Kinuwento ko kagabi kina Irish and Piero yung naging usapan namin ni Darius. Kabado nga ako eh, baka kasi marinig ako nila kuya. Si Piero tinawanan lang ako, kakaiba daw ang style ni Darius. Ang totoo hindi ko na-gets yung sinabi ni Piero. Sabi naman ni Irish, sakyan ko na lang daw muna si Darius kesa naman daw isumbong niya ko. Eh ano pa nga bang magagawa ko.
Kinabukasan, kung anu-anong trip ang ginawa ni Darius.
Tulad noong Math subject namin. Medyo mahirap yung topic kaya nakikinig ako. Tapos picturan ba naman ako ng picturan. Nakakainis! Hindi tuