Chapter Seventeen - Canada

949 15 6
                                    

Tapos ayun nga, nagpunta kami sa Toronto, Canada. Dito kasi nagwowork ang parents namin as engineers. Since hindi nila maiwan ang work nila dito, kami na lang ang nagpupunta sa kanila every vacation(Christmas/NewYear/Summer). Bumili na rin sila ng bahay dito sa isang compound na halos mga Filipino rin ang nakatira. Okay na rin… at least hindi nakaka-nose bleed makipagusap sa neighbors.

Pagdating namin, excited pa ako. Ikaw ba naman ang mapalayo sa magulang mo ng ilang months? Tapos nagkikita lang kayo at nagkakamustahan trough Skype… Kakamiss kaya! And the best talaga ang pagspend ng Christmas pag buo ang family.

Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mamiss ang mga friends ko… and syempre… yung one specific person. Buti pa si Irish nakakausap ko sa net. Nagsorry pa nga siya sakin kasi daw lalo pa daw akong napahamak kasi di niya sinabing alam niyang kina Darius ako nagpunta. Sa akin naman eh okay lang yun, alam ko naman na pinagtatakpan niya lang ako. Tapos ayun, kamustahan lang kami saka bigayan ng update sa isa’t isa.

Si Piero naman pati yung other kong classmates, nakaka-chat ko sa Facebook. (Kakatuwa nga eh… Ang advantage ng sikat… lahat ng status and updates mo sa Facebook, eh ang daming LIKES! Ang DISadvantage lang… ang dami rin ng notifications, ang GULO tuloy!) Pero kay Darius…… WALA!

Kahit araw sa Philippines pero gabi dito sa Canada, everyday kong ichinecheck kung online siya, pero kahit yung status niya eh hindi nagbabago. Di yata siya nag-oopen ng fb eh… Di man lang yata ako naalala ng lalaking yun! Kainis! Dumaan ang Christmas at New Year pero di man lang ako binati. Kainis talaga siya! Tapos dumaan din ang monthsary namin, wala din!

Siguro kasi wala naman talagang dapat i-celebrate. Siguro kasi wala lang talaga yung relationship namin for him. Hayy… Eto naman kasing heart ko eh, mai-inlove na nga lang… sa WRONG PERSON pa. Ang dami ko namang crush, ba’t hindi na lang sa isa sa kanila? Tatlo naman yung exboyfriends ko, ba’t sa kanya lang ako nagkakaganito? And ang DAMI-DAMI namang may gusto sakin pero BAKIT SIYA PA?

Haayy… Tama na nga! Let’s stop the drama. Ganito yata talaga ang buhay…

Kung si Kenji nga grabe ang sakit na naranasan ng mawala si Athena… Pati si Courtney kay Kean… Tapos si Iexsha ang daming hirap na pinagdaanan bago sila mag katuluyan ni Aidan.

Part na ng life ang pain. Kaya ano nga bang magagawa ko? Eh di wala! Kaya Move On. MOVE ON.

Wala kaming ibang ginawa dito kundi magpunta sa iba-ibang lugar, magpicture-taking, kumain ng mga food na ngayon lang namin nakita at yun lang paulit-ulit.

And since wala namang masyadong importanteng nangyari, magbibigay nalang ako ng additional information…

Si kuya Yuri Eleazar…

Siya ang panganay sa amin. Gwapo. Matalino. Responsible. Loving and caring. Maraming girls ang nagkakagusto kay kuya pero si Elaine Howell lang ang mahal niya. Hanggang ngayon nga pinapatunayan pa rin niya ang sarili niya sa dad ni ate Elaine eh, mayaman kasi ang family nila ate Elaine. Friend din ni kuya Yuri yung cousin ni ate Elaine na si kuya Odrel Lorenzo, yung first crush ko.

(Sa story ni Odrel Lorenzo… read HE IS MY BOYFRIEND)

Si kuya Yuan Eleazar…

Siya naman yung sumunod kay kuya Yuri. Gwapo DAW siya, matalino DAW siya at makulit. Yung makulit lang yata ang totoo eh. Maraming nagsasabi na magkamukha daw kami… beh:P NOT AGREE! Maganda naman ako noh. Girlfriend niya? Ewan.

Tapos ang sumunod na ay si Lauren Yana Eleazar, ako. Ako ang only girl at ang bunso. Kung mapapansin ninyo, puro letter ‘Y’ ang simula ng names namin… Yuri, Yuan, Yana. Luckily dalawa yung name ko. Kaya naman sa bahay eh ‘Lauren’ ang tawag nila sakin para maiba naman daw.

Ano ba yan… Ang random na ng sinasabi ko. Fast forward na nga!

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon