Trouble 2

574 7 0
                                    

a/n: hayan! hindi na siya on hold kasi sinipag na akong mag-update. hahaha, heto na ang chapter 2. sana po ay magustuhan niyo ^_^ pagpasensyahan niyo na rin po 'yong mga typo error ko. :))

=====================================

"Good Morning" bati ko kina manang

"Magandang umaga naman. Kumain ka na ba?" tanong ni Ate Fe sa akin

"Opo, sina mama?"

"Kakaalis lang nila. Bakit, may kailangan ka ba sa kanila?"

"Wala  naman po. Eh si kuya?"

"Nakatulog pa siya"

"Ganun po ba. Sige, pasok na po ako"

"Di ka magpapahatid?"

"Hindi na po, susunduhin po ako ni Gail"

"Ganun ba? Sige, ingat ka"

"Opo" saka ako lumabas ng bahay at hinintay si Gail

"Sorry Ashley kung late ako kasi natraffic eh"

"Baliw! Kelan pa nagkatraffic sa village niyo"

"Kanina lang"

"Baliw ka talaga. Ang sabihin mo, inistalk mo nanaman si Patrick"

"Hala? Hindi noh" sabi niya saka siya nagblush. Wahaha, bestfriend ko nga talaga ito.

"Sus, hayan kulay kamatis na yang mukha mo. Hahahahaha" pang-aasar ko

"Che! Halika na nga at late na tayo" sabi niya

"Sige, bye" paalam ko kay Gail

"Eh... Ang daya naman eh! Bakit ba kasi hindi tayo magkaparehas ng schedule??" tanong niya

"Aba'y malay ko. Ako ba taga gawa ng schedules?"

"Kainis! Ang boboring pa naman ng mga klassmates ko" sabi niya saka siya nag pout. Ang cute talaga ng bestfriend ko, mana sa akin.

"Oo kasi ikaw lang maingay sa inyo, buti at di ka pinapalayas"

"Nakakainis" pagmamaktol niya

"Di ba classmate mo naman si Patrick?? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo??"

"Yeah, M,W,F nga lang. Hindi naman kami close ni Patrcik eh tsaka, nahihiya ako"

"Sus, sa kapal mong 'yan, nahiya ka pa talaga" saka ako tumawa

"Che! Makaalis na nga, sige ingat ka Ash" paalam niya saka kami nagbeso besong dalawa.

"Goodbye" paalam ko rin saka na ako umalis.

Take note, hinatid ko pa 'yong babaeng 'yon sa room nila. Ang sabi niya, exercise ko na rin daw ito. Hello? Nasa 4th floor kaya ang room nila tsaka ako diyan lang sa 2nd floor. Waaaahhh, wala hiya talaga ang babaeng 'yon. Pasalamat siya mahal ko siya.

Pababa na sana ako ng biglang may tumulak sa akin at na-out balance ako. Alam kong ilang segundo na lamang ay mahuhulog na ako. Napapikit na lang ako ng mata and I'm ready to face the hospital. Saglit lamang ay naramdaman kong may humila sa akin. I quickly open my eyes then I saw a boy. Grabe lang, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko mga 2 inches lang yata ang layo at isang galaw ko lang ay may tendency na magakahalikan kami. No way! Wala pa akong first kiss noh! At ibibigay ko lang ang first ko sa taong papakasalan ko.

Marriage TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon