Waaaahhhhhhh!!! Late nako!!!
“Wag ka kasing mataranta. Lalo ka lang magtatagal niyan.” Sabi ni kuya Yuri.
“Late na late na ko eh… Sabi ko kasi kay Kuya Yuan gisingin ako eh…”
“Hahaha… kay Yuan ka pa nagpagising eh mamayang tanghali pa ang pagmulat nun. Hahaha…”
“NOooo!!!” sigaw ko.
“Bakit?!”gulat na tanong sakin ni kuya Yuri.
Ipinakita ko sa kanya yung cp ko.
“Look. Two bars na lang ang batt ng cp ko. Nakalimutan kong i-charge kagabi. Kainis talaga oh! Siguradong hindi na to aabot ng hapon.”
Ano ba ang nangyayari sakin?! Pagod na pagod kasi ako kahapon eh kaya naman pagdating ko, nakatulog agad ako. Di ko tuloy na-set yung alarm ko at di ko rin nacharge yung phone ko. Kainis!
“Makigamit ka na lang ng cellphone kay Irish kung may gusto kang sabihin samin.”
“Ganun na nga lang. Sige kuya Yuri, buh-bye.”
“Sige. Uy, Lauren magingat ka ha.” Pahabol na bilin sakin ni Kuya Yuri habang papalabas ako ng bahay.
Junior’s Week: Day4…
Tulad nga ng inaasahan… late na nga ako…
“Uy, good morning best…” bati sakin ni Irish. “…teka, okay ka lang ba?”
“Morning ‘rish… Oo okay lang ako. Late na kasi ako nagising kaya medyo haggard-look ako ngayon.”
“Okay lang yan. Di lang naman ikaw ang late eh… si Darius nga kanina ko pa rin hindi nakikita.”
“Eh?”
“Oo, tinatanong nga kayong dalawa ng leader nyo sakin eh. Bakit nga ba? Siguro may nangyari kahapon noh?! Ayieeh…”
“Irish talaga. Wala noh!”
Bakit ba ang lakas ng pakiramdam ni Irish. Ang galing niyang maka-kutob.
“Yana…” nilapitan ako ng leader namin. “Kanina pa kita hinahanap. Eto yung attendance sheet, mag-sign ka na…”
Tapos pumirma na nga ako sa attendance namin.
“Si Darius ba absent?” tanong niya sakin.
“Di ko alam.”
“Siya na lang ang di nakakapirma eh, kanina ko pa rin siya hindi nakikita. Sige mauna na ko.” Tapos ay umalis na siya.
“Feeling ko absent nga si Darius.” Sabi bigla ni Irish.
“Bakit naman siya aabsent?”
“Ayieehh… Concern…”
Sinimangutan ko lang siya.
“Eh kung tawagan mo kaya siya Yana.”
Tatawagan ko siya?
Eh lowbat yung cp ko eh… Pero sandali lang naman siguro yun. O sige na nga.
Pero paano kung nandito naman pala siya, eh di pahiya pa ako. Wag na nga lang.
Pero paano kung absent talaga siya? Siguradong may reason siya. Di naman siya pala-absent eh.
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
