Chapter Two - Girlfriend mo na ulit ako!

1.4K 25 10
                                        

Kinabukasan…

Magta-time na. Katabi ko sa right si Irish, tapos sa likod niya si Piero. Sa left ko, bakante pa rin. Hindi pa siya dumadating.

Tumunog na ang bell. Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya. Lahat nakasunod sa kanya ang tingin. Bigla siyang na-upo sa tabi ko. Tapos parang wala lang…

“Sabi ko sayo wala lang yun sa kanya eh.” Bulong ni Irish.

“Mukha nga.” Bulong din Piero.

Oo nga. There’s nothing to worry about.

Natapos na ang ilan naming subjects, walang ibang ginawa si Darius kundi ang maglaro ng phone niya habang nagka-klase kami kanina.

Nagpunta na ako sa cafeteria kasama sina Irish and Piero para kumain ng lunch. Nakita naming papalapit si Darius sa table namin.

“Hey Darius!” bati ni Irish sa kanya.

Halos lahat sa loob ng cafeteria eh napatingin sa table namin. Medyo humina rin ang ingay. Mga chismosa talaga oh…

“Hey.” Bati rin niya

“So? Ano na?”tanong ni Piero “Who’s the new girl?”

“What are you talking about?”sagot ni Darius

Hindi ba talaga na-gets ni Darius yung question ni Piero or ayaw niya lang sagutin?

“Your new girlfriend, who is it?” direct talagang tanong ni Irish.

“Guys. Si Yana pa rin ang girlfriend ko.” Tapos ay lumapit siya sakin at inakbayan ako. Tapos ay hinalikan niya ko sa hair.

Teka hindi ko maintindihan… “Darius-”

“Pero I thought nag-break na kayo kahapon?” tanong ni Irish.

“Nah.” Nakasimle pa niyang sagot. “Misunderstanding lang yun. Alam ninyo na, LOVERS QUARREL.” Talagang tumingin pa siya sakin ng eye-to-eye habang sinasabi niyang Lovers Quarrel.

Napatingin sakin si Irish and Piero. Nag-shrug lang ako ng shoulders, hindi ko rin kasi maintindihan eh.

“And kaya ako nagpunta dito kasi hihiramin ko muna siya for a minute. May paguusapan lang kami. Okay lang ba?”

“O-kay…” sagot ni Irish. “Just take care of her.”

Tapos hinawakan ako ni Darius sa kamay. Pinapanood kami ng mga tao sa cafeteria habang naglalakad. Mukha kaming magka-holding hands pero ang totoo, hinihila niya ko… Help!... T_T

Nasa likod kami ng school building.

“Teka nga… ano bang sasabihin mo?” hinila ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Bakit dito pa?”

“Dito tayo para wala ng iba pang makarinig at magkalat pa ng maling balita tungkol sa atin.”

“So tungkol talaga ito sayo?”

Nag-nod siya. Tapos nakangiti pa, yung bang nang-aasar na ngiti.

“Okay ganito. Sorry. Hindi ko naman alam eh. Sorry kung nakipagbreak ako sayo. Sorry if I ruined you reputation. Sorry. Okay na ba yon?”

“Sorry lang? Hindi yun ganoong kadali.”

“Psshhh. Eh ano ba? Ano, iba-black mail mo ko para umalis ako at lumipat ng ibang school?”

Lovers QuarrelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon