Oh diba… matapos ang araw na nagtapat siya sakin at kina-usap niya ang mga brothers ko, okay na kami… As in okay na okay. Official na kami.
Ilang weeks na rin kaming okay… Yung relationship namin eh parang tulad lang noong unang naging kami… ang pinag-iba lang, mas totoo na kami ngayon. Pero minsan hindi pa rin naiiwasan ang asaran.
Pero parang tama nga si Irish sa sinabi niya dati… Way yun Darius ng pagiging sweet. Kasi naaalala ko din na sinabi ni Piero na kakaiba daw ang style ni Darius. And I think ganun nga siya… at tingin ko rin, yun ang talaga ang nagustuhan ko sa kanya.
Okay na naman eh…
Pero nitong mga huling araw parang may napansin akong kakaiba… Parang unti-unti siyang nawawalan ng time sa akin. Parang nagiging busy siya… And kung busy nga siya, ano naman ang pinagkaka-busy-han niya?
Tapos minsan pa nahuli ko siyang may kausap na girl. Noong una wala lang naman sakin eh… Pero three times ko na siyang nakikita with that same girl eh…
Hindi ko naman siya makausap kasi nga diba, bigla na lang siyang nawawala.
Ano ba yun???
“Uy girl, bat ba ganyan ang look mo ngayon?”tanong sakin ni Irish
“Naiinis kasi ako kay Darius eh…”
“Naiinis? Magte-three months na kayo ah… LQ pa rin?”
“Yun na nga Irish eh… Magte-three months na. Noong unang month na naging kami, okay nga pero pareho naman kaming hindi serious. Tapos noong second month namin, lagi naman kaming nag-aaway. Tapos ngayon akala ko okay na kami… kaso bigla bigla na lang nag-iiba si Darius.”
“Nag-iiba? Nag-iiba in what way?”
“Hindi mo ba nano-notice Irish… laging last minute kung pumasok si Darius. Tapos pag break or recess or lunch lagi siyang nagpapaalam na hindi sasabay sa atin. Pag uwian na, lagi na lang niya tayong pinapa-una. Tapos nakita ko pa siyang may kausap na girl noong isang araw-”
“So you mean, nagseselos ka?”
“…” speechless naman ako bigla
“See? Hahaha…” tawanan daw ba ako?
“Three times ko na kasi silang nakitang magkausap. And talagang may kakaiba kay Darius, it’s like… he’s hiding something from me.”
“You’re just freaking Yana…”
“Hindi eh…”
“Eh diba nagbago na si Darius… Pare-pareho naman nating mapapatunayan yan. Alam mo, mag-usap na lang kayo… Kausapin mo siya…”
“Eh paano ko nga yun gagawin? Eh bigla-bigla na nga lang siyang nawawala… laging busy.”
“Alam mo Yana pwede naman eh… Pero sa pagkakakilala ko sayo, HINDI KA MAGTA-TRY… sasarilinin mo na lang… aantayin mo na lang na siya ang lumapit sayo.”
“Eh kasi naman-” Wait!… anong sinabi ni Irish? Ah! I have an idea na! “Oo nga!”
“Ha? Anong ‘oo nga?’” nagtatakang tanong ni Irish
“Ang galing mo talaga Irish!”
“What? Ano ba yun Yana?”
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
