Hindi na ako nage-expect na magiging special ang day na ito… kasi nga magkaaway kami ni Darius ngayong monthsary namin. Pero ang pinagtataka ko lang eh… parang ang weird ng mga tao sa paligid ko.
Una si Irish… hindi man lang niya ko tinanong kung anong nagyari sa pag-aantay ko kahapon. Eh normally manghihingi agad yan ng update sakin. Pero ngayon kahit ako na ang nag-oopen ng topic, bigla na lang niyang binabago…
Si Piero ganun din… ang tipid nyang magsalita pag kausap ako. Para ngang hindi rin siya masyadong nakikipagkwentuhan sakin ngayon eh…
Ano bang meron? Bakit kung kelan ko kailangan ng friends na dadamay at magco-comfort sakin, bigla na lang silang naging ganyan… Di ko tuloy maiwasang magtampo. Lalo lang tuloy akong nalulungkot. :(
Uwian na. Nagaayos na ako ng things ko ng…
“Yana…” lumapit sakin si Irish “…favor naman, padala naman nito sa club room ng banda nila Piero, importante lang. Hindi ko kasi madadala kasi pinapatawag ako sa office eh…”
“Sa office? bakit?”
May mali bang ginawa si Irish? Bakit siya pinapatawag sa office?
“…Ahahaha… Wala… Bibigyan lang yata ako ng award para sa pagiging matulungin ko slash pagiging mabuting friend slash pagiging matalino slash pagiging magandang girlfriend ni Piero at kung ano-ano pang slash. Something like that.”
????????
“Ha? Puro slash lang naintindihan ko eh. Serious ka ba?”
“Hahaha… wag mo ng masyadong isipin yun. Basta padala niyan. Kailangan na yan ngayon. As in now na.” tapos ay itinulak niya ko palabas ng classroom namin “So go na. Go. GO. GO!”
Ano bang nangyayari kay Irish? Saka ano ba tong pinadadala niya sa sakin?
Pagdating ko sa clubroom nila Piero…
*sign: Anderson High School Band
…WALA NAMANG TAO.
Nagkamali lang ba si Irish? O pinagtitripan lang ako nilang dalawa ni Piero?
Since wala ngang tao, ipinatong ko na lang yung pinapadala ni Irish dun sa isang table tapos ay lumabas na ako.
Aalis na sana ko pero…
Biglang may narinig akong music. Yung music na walang lyrics, yung puro tugtog lang… Pero infairness, sweet yung music ha… And nanggagaling yun sa kabilang room, Robotics club.
Nakapagtataka naman… ang alam ko eh bakante yang club room na yan kasi gumraduate na lahat ng members last year. Bakit kaya nakabukas yung pinto?
At syempre dahil likas akong usisera, hindi lang ako sumilip… pumasok pa ako sa loob. At nagulat ako sa nakita ko…
Ang daming teddy bears!!! May malaki, may maliit, may color white, pink, light brown, dark brown, iba-iba at ang dami! Nakasandal yung mga bears sa wall… parang naging border sila ng room. Tapos may mga white and pink floating ballons pa sa ceiling. And sa isang side ng room ay may projector screen kung saan may slideshow ng pictures… KO? Teka… ba’t ang dami kong pictures dyan? Ang dami pang stolen shots…
Sa sahig naman ay may malalaking LETTER BLOCKS (malalaki ha…) na nakaayos ng ‘HAPPY MONTHSARY’. At sa isang side naman ng room ay…… nakatayo si Darius na may hawak na boquet of roses.
Kung ide-describe ko yung place… hindi romantic ang una kong masasabi, kundi… CUTEEEE!!!! >.< Di ko naman favorite ang pink pero ang cute talaga!!!
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Novela JuvenilPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
