Chapter Thirteen - Pag Di Ka Tumahimik, Hahalikan Kita!

1.1K 17 2
                                    

Day 3 ng Junior’s week.

Pagdating na pagdating ko, ang bungad agad sakin ni Lemuel ay…

“Yana kasali ka sa treasure hunting.”

“What?!” Kadadating ko lang tapos kasali na agad ako?

“Hahaha… wag ka ng magtanong pa. Nagbunutan kanina at isa ka sa nabunot…” Tapos lumapit siya sakin para bumulong “…Pero wag kang mag-alala kasali rin naman si Darius mo eh.”

Napatingin ako kay Darius at ang sama niyang tumingin. Siguro ayaw din niyang sumali at napilitan lang.

How to play this game? Simple lang, para lang itong normal na treasure hunting na kung sinong unang team na makahanap ng treasure ay sila ang panalo. Ang twist lang… yung MAP namin ay puzzle na kailangan munang mabuo. And ang mga puzzle pieces ay magkakahiwalay. Pero may binigay namang clues kung saan matatagpuan ang bawat piece. So paunahan lang talagang makabuo ng puzzle at makahanap ng treasure.

Ang strategy ng team namin, sa halip na sama-sama kami at iisa-isahin naming hanapin ang bawat puzzle piece, by-partner kami at maghihiwalay sa paghahanap. Para daw mas mabilis at mauna kami.

“Guys eto yung mga magkakasama… si Tina and James, tapos si Mark and Stella, then si Third and si Dianne…” sabi ng leader namin habang inaassign ang mga magkakapartner “…tapos ay sina Darius and Lauren.”

“Uy…” kulbit sakin ni Lemuel “…partner daw kayo ni Darius.”

“Kami?...” Ay oo nga! Darius and Lauren pala yung sinabi ng leader namin. Nasanay na kasi ako ng Yana ang tawag sakin ng classmates ko. Ang SLOW ko eh…

“…Teka si Darius ang partner ko?!”

“Oo… Kayo naman diba, kaya pinagpartner ko na kayo.” Sagot ng leader namin.

Magrereact pa sana ako pero naalala ko na yun nga pala ang alam ng lahat. Kaya hinayaan ko na lang.

Bakit kaya ganun? Kung kelan ko siya gustong iwasan saka naman kami pinagsasama ng tadhana.

Ang nasa clue na binigay samin… ‘Matatagpuan ang iyong hinahanap sa lugar na mataas at kita mo ang lahat.’

“Ano kayang ibig sabihin nito?”

“Ewan. Basta maglakad na lang tayo, siguradong makakarating din tayo dyan.”

“Okay.”

Nauuna sakin maglakad si Darius. Siguro ayaw niya talaga kong makasabay? Ang sakit naman nun. Pero okay na rin yung ganito… pag kasi katabi ko siya parang sasabog yung dibdib ko eh.

Mayamaya…

“Malayo pa ba? Gaano pa ba tayo katagal maglalakad?”

“Ewan.”

Ewan?! Grabe, nakakapagod kayang maglakad… buti pa siya parang okay lang.

Mayamaya ulit…

“Tama ba tong dinadaanan natin? Kanina pa tayo naglalakad pero bakit hindi na tayo nakarating sa pupuntahan natin… Dito ba talaga?”

“Hindi ko rin alam.”

Hindi naman pala niya alam pero dirediretso pa rin siya sa paglakad. Hayy… pagod na ako… nauuhaw na rin ako… MALAYO PA BAAAA?

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon