Chapter Twelve - Hate that I Love You

1K 16 2
                                    

Kahit bati na kami, it doesn’t mean na balik na ulit kami sa dati. Kung pwede lang iiwasan ko muna siya. Paano ba naman kapag katabi ko siya, tulad ngayon, ang BILIS ng BEAT ng HEART KO! Para akong kinakabahan na ewan… Baka mamaya magka heart-attack pa ko.

I know na! Sasamantalahin ko na maraming ang tao para makalayo ako sa kanya.

*Peek*

Good, nasa stage ang atensyon niya. Lilipat na ako ng pwesto…

Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe.

Okay na siguro dito. Malayo na naman siguro ako sa kanya.

Paglingon ko…

O_o

Bakit nasa likod ko siya?! Sumunod siya sakin? Ano ba yan!

Hay nako! Bakit ba siya sumunod? Nilalayuan ko nga siya tapos sumunod naman. Hmmp!

Eto, one more try…

Peek……… Okay, NOW NA.

Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe.

“Yana! Saan ka pupunta?”

Natigilan naman ako bigla.

Hayy! Nahuli na naman niya ko. Kainis.

“Bakit ba paalis-alis ka?”

Eh kasi nilalayuan kita!

Hay nako. Yun ang gusto kong isagot sa kanya. Pero syempre hindi ko yun gagawin. Baka mabuking pa niya ko no, mahirap na.

Okay Yana, dapat natural lang.

Lumingon ako sa kanya at sinagot ko siya.

“Eh bakit ka ba kasi sumusunod?”

“Eh kasi nga umaalis ka. Saan ka ba talaga pupunta?”

Ano daw? Sinagot niya ba yung tanong ko? Eh parang ibinalik lang niya yung una niyang tanong eh…

“Naghahanap lang ako ng magandang pwesto. Pipicturan ko kasi si Irish.” dahilan ko.

“Eh di sa unahan tayo.” Sabi niya sabay grab niya sa right hand ko at hinila niya ko pa-una.

“Teka Darius… Wait lang…”

Bakit ba kasi ganito? Hinawakan lang naman niya yung kamay ko pero bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Dati naman hindi eh…

Ang hirap naman. Siguro ganito talaga ang feeling pag inamin mo na sa self mo na gusto mo talaga yung isang tao, magbabago na ang lahat sa pagitan ninyo.

“…Darius bitiwan mo na yung hand ko. Hindi mo naman ako kelangang hilahin eh.”

Pero mukhang hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ko hanggang nasa front row na nga kami. Saka lang niya ako binitawan.

“O yan. Magpicture ka na.”

“Psshhh.” Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh di ang magtake na nga lang ng pics.

Kahit kelan talaga, sarili lang niya ang pinakikinggan niya.

“…Our next candidate for Ms Junior AHS, from BLUE TEAM… Ms Irish Nanquil!”

Biglang lumakas ang sigawan. Halos lahat nagche-cheer kay Irish. Syempre, pinakamaganda kaya ang bestfriend ko sa kanilang lahat.

“Go Irish!”

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon