Trouble 47

94 0 0
                                    

47

Nang makauwi ako ay wala pa si Ralph sa bahay. Okay na rin ito, ayokong makita niya akong ganito ang itsura ko. Dumiretso ako sa room ko para magpalit. Nagkulong ako doon at hindi ako lumabas kahit na gutom ako. Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ko si Rashley. Masakit, sobrang sakit sa puso. Bakit kasi ngayon ko pa nalaman? Kung kelan mahal na mahal ko na siya. Kung kelan okay na ang lahat. Ralph! Congratz!! Your plan worked out. Wala na! Sira na ang buhay ko, pati puso ko... Durog na rin! Durog na durog. Habang busy ako sa pag-iyak ay nakarinig ako ng katok galing sa pinto ko. It's him.

"Ashley, are you there?"

Napayakap ako mahigpit kay Rashley. Gusto ko nang humagulgol pero ayokong gawin, ayokong marinig niyang umiiyak ako.

"Hey, can we talk for a while? Galit ka ba sa akin dahil hindi kita nasundo kanina? I'm sorry, okay? May ginawa kasi akong importante kanina eh"

Hindi ko pa rin siya pinapansin at wala rin akong balak makipag-usap sa kanya. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya. Paano niya nagawa sa akin ang lahat ng 'yon?

"Ashley, okay ka lang ba diyan? Open the door, please" pagmamakaawa niya. Ashley, just ignore him. I don't wanna see him right now. Napapikit ako at hinayaang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. After a couple of minutes, napamulat ako ng biglang may nagsalita at tinawag ang pangalan ko. Nakapasok siya sa kwarto ko. Meron pala siyang duplicate ng susi ng room ko. Bat hindi ko man lang naisip 'yon kanina?

"Bakit?" tanong ko pero hindi ko siya tinignan.

"Kanina pa ako kumakatok"

"Sorry, di ko narinig"

Naramdaman kong naupo siya sa may gilid ng kama ko pero hindi ko pa rin ito pinansin. "May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya and my voice almost crack buti na lang di niya nahalata.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala naman. Bat mo naman natanong?"

"Umm, wala lang"

Ilang minuto ang nakalipas ng mabalot ng katahimikan ang kwarto ko. This time, bumangon na ako at hinarap siya. Ang sakit pa ng mata ko sa kakaiyak.

"Bat mugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" tanong niya saka niya hinawakan ang mukha ko. Tinignan ko siya sa mata at doon, tumulo na naman ang mga luha ko. "Why? Bat ka umiiyak?" tanong niya saka niya pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit?" ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Tinignan niya ako ng may pagtataka, hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"Maliban sa paggamit mo sa akin para tigilan ka ni Sab, may iba pa bang dahilan?" tanong ko na ikinagulat niya. "B-bat mo naman natanong 'yan?"

"Just please answer my question" seryoso kong tanong sa kanya.

"Yeah, 'yong lang. Wala ng iba"

Napakagat ako ng labi ng dahil sa sinabi niya. Why do you need to lie Ralph? Akala ko sasabihin mo ang katotohanan pero nagkamali pala ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.

"Sssshhh, stop crying. Nasasaktan ako sa ginagawa mo" pagpapatahan niya sa akin saka niya ako niyakap.

"Ralph" I paused for a while "Matagal mo na bang kilala si kuya?" pagkatapos nun ay kumalas ako sa pagkakayakap niya. Tinignan muna niya ako ng matagal bago siya sumagot.

"Yeah"

I tried to calm myself efore asking my next question. "May naging atraso ba siya sayo?"

"A-anong i-ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan" naguguluhang tanong niya.

"Ralph alam ko na, alam ko na ang lahat. Narinig ko kayo ng mga kaibigan mo na nag-uusap sa tambayan niyo kanina. Ralph, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ashley----"

"Bakit kelangang ako? Bakit kelangang ako ang gamitin mo para maghiganti at sa kuya ko pa talaga! Ralph, b-bakit?"

