Tapos na naman ang two-day-vacation… Lunes na naman… meaning back-to-school na ulit.
Habang papasok ako, ang dami kong nakakasalubong…
“Hello Yana!” greet sakin ng isang girl. Third year din siya pero ibang section.
“Yana goodmorning!” isa namang guy na familiar yung face pero di ko kilala personally.
“Hi Yana!” bati naman sakin ng isa kong schoolmate. HINDI KO SIYA KILALALA.
Sabi ko na sa inyo diba? I’m popular.
“Hi Yana, miss na kita eh.” Bati naman ng exbf ko, si Lemuel.
Si Lemuel ang first bf ko… and after kong makipaghiwalay sa kanya, naging friends kami. Ang totoo mas naging close kami noong friends na lang kami eh.
Unlike Darius. Ewan ko ba sa kanya… -_-
Excited na akong makita ulit si Irish. Ano kayang chismis niya ngayon? Hahaha…
“Lauren Yana Eleazar!”
Kilala ko yung voice na yun ah. Lumingon ako sa likod. Sabi ko na eh…
“Irish!”
Tapos hinug namin ang isa’t isa. Ganun talaga, Monday eh… two days kaya kaming hindi nagkita.
Pagpasok namin sa room, nandoon na si Piero. Namiss ko rin ang kakulitan niyan.
“Goodmorning mahal.” Bati ni Piero kay Irish.
“Goodmorning din hon.” Bati naman ni Irish.
“Yana, goodmoring din.” Bati naman niya sakin.
“Goodmorning din.” ^_^
Ang saya talaga ng batian sa umaga. Talagang mapapasmile ka…
Unfortunately, may isa pang bumati sakin.
:) -> >:|
“Goodmorning Yana, did you miss me?” si Darius.
Inirapan ko lang siya. Miss mo your face!
“Batiin mo naman si Darius, Yana. Alam mo bang kanina pa siya binabati ng kung sino-sino pero ikaw lang ang una at nag-iisang binati niya.”
Kakampi na ba ni Darius si Piero? Hay nako, sige na nga…
“Goodmorning.”
So ayun, after ko siyang batiin wala na siyang ginawang kakaiba. Parang BEHAVE nga siya ngayon eh. Hahaha… parang elementary lang kung maidescribe ko siya eh.
Tapos nag-klase ulit kami. Wala namang kakaiba maliban na lang yung inannounce na malapit na daw ang Juniors Week. Isang week iyon na puro friendly games for all third year students.
Tapos naglunch na, tapos nagklase na ulit. Mukhang matatapos ang araw na ito na hindi kami nag-aaway ni Darius. Wow, if ever bagong record ito. Mula kasi ng magkabalikan kami, lagi na yata kaming nag-aaway eh.
Uwian na. Halos lahat yata ng students ng Anderson High sabay-sabay ang uwi ngayon. Magkakasama kami nila Darius, Irish at Piero sa paglalakad.
“Hi Darius!” sabay sabay pang bati ng tatlong sophomore girls na nadaan namin.
Yeah, I know those girls. Sikat din kasi yang mga yan… sikat sa kamalditahan.
At nagpapacute pa sila.
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
