Mage-eleven na ako nakadating sa bahay. Pagpasok ko ng pinto, parehong nagaantay sakin sa living room ang mga kuya ko. Ang seryoso nila… ang scary…
consequence
Okay… Breathe in. Breathe out. Uunahan ko na agad sila ng sorry…
“Kuya-” -Yana
“Bakit ngayon ka lang?” –Yuan
Oh no! Naunahan ako ni kuya Yuan. Siguradong mahabang sermon ang aabutin ko nito.
“Saan ka galing? Kanina pa ang uwian ninyo ah. Bakit hindi ka tumawag o magtext man lang na may pupuntahan ka. Tumatawag kami pero hindi ka namin macontact. Hindi mo man lang ba naisip na nag-aalala kami sayo?” –Yuan
“Hindi siya makakasagot sa tawag at text natin kasi siguradong patay na ang cellphone niya…”–Yuri
“Oo nga… Tapos hindi agad ako nakapagcharge kasi-” -Yana
“Pero hindi yun dahilan para gabihin ka ng uwi. Sabihin mo nga Lauren, saan ka ba nagpunta? Bakit si Irish tinanong namin pero hindi niya daw alam? Inabot ka pa ng ganitong kagabi.” –Yuri
“Eh-”-Yana
“Teka nga, saan ka ba talaga galing Lauren?”–Yuan
“Sa… sa bahay ng kaibigan ko.”–Yana
Sana naman wag na silang magtanong pa kasi pag nalaman nila siguradong lalo akong patay.
“Sinong kaibigan? Bakit hindi alam ni Irish, diba’t bestfriend mo siya?” –Yuan
“Ha? Eh… Ano…” -Yana
“Sino?” –Yuri
Okay pinagtutulungan na nila ako pareho, no-use ang made-up stories… I have to tell the truth.
“Kina Darius…” -Yana
“Darius? Lalaki? Si Piero lang ang kilala kong kaibigan mong lalaki ah.”-Yuan
“Saka nagpunta ka sa bahay ng lalaki at inabot ka ng ganitong kagabi?” -Yuri
“No, kuya. Wag kang mag-isip ng masama. Ganito kasi yun… hinahanap kasi siya ng leader namin kaya pinuntahan ko siya tapos pagdating ko sa kanila, mag-isa lang siya at ang taas ng lagnat niya. So ayun, inasikaso ko pa. And promise… naghanap talaga ako ng way para macontact kayo kaso wala eh…” –Yana
Natahimik sila pareho. Hindi ko alam kung naniniwala ba sila o hindi. Pero totoo naman yun eh… diba?
“…At saka… ako rin kasi ang may fault eh kung bakit siya nagkasakit. Tinulak ko kasi siya sa may ilog kahapon. Kaya nakokonsensya ako…”-Yana
“Sino ba si Darius?” –Yuri
“Ha?” –Yana
NAKU ETO NA NGA!!! Alam ko na ang sunod niyang itatanong.
“Boyfriend mo ba siya Lauren?” –Yuri
“H-hinde!... I mean…ewan… Umm…siguro… yata?” –Yana
Kahit ako hindi pa rin sure sa status ng relationship namin eh…
“May BOYFRIEND KA na LAUREN?! …At ITINATAGO MO pa SAMIN!” –Yuan
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
