Epilouge

1.1K 23 13
                                    

Pagkatapos ng eksena namin sa gitna ng school bumalik na kami sa club room na pinaayos niya.

Doon binigay niya sakin yung gift niya… isang necklace. Siya pa ang nagsuot sakin.

Pagkatapos ay niyaya niya kong kumain sa labas. Inayos lang namin yung gamit namin tapos ay aalis na kami.

Pero noong palabas na kami ng room…

“Since ginawa ko naman yung gusto mo, pwede bang ako naman ang magrequest?” tanong ni Darius

“Sure, ano ba yun?”

Bigla niyang inilapit yung mukha niya sakin. Tapos tumingin siya sa lips ko.

Nag-blush naman ako bigla. Alam ko na ang tinutukoy niya.

“Hindi pwede noh! Nasa loob tayo ng school. Bawal yan.”

“Pshhh.”Lumayo naman siya at halatang disappointed siya.

“Hmmp! Sige na nga… pero sa cheeks lang ha…” napipilitang sabi ko

SMILE naman agad siya eh!

“Tss… Kayo talagang mga boys…” sabi ko pero nakangiti lang siya sakin..

^________^ ..as in ngiting-ngiti talaga

Lumapit ako sa kanya…

Ikikiss ko na siya sa cheeks…

…pero noong malapit na malapit na yung lips ko sa cheeks niya…

…bigla niyang itinurn yung face niya at humarap sakin! Kaya tuloy…

TADA!!! O.o  NA-KISS KO SIYA SA LIPS!

At dahil na-shock ako at FIRST KISS ko yun sa LIPS, lumayo ako agad at todo todo blush pa ko. Siya naman, tuwang tuwa.

Noong naka get over na ko,

“NAKAKAINIS KA!”sabay palo ko sa shoulder niya

“Hahaha… bakit?!” pa innocent pa niyang tanong

“Eeehhh! Kainis ka talaga!”

“Bakit ba?” sabi niya habang natatawa pa

Sinimangutan ko lang siya.

Kaya pala siya ngiting ngiti kanina eh… may pinaplano pala siyang ganun! Hmmf!

“First kiss mo ko no?” parang nanunukso niyang sabi

“Madaya ka kasi!”

“YES! Sabi ko na eh! At least diba, kahit hindi ako ang first boyfriend mo, ako naman ang first kiss mo.”

Ganun?

“Bakit ako din ba ang first kiss mo?”

“Ha… eh… hinde.”

“Hmmp!” sabay irap ko pa sa kanya

“Pero sayo ang pinakagusto ko.” Tapos ay tinitigan niya ko ng eye-to-eye.

At syempre hindi naman ako magpapadaan sa ganun ganun niya.

“Tara na nga.”Tapos ay lumabas na ko ng room.

Tamporurot lang ako kunyari. Pero syempre alam kong alam niyang hindi ako serious sa pagtatampo ko.

Sumunod naman siya sakin palabas…

“Yana!”

“Ano na naman?” humarap ako sa kanya ng nakasimangot pa rin

“I love you.”

At ewan ko ba… KINILIG naman ako. Bigla na lang tuloy akong napa-smile sa kanya.

“BOLERO ka!” sigaw ko sa kanya tapos ay tumakbo ako.

“Mahal kita!” sagot niya. Tumakbo na rin siya at hinabol ako.

♥♥♥

Lalalalala~

Ang saya ko noh? Eh kasi masaya talaga pag may love ka na love ka rin. Oo madalas pa rin kaming nag-aasara ni Darius, pero part na yun ng kulitan at pa-sweetan namin. Siguro nga hanggang ngayon may mga nagagawa pa rin siya na hindi ko gusto. Kahit naman ako may mga nagagawa din na hindi niya gusto. Pero wala na naman kaming magagawa dun eh, tao lang naman kami… we can’t be perfect. Ang mahalaga, naaayos namin yung mga yun at tanggap namin ang mga kamalian namin.

Hindi na naman maiiwasan ang LQ sa mga relationships eh, lalo na sa tulad namin na young couple. Basta ang importante, iniintindi natin ang isa’t isa. And one more thing, mas maganda kung magiging honest tayo sa feelings natin. Maging serious naman, hindi yung puro laro. Kasi sa huli, tayo lang din naman ang masasaktan. Sabi nga dun sa isang fave kong movie… ‘Love is not something to be played with’. (quote from Ruk Man Yai Mak)

So ayun… The end na eh… ♥

Thanks to all readers… and Buh-bye nah!!

The End

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon