Nagklase na kami. Hindi ko pa rin pinapansin si Darius. Nagkaklase kami sa Science at naglelecture ang aming teacher kaya nagta-take down kami ng notes.
“Ano daw yung huling sinabi ni ma’am?” tanong niya.
“…”
Obviously ako ang tinatanong niya, ako lang naman kasi ang katabi niya eh. Nasa tabi kasi siya ng bintana.
Mayamaya…
“Ayaw sumulat ng ballpen ko, may extra ka ba?”
“…”
Mayamaya ulit…
“Oi… Yanaaa… Alam mo hindi mo rin ako matitiis eh… papansinin mo rin ako.”
“Tsss…”
Eh di sige tingnan natin.
At mayamaya ulit…
“Mali yata yung naisulat ko, pakopya nga.”
“Akala ko ba ayaw sumulat ng ballpen niya.” Bulong ko sa sarili ko.
“Anong sabi mo? Sumagot ka ba? Kinausap mo na ba ko? Sabi ko na eh, hindi mo talaga ko matitiis.”
Oh my gosh… Ang ingay niya… Ang kulit!
“Darius Villamor!” saway ng teacher namin sa kanya.
Hahaha! Beh! :P
“Buti nga sayo.” Bulong ko.
Tumahimik naman si Darius. Pero may kung ano siyang ginawa. Hinubad niya yung polo niya tapos inilatag niya sa desk niya.
“Irish may pentel pen ka ba?”
Ano naman kaya ang gagawin niya sa pentelpen?
Binigyan naman ni Irish ng pentel pen si Darius. Hay nako, nakakadistract lang itong si Darius, bahala na nga siya.
“Darius Villamor, why are you wearing t-shirt?! Where’s your polo?!”
Hahaha… napagalitan na naman siya ng teacher namin.
Isinuot naman ni Darius yung polo niya. Tapos biglang nag-react yung mga classmates namin na nasa likod. Parang nagbulung-bulongan sila.
“Shhhh… class quiet!”
Eeehhh. Nakakatakot si ma’am. Galit na siya, nagpa-seatwork tuloy.
Natakot yata kaming lahat, biglang tumahimik. Pero si Darius pasaway talaga. Habang naggagawa kami ng seatwork, ang tahimik ng klase… bigla ba naman siyang kumanta…
♪”Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo. Sorry na.”♪
Napatingin ako kay Darius. Talagang sakin pa nakaharap habang kumakanta. Naku baka mamaya madamay ako pag pinagalitan siya.
“Mr. Darius Villamor! Are you trying my patience?!”
“Hindi po ma’am.”
“Tumayo ka sa harapan facing the board. Hindi ka uupo hangga’t hindi natatapos ang klase.”
Tumayo naman si Darius, at nakarinig na naman ako ng bulungan sa likod. Nakatayo na si Darius sa harap.
“Face the board.” Sabi ni ma’am sa kanya.
Pagtalikod ni Darius. Lalong lumakas ang bulungan at nagpalakpakan pa. May nag-whistle pa nga.
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Dla nastolatkówPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
