Bakit hindi ako pwedeng pumasok?
Nandoon kasi sila sa family room nag-uusap. (Mukha lang din yung living room, minsan ang tawag eh entertainment room. Basta ganon…)
Usapang lalaki daw?! Ako naman yung pag-uusapan nila ah, pero bawal akong makijoin? Ang daDAMOT!
Bahala sila, kung ayaw nila kong papasukin… makikinig na lang ako sa usapan nila. Right ko naman yun eh…
Binuksan ko yung pinto ng konting-konti lang. Dapat yung hindi nila halata. Tapos saka ako sumilip at nakinig sa usapan nila…
“Gusto mo daw kaming kausapin?” -Yuri
Mukhang serious silang tatlo ah…
“I want to ask for your permission para maging girlfriend si Yana.” –Darius
“Humihingi ka ng permission para maging official kayo? Pero hindi ka naman humingi na permission samin noong niligawan mo siya.” –Yuan
Hmmf… *pout* Kuya Yuan talaga sinabi pa yun. Eh di naman yan nanligaw sakin eh. Paano yan hihingi ng permission sa inyo?
“Seryoso ka ba sa kapatid ko?” –Yuri
“Oo.” -Darius
“Madami ka ng naging girlfriend diba? At isang buwan lang ang itinatagal nila.” –Yuan
Nagresearch ba si kuya Yuan tungkol kay Darius?
“Inaamin ko… Isa talaga kong player… Pero dati yun.”–Darius
“Madaling sabihin yan pero mahirap patunayan.” parang naghahamon na sabi ni kuya Yuan
Minsan lang magseryoso yang si kuya Yuan at pag serious yan…nakakatakot.
“Hindi ko alam kung paano kayo magtitiwala sakin pero isa lang ang sasabihin ko. Seryoso ako kay Yana at totoo yun.” –Darius
Naku, mukhang hindi gusto ni Darius ang tono ni kuya Yuan ah… madali pa namang maasar yan.
“Siguraduhin mo lang, dahil oras na saktan mo siya… ako ang makakaharap mo.” –Yuan
“Then I assure you, I WON’T.” -Darius
Uh-ohh.. I smell war. Kuya Yuri, awatin mo sila daliii…
“Diba sabi mo seryoso ka kay Lauren at hindi mo siya sasaktan…” –Yuri
Hayy… Buti naman nakisingit na si kuya Yuri.
“… eh paano kung siya ang hindi seryoso sayo?” –Yuri
Si kuya Yuri talaga! *pout*
Silence…
Parang bigla akong kinabahan… Pati ako nacu-curious sa isasagot ni Darius.
“Wala akong gagawin… Hindi ko siya pipilitin, at hindi rin ako magagalit sa kanya…” sagot ni Darius
Hmmp! Liar! Samantalang noong nakipagbreak ako sa kanya dati… nagalit siya sakin at pinilit pa niyang makipagbalikan ako sa kanya.
“…dahil nagtitiwala ako kay Yana at alam kong hindi siya ganun.” Dugtong pa niya
Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya… Nagtitiwala siya sakin.
“Talaga?” sumingit na naman si kuya Yuan “Alam mo bang maraming crush si Lauren…”
Si kuya Yuan talaga sinabi pa yun!
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
