At laaassssssstttt!!!
January na. Back to school na. Ngayon lang ako na-excite na pumasok. At ang maganda pag unang pasok galing sa vacation… eh walang nagka-klase. So okay lang din na ma-late. Late nga ako ngayon eh…
Grabeee… I miss my friends. I miss my bestfriend. I miss my… boy-friend? Boyfriend pa rin ba? Hindi man lang siya nagparamdam sakin noong bakasyon.
“Oi.”
Paglingon ko… “Piero!”
HUG. HUG. HUG.
“Sayang, namiss mo yung Christmas party. Ang saya pa naman.”
“Oo nga eh… Pati nga yung last day ng Juniors week eh… sino nga palang nanalo?”
“Syepre kami. Blue team.” Sagot niya with matching pagtaas pa ng kamay.
“Ah…” sabi ko na nga ba eh, sila ang mananalo “…teka ba’t di mo kasama si Irish? Di mo siya sinundo?”
“Sinundo. Nandoon na siya sa room. Pupunta lang ako sa canteen.”
“Ah.”
“Oh paano, may bibilihin pa ako eh. Mauna ka na sa room.”
“Okay.”
Pagpasok ko sa room, konti lang ang tao. Naabutan kong magkasama si Irish at Darius, parang may pinauusapan sila. Pero ng mapansin nila ako, bigla silang tumigil sa pag-uusap.
“Yana!” lumapit siya sakin tapos ay hinug ako “I miss you!”
Hinug ko din siya. “Ikaw din.”
“Aalis na ako.” biglang sabi ni Darius kay Irish.
“Teka si Ya-”
May sinasabi pa si Irish pero nagpaalam na agad si Darius.
“Sige…” tapos ay naglakad siya papalabas ng room.
Bakit siya ganun? Ilang weeks kaming hindi nagkita tapos wala man lang ‘hi’ or ‘hello’ or ‘kamusta ka na?’. Hindi man as girlfriend, kahit as friend man lang, or as classmate… sana batiin niya naman ako. Ako lang ba ang nakamiss sa kanya? Siya hindi? Kainis naman oh!
Kung ayaw niyang mamansin, ako na lang.
“Darius!”
Lumingon siya sakin. Nagtinginan lang kami…
Ano? Wala man lang ba siyang sasabihin? Ilang weeks siyang hindi nagparamdam tapos ngayon wala pa rin?
Wala siyang sinabi tapos ay dumeretso na siya papalabas ng room.
“Wag mo ng pansinin yun.” Sabi sakin ni Irish
“Oo nga! Bahala siya! Kung ayaw niya, eh di wag! Hmmf!”
Na-upo na kami ni Irish sa seats namin.
“Teka Yana, ano? How’s Canada? Kamusta na sina tito at tita?”
“Okay naman, ganun pa din.”
“Di pa rin sila uuwi here sa Philippines? Baka naman yumaman na kayo niyan? Hahaha…”
Biro niya sakin, pero napansin yata ni Irish na hindi ako nakikitawa sa kanya.
“Masyado ka namang serious girl… Baka naman masyado mong iniisip yung kanina kay Darius…”
![](https://img.wattpad.com/cover/604015-288-k147987.jpg)
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Genç KurguPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...