I’m Lauren Yana Eleazar, third year student sa Anderson High School. Parehong parents ko ay working abroad kaya naiwan ako sa pangangalaga ng dalawa kong kuya, sina kuya Yuri and kuya Yuan. I’m the only girl and ako rin ang bunso kaya naman napaka-over protective ng mga kuya ko sakin, specially sa boys. I’m one of the popular girls sa school. I’m one lang ha… meaning, madami kami. Kung ira-rank ko ang popularity ko sa school, maybe I’d be at number 5.
Best friend ko si Irish Nanquil. Popularity ni Irish, she’s at number 4. Yeah, mas popular siya sakin, mas marami rin siyang naging suitors. Boyfriend niya ngayon si Piero Seva, third year and one of the cutest boys ng school. So far 3 months na rin sila. Goodluck na lang kay Piero, para kasing under siya eh. May pagkamataray kasi si Irish eh, pero mabait naman talaga yan. Saka naiinggit nga ako sa kanya, mukha kasing serious na siya kay Piero.
Ako naman, eto naglalaro pa rin. Never pa kasi akong nagkaroon ng serious relationship, and lahat yun ay secret ko sa mga kuya ko. First boyfriend ko, wala lang… napagtripan lang namin ni Irish na magboyfriend, tapos na-bore na ko kaya nakipagbreak ako. Second boyfriend, we only lasted for two weeks, pareho kasi naming hindi feel ang isa’t isa. Third boyfriend ko, eto medyo okay siya… Si Travez, 4th year na siya ngayon and isa siya sa mga crush ko. Siya lang naman ang dreamboy ng lahat ng girls sa school. Gwapo, matalino, mabait, lahat na… kaso nakipagbreak siya sakin. OUCH! Masakit pala? Kailangan daw kasi niyang ayusin ang things between him and his ex-girlfriend Hillary.
Si Hillary, 4th year na din. Her rank? NUMBER 1. Ewan... Oo maganda siya pero suplada. Kahit si Irish, walang masabi sa kanya. Sabagay, kahit yung mga ka-member niya sa Dance Club, suplada eh. Hmmp… akala mo siya ang Queen. Eh marami pa akong kakilala na mas maganda sa kanya. Like Ate Elaine, yung girlfriend ni Kuya Yuri… mas maganda siya, mas elegante, at mas friendly pa. Siya nga ang idol ko eh. Samantalang si Hillary… Hmmf!
HATER ba ko? Hinde naman, BITTER lang. Hahaha. Bahala na nga siya, wala naman siyang role sa story na ito eh… Hahaha…
Then na-meet ko si Darius Villamor…
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...