"Let me explain"

"Explain? Anong ipapaliwanag mo? 'Yong plano mo, sige Ralph sabihin mo 'yong plano mo. Makikinig ako. Go! Simulan mo sa part na nagkilala tayo, 'yong muntikan akong malaglag tapos sinalo mo ako pagkatapos hinabol kita. Dun sa mall, 'yong niyakap mo ako at sinabi mo na asawa mo ako. Lahat pala 'yon planado. Wow! Congratz Ralph, your plan worked out. Nasira na ang buhay ko at hindi lang 'yan" I said then I pointed my heart "Pati puso ko, durog na"

"Ashley, I'm sorry. Yeah, plinano ko talaga 'yon pero nung mga panahon na nakasama kita naisip ko na napakainosente mo pala para saktan kita ng ganun. Ash---"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya "Inosente?" tanong ko "Ralph, sana naisip mo 'yon bago mo sinimulan 'yang plano mo" naiiyak kong sabi "Kasi Ralph, ang sakit. Sobrang sakit!" bulyaw ko sa kanya.

"Ashley" hahawakan sana niya ako ng bigla kong tinabig ang kamay niya. "Please, ma-makinig ka muna sa akin" pagmamakaawa niya.

"Bakit? Ano pa bang kasinungalingan mo ang paniniwalaan ko? Ralph, sana hindi mo na lang sinabi na may gusto ka sa akin kung pati 'yon ay isang kasinungalingan kasi Ralph alam mo, naniwala ako na talagang may gusto ka sa akin at dahil doon umasa ako na balang araw mamahalin mo rin ako kasi alam mo Ralph, mahal kita eh. Mahal na mahal kita." Napahagulgol na ako. Hindi ko na kaya, sobrang sakit na. "Ralph, tanggap ko na ginamit mo ako para lang layuan ka nung Sab na 'yon pero ang gamitin ako para makapaghiganti at sa kapatid ko pa mismo. Ralph, 'yon ang hindi ko matatanggap. Kung ano man ang galit mo kay kuya wala na akong kinalaman doon. Oo nga't kapatid ko siya pero, tama bang buhay ko ang sirain mo?"

"Bakit ba palagi mo akong sinasaktan? Palagi mo akong pinapaiyak? Ralph tama na, hindi ko na kasi kaya eh. I'm sorry but I think we need to stop this. Itigil na natin ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa" sabi ko saka ako yumuko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas. Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa ginagawa niya.

"Ashley, please. Don't leave me. Ma---"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya at tinulak ko siya palayo sa akin. "Please, wag mo nang ituloy. Masasaktan lang ako lalo. Ralph, wag na wag mong sasabihin na mahal mo ako kung hindi naman totoo kasi baka aasa na naman ako at makalimutan ko 'yong galit na nararamdaman ko sayo" sabi ko habang patuloy na bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko.

"Please, mag-usap muna tayo" sabi niya saka niya ako niyakap ulit. Lumayo ako ng konti sa kanya at tinignan ko siya sa mata habang patuloy na bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko. "Just leave, please. Just leave" pakiusap ko sa kanya. Napayuko na lang siya saka niya ako tinalikuran at patuloy nang lumabas ng kwarto ko. Kinuha ko si Rashley, niyakap ko ito ng mahigpit tsaka ako humagulgol. Ang sakit, sobrang sakit. Mas masakit pa pala ito kesa nung nalaman ko na hindi ako makakapaglaro sa finals. Bakit kasi kelangang ako pa? Sana pinatay niya na lamang ako kesa naman 'yong buhay ako pero pakiramdam ko parang patay na ako ng dahil sa ginawa niya. Ayaw ko sanang paniwalaan kaso hindi eh, dahil siya na mismo ang nagsabi. Sakanya na mismo nanggaling ang mga salitang 'yon.

"I'm sorry Ralph, but I think I need to so this" sabi ko sa sarili ko.


Itutuloy.........

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon