Chapter Ten - Partners 2/2

990 17 4
                                    

“Music!”

Tumugtog na ulit. Maraming natanggal sa previous round kaya four pairs na lang kaming naglalaban. Isa sa blue team, isa sa greean team, tapos dalawang pairs pa mula sa team namin na white.

“Akala ko ba hindi ka nagseselos, eh bakit hindi mo maalis ang tingin mo sa kanya.”

“Hindi nga sabi eh… Tsss…”

Tumingin ako kay Darius… tapos kay Angel… tapos kay Darius ulit.

“Ang ganda ba niya at halos hindi na siya maalis ang eyes sa kanya?”

“Maganda naman si Angel ah…” sagot ni Lemuel.

“I’m not asking you okay?”

“Ang sungit…” Bulong niya pero narinig ko pa rin. Di ko na lang pinansin.

Nakatingin pa rin ako dun sa dalawa…

“Abot tenga pa talaga ang ngiti niya ha…”

“Baka masaya lang talaga siya ngayon.” Sagot ni Lemuel.

“At kailangan talaga magkaholding hands sila?”

“Baka naman inaalalayan lang niya…”

“Inaalalayan? Ang SWEET ha!” sarcastic kong sabi

“Music stop!”

Tumungtong naman agad si Lemuel sa dyaryo. Kaso masyado ng maliit yung space kaya hindi na ako kasya. Kaya binuhat na lang niya ko habang siya yung nakatayo sa dyaryo… yung buhat prinsesa ba.

“AYIEEH!” at syempre todo ang tili at tuksuhan na naman ng mga nanonood samin.

Pero ang maganda naman dun eh nakapasok kami sa next round. Green team lang ang natanggal, naiwan pa rin ang blue at dalawang white.

“Musicc!!!”

“One foot na lang ang kasya sa dyaryo na to…”sabi ni Lemuel.

“Ganito… pag tumigil yung music, itutungtong ko yung kanang paa ko sa dyaryo tapos tungtungan mo yung paa ko ng kaliwang paa mo.”

“Tatapakan ko yung right foot mo?” baka masaktan siya?

“Oo. Hindi kasi ako magaling magbalanse ng iisang paa ang gamit eh… baka pag binuhat kita, maout-of-balance ako, mahulog ka pa…”

“Eh di ba mahirap magbalance pag ganun?”

“I-try lang natin.”

“Okay.”

Need din pala ang strategy sa ganitong game?

Tapos ewan ko ba… kahit anong gawin ko, di ko pa rin maiwasang hindi tumingin sa kanilang dalawa…

May ibinulong si Darius kay Angel. Tapos parang biglang nagslow-motion ang lahat. Parang ang tagal ng bawat kilos nilang dalawa. Ang tagal ng paglalapit nila sa isa’t isa. Tapos biglang may naramdaman akong masakit sa dibdib ko. Ang hirap i-explain pero basta, parang may something inside me na mabigat sa pakiramdam… na masakit.

Bakit ba ganun si Darius? Ano ba talagang gusto niya sakin? Bakit ba talaga siya nakipagbalikan sakin? Bakit sumasama siya sa ibang girl? Bakit gusto niya lagi akong inisin? Sinasadya niya ba yon? Is this his way para magantihan ako?

And bakit ba ako? Bakit ba lagi na lang akong affected? And bakit ako nakakaramdam ng pain ngayon?

Hinawakan ako ni Lemuel sa shoulder. Pareho kaming napatigil at nakatayo lang.

“Tama na Yana…”

Napatingin ako kay Lemuel.

“…wag mo na silang tingnan. Alam kong kaya mo yan ginagawa dahil nilalabanan mo yang nararamdaman mo. Pero wala ka ng magagawa Yana, nandyan na yan. Lalo mo yang nilalabanan, lalo ka lang masasaktan.”

“Hindi-”itatanggi ko sana yung sinabi niya pero noong makita kong serious siya, natigilan ako.

“Alam ko ang feeling… Ang makita ang mahal mo na may ibang tinitignan. Masakit talaga yan.”

Napatungo ako.

“Yun nga lang, matagal ko ng nararamdaman yung akin kaya sanay na ako sa sakit. Pero ikaw…” huminga siya ng malalim “…hindi ko alam kung paano mapapagaan yang nararamdaman mo… pero handa akong tulungan ka sa kahit anong paraan. Pero sa ngayon ang magagawa ko lang ay ang samahan ka.”

Naiiyak tuloy ako sa sinabi ni Lemuel. Kasi naman ehhh… Pero syempre pinipigilan ko.

“Music STOP!”

At ginawa nga namin ang nasa plano. Kahit papaano nakakabalance naman kami, pero close na close na talaga ang position namin ni Lemuel.

“10!......... 9!.........”

Ang hirap magbalance… Paano kaya ang ginawa ng iba?

At syempre hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, napatingin na naman ako kina Darius…

…na sana ay hindi ko na lang nakita.

Pareho lang naman kami ng strategy na ginawa… yun nga lang sa kanila eh, halos nakayakap na talaga si Angel sa kanya.

“8!......... 7!......... 6!.........”

Matagal pa ba to? Bakit ganoon, parang ang bagal naman ng bilang nila? Hanggang kelan pa silang ganyan?

“Yana…” bulong sakin ni Lemuel.

Pagharap ko sa kanya, hinawakan niya ako sa head ko tapos ay inilapit niya ko sa dibdib niya.

“Ahhhh-yeeeee!!!”

Biglang naghiyawan ang mga girls. Kahit naman ako, kinilig din dun sa ginawa sakin ni Lemuel eh.

“5!......... 4!.........”

Kaso nga lang, medyo naka-distract sa kanya yung hiyawan ng ibang girls kaya na-out of balance siya kasama ako at natumba kami.

“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!.......”DUUGGG!

“Yana, Lemuel okay lang kayo?”

“Yana are you okay?” tanong agad sakin ni Irish.

“Okay lang ako.” Di naman ako nasaktan eh, kay Lemuel kasi ako bumagsak. Ewan ko lang siya…

“Okay lang din ako.” sagot niya.

Biglang may naghiyawan.

“YEHEY!!!”

“The dance on paper winner is TEAM BLUE!” sabi ng gamemaster

“YAHOOO!!! HOORAY!!! BLUE TEAM! BLUE TEAM! BLUE TEAM!”

Panalo ang blue? Ibig sabihin, na-out din sina Darius?

Pagtingin ko sa paligid, wala na si Darius.

Saan naman kaya siya nagpunta?

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon