Day two na ng Junior’s Week. Walang masyadong games ngayon, naghahanda kasi bawat team para sa Mr and Ms Junior. Si Irish at Piero ang panlaban ng blue team.
Sa amin naman na white team, kinukuha akong panlaban. Pero syempre dahil alam ko na ang secret ng leader namin, sinabi ko na lang sa kanya na ayaw ko at pumayag agad siya. Pero yung teammates ko makulit talaga kaya inireason ko na lang na may title pa rin ako na Ms. Anderson High noong Foundation Day, baka isipin ng iba na unfair. And bigyan naman nila ng chance ang iba diba?
Ayun may nahanap naman sila. Sa boys naman, naririnig ko kinausap din nila si Darius, pero mukhang hindi pumayag kaya si Lemuel tuloy ang panlaban.
Mamayang hapon na ang laban kaya medyo busy ang lahat…
“Irish may time ka ba?”
“Sure Yana, may 30 minutes break kami ngayon from rehearsal eh.”
Humanap kami ni Irish ng place na walang masyadong tao tsaka medyo tahimik.
“HINDI KO NA TALAGA ALAM… NAGUGULUHAN NA AKO.”
With matching hawak ko pa ulo ko. Naguguluhan na kasi talaga ako eh.
Napatingin lang sakin si Irish na parang nagtatanong ng ‘anong nangyayari sayo?’.
“Irish…”
Yung tono ko pa eh parang batang nakikiusap sa mommy niya na ibili siya ng laruan. Yung parang iiyak na hindi naman, ah basta ganun.
Tinawanan niya muna ako.
“Ahahaha… Si Darius yan ano?”
Nag-nod ako. “Um-um…”
“Ano ba ang nangyari kasi?”
“Eh kasi si Lemuel eh…”
Tapos ay ikinuwento ko nga kay Irish yung pagkikita namin ni Lemuel kahapon, tapos yung pagtutukso-tukso niya sakin hanggang sa pagsali namin sa game, tapos noong makita namin si Darius na may kasamang ibang girl. At tapos yung mga bigla ko na lang naramdaman saka yung mga huling sinabi sakin ni Lemuel.
“Hahahaha…. Hahaha….”
Tawanan daw ba ako? Bestfriend ko ba talaga to? Hindi ko tuloy alam kung tama bang ishinare ko pa sa kanya to eh.
“Thanks to Lemuel! Siya lang pala ang magmumulat sayo sa tunay mong nararamdaman eh…”
“So ano na?”
“Ikaw ba ano sa tingin mo?”
“Irish naman eh… kaya ko nga sinabi sayo eh kasi gulung-gulo na ako.”
“Yana… wala naman kasing ibang makakasagot niyan eh kundi ikaw din.”
Nag-sigh ako. Tapos tumingin ako kay Irish.
Nag-aabang lang siya sa sasabihin ko.
“I think…
I’m…
falling for Darius na.”
Yeah right. Ako na rin ang nagsabi diba, INLOVE LANG ANG NAGSESELOS. And after kong ma-realize lahat ng nangyari kahapon, aaminin ko na… Nagseselos Nga Ako… meaning INLOVE na nga ako kay DARIUS.
I’m inlove and I’m so so Dead. Waahhhh!!!
“Oh, nafigure out mo na pala yan sa sarili mo eh. Ano pang problema?”
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Fiksi RemajaPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...