Chapter Eight - Bonding with my EX-BF

1.1K 20 6
                                        

[sched: 5 days – Juniors Week, then Christmas party, then vacation]

Okay. Monday na. Ibig sabihin, simula na rin ng Juniors Week. Kainis! Nandito na nga kami sa paggaganapan ng JWeek eh. Pagaari din itong place na ito ng mga Anderson… ang yaman talaga ng mayari ng school namin.

Ewan ko ba kung anong lugar ito, mukha namang gubat. Pero sabi ng mga teachers namin eh safe naman daw, wala naman daw wild animals dito. Meron pa kaming tinutuluyan na cabin dito pero parang lagayan lang naman yun ng mga gamit namin. Eh kasi uuwi rin naman kami pag-hapon na eh, babalik na lang kinabukasan para sa other activities pa.

Opening ceremony na. Nakagroup kami by teams.

Sigh……

Bakit ganun, lahat yata ng naging kateam ko eh puro hindi ko masyadong kaclose? Hmmm… teka si Lemuel ba yun?

“Lemuel?”

Napalingon siya sakin.

“Uy Yana.”Nagsmile agad siya ng makita ako. “Teka, white team ka rin?”

Nag-nod ako.

“Eh magka-team pala tayo eh.”

“Really?” magkateam pala kami?! Thank you po Lord! At last may makaka-usap na rin ako.

Oo nga pala… siya si Lemuel, siya lang naman ang first boyfriend ko. Siya yung nakipagbreak ako kasi nagsawa nako… Ang bad ko noh? PERO kahit ganun hindi siya nagalit sakin. Di tulad ni Darius… hmmff. Third year din siya pero magkaiba kami ng section, at ngayon nga ay magkateam kami… Yehey!

After ng opening ceremony, nagsimula na nga ang ilang games. Kapag tinatanong ako ng leader namin at ng mga kateam ko kung gusto kong sumali sa mga laro, isa lang ang sagot ko sa kanila…

“Pass muna ako, sa next game na lang…” tapos dinudugtungan ko na lang ng kunga anu-anong reasons.

Si Irish ganun din, hindi rin siya sumasali… pero nakikita ko siyang nagche-cheer for Piero kaya hinayaan ko na muna.

Sa ngayon, kay Lemuel muna ako makikipag-bonding…

“Teka, ang alam ko ka-team din natin si Darius ah… ba’t parang di ko siya nakikita?”tanong niya.

“Ewan ko sa kanya. Hayaan mo na nga yun.”

Kung ayaw niyang magparamdam, eh di wag!

“Okay lang ba na ako ang kasama mo ngayon?  I mean, hindi ba magagalit si Darius?”

“Okay lang yun noh! Saka hindi na yun magagalit pa, kasi he’s already mad at me na.”

Tapos ngumibit ako.

“LQ? Napapadalas yata na naririnig ko na LQ kayo. Tunay ba yon?”

“Ewan ko ba sa kanya! Siya lang naman ang nagsisimula lagi ng ayaw eh…”

Nakangibit na ko, tapos nagpout pa ako.

“Eh ba’t para kang batang nagmumukmok diyan? Hahaha…”

Tawanan daw ba ako?

“Sa wakas! Si Lauren Yana Eleazar, ang isa sa pinakamagandang babae na hinahangaan at pinapangarap ng mga lalaki sa Anderson High… sa wakas at nakaramdam na rin siya.”

Ano daw? Nakaramdam na ako? Ng Ano?... Teka may itinatago bang sama ng loob sakin itong si Lemuel?

“Nakaramdam ng ano? Anong sinasabi mo Lemuel?”

Lovers QuarrelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon