Darius Villamor, 3rd year din siya. He’s the ultimate playboy ng campus, paano every month may bago siyang girlfriend. Pero okay na rin yun sakin… at least hindi niya pinagsasabay-sabay, one by one nga lang.
Kami ang napiling Mr.and Ms. Anderson High nitong last Foundation Day. And after the awarding, inask niya ako...
“Lauren Yana, can you be my girlfriend?”
Kulang yata yung line niya, dapat… ‘can you be my girlfriend FOR A MONTH?’ o diba mas malinaw? Haha…
Teka papayag ba ako? Ang bilis naman… hindi man lang siya nanligaw, tanong na agad. And he’s not my type, mas gusto ko kasi yung mga guys na decent-look… parang si Travez, o kaya si Kuya Odrel (isa rin sa crush ko, friend siya ni Kuya Yuri). Eh itong si Darius medyo maangas ang dating. Mayabang kasi siya pumorma tapos naka-earrings pa, ewan ko ba ba’t di siya napapagalitan ng mga teachers namin… Pero sabagay okay na rin yun, para may manlilibre sakin ng food, saka one month lang naman eh… Sige na nga.
Nag-smile ako tapos nag-nod.
Napa-smile na rin siya. “Okay. From now on, you’re my girlfriend.”
First time kong magkaboyfriend na kapareho ko ng class. At ngayong bf ko na siya, pinilit niya yung katabi ko na makipagpalit sa kanya ng seat, para magkatabi na kami. Nakakatuwa nga siya katabi eh, pag kasi hindi niya gusto yung subject kung ano-ano ang ginagawa niya. And pag kumakain kami ng kaming dalawa lang, ewan ko kung bakit pero mas gusto niyang magkatabi kami kaysa magkaharap. And sweet din siya. After ko siyang sagutin, kinabukasan binigyan niya ko ng bouquet of roses. Then noong naka-one week na kami, chocolates naman. Noong second week, a huge teddy bear naman. Tapos noong three weeks na kami, stuff toy ulit. And KAHAPON, which is our monthsary, niregaluhan naman niya ko ng blouse. Ang cute nga eh, at kahawig pa yung design ng sa suot niya.
Ang totoo hindi ko alam kung bakit pa eh samantalang naka-one month na kami. Meaning wala na rin kami. At hindi ko rin alam kung bakit siya nakikipagkita sakin NGAYON. Siguro makikipag-break na siya…
Pagpasok ko sa cafeteria, konti lang ang tao kaya nakita ko agad si Darius.
“Hi Yana.” Sabay hug pa niya sakin.
Sa lahat ng naging bf ko, hindi ako nagpapa-kiss. Hug lang. Or pwede rin ang kiss pero sa cheeks lang.
“Hi.”Bakit kailangan pa niya kong i-hug. Samantalang pag-uusapan na namin ang aming paghihiwalay.
Na-upo kami pareho. This time, hindi na siya nakatabi sakin. Magkaharap na kami. Okay, siguro kasi magbe-break na nga kami.
Huminga siya ng malalim. “May importante akong sasabihin sayo Yana…”
Okay. Kailangan kong mag-smile. Baka isipin niya nasasaktan ako sa sasabihin niya. Smile Yana. SMILE… ^_^
“… sa loob ng one month na naging girlfriend kita, naging masaya ako. At first akala ko, you’re just like the other girls, pero noong lalo kitang nakilala, nalaman kong iba ka…”
Smile… Aww… Aaminin ko masaya talagang makasama si Darius. Sa lahat ng naging boyfriend ko, sa kanya ako naging pinaka-close. Oo naging close din ako kay Travez, pero dahil crush ko siya, nagiingat pa rin ako… ayokong ma-turn off siya sakin eh. Pero kay Darius, normal lang… hindi ko pinipigil ang pagtawa ng malakas, okay lang pag may nagagawa akong kapalpakan. When I’m with him, I’m just myself… just like when I’m with Irish.
“…I know I have a name in this campus. Siguro nga marami na akong naging girlfriends. And I don’t know kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero, para sakin iba ka sa kanila. And…”
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
