginagawa mo dito??" tanong ko pa ulit

"Let's talk" sabi niya. Pumunta kami sa garden ng campus na ito at doon kami nag-usap.

"Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo?" tanong niya

"Huh?"

"Kinapalan ko na ang mukha ko para lang sabihin sa coach mo na patigilin ka sa paglalaro ng volleyball"

"K-kayo po ang nagsabi? B-bakit??!!" tanong ko.

"Yes! Ash, iniisip ko lang ang kalagayan mo"

"Wala naman po akong sakit ah"

"I know! Pero 'yong apo magiging apo namin ang iniisip namin"

Napa faceplam ako bigla at napakamot sa ulo. "Ma! Ano pong apo? I'm not pregnant!"

"What?? I thought---"

"Tss, mom! Hilig niyo kasi magconclude eh, hayan wrong info. tuloy kayo" sabi ko

"I don't understand you"

"I know! Okay, I'll explain everything later but before that. Mom, pwede ba pakisabi sa coach namin na ibalik na niya ako. Alam niyo naman po na..."

"Volleyball is part of my life. Naku Ashley, gasgas na yang mga linya mo. Don't worry, I'll fix everything. By the way, I got to go" -mama

Hinatid ko na si mama sa parking lot saka ako nag babye sa kanya. Ako naman, nakahinga ng maluwang. Naglakad na ako pabalik sa gym. Ang mukha ko ay nababalot ng isang napakalaking ngiti na abot hanggang tenga kasi nga, balik na ulit ako sa paglalaro. Si mama kasi eh, hilig niya magconclude. Papasok na sana ako ng gym ng biglang may humila sa akin papasok sa loob. Tinignan ko kung sino ang hinayupak na humila sa akin at talaga ngang hinayupak siya. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya. "Anong ginagawa mo dito?" I asked but instead of answering my question, he again dragged me and he brought me to the stage.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon