Buong gabi kong inisip yung sinabi sakin ni Irish, pero syempre hindi naman ako nagpuyat… ayokong magka-eyebags noh. Ewan ko ba pero naguguluhan ako eh. Siguro nga she’s right. Pero maybe she’s wrong pa rin. Kasi naman si Darius eh… waahhh!!! Ang gulo-gulo-gulo. Kainis!
Papasok na ako ng classroom pero bago yun dadaan muna ako sa corridor kung saan nakatambay ang ilan kong classmates kasama na dun si Irish, si Piero and si *toot*.
Nakita kong napansin niya ang pagdating ko kaya naman napatingin siya sakin. Ako naman kunyari hindi ko siya nakikita. Dirediretso lang sa paglakad.
Ano ba yon? May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko? Kainis! Bakit ba siya nakatitig?
Kahit kasi hindi ko siya tinitignan ng direct, alam kong tinititigan niya ko. Bakit ba kasi?
Ahhh!!! Hindi ko na ma-take ang titig niya sakin. Ano bang binabalak niya? Nakakairita ha!
Kaya naman bago ako pumasok sa pinto, tumigil muna ako sa harapan niya. Tumingin din ako sa kanya. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa eyes ko kaya parang nagkaroon kami ng staring game.
Bigla siya nagsalita…
“Why are you staring at me?”
Nanlaki pa ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang tumititig sa kanya?! Grabe ang kapal!
Tapos nag-smile siya ng pa-cool. “Na-miss mo ko noh?”
What!? I missed him!? Oh my god! NEVER! In the first place, siya ang na-unang tumitig sakin at mas matagal din niya kong tinitigan.
“Ayyieeh!” biro ng ilan naming kaklase na nasa corridor din.
Sabi ko na nga ba eh, nagpapasikat lang siya. Then, hindi ko siya uurungan.
Nag-smile ako ng sweet sa kanya.
“Pwede ba, WAG KA ngang GUMAWA ng PARAAN para KAUSAPIN KITA.”
Tapos nag-smile ulit ako.
“Woah!” nagreact ulit yung mga kaklase namin “Ano Darius, taob ka pala kay Yana eh.” Tinawanan pa siya nung iba.
Tapos nilampasan ko na siya. Hahaha!!! Buti nga sa kanya, pahiya siya ngayon.
Papasok na sana ko sa room pero bigla na lang humarang si Darius sa pinto. Wow. Ang bilis niya ha…
Inantay ko kung may sasabihin siya pero tinitingnan lang niya ko. Ako naman eh naiinip na.
“Ano?”
“We’re not yet done.”
Tsss… sabi ko na nga ba. Di talaga siya papatalo.
“Excuse me, papasok na kasi ako.”
“Bawiin mo muna ang sinabi mo.”
“Ano?”
“Aminin mo na kasi na miss mo na ko.”
Ang kapal talaga. “What’s your problem ba?”
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi.”
“Eh di wag. Hindi na lang ako papasok.”
Akala niya ha. Pag dating ng teacher namin, makakapasok din naman ako.
“Sinabi mo yan ha.”
Tapos bigla niyang isinarado yung door ng biglaan.
DUUGG!
![](https://img.wattpad.com/cover/604015-288-k147987.jpg)
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Novela JuvenilPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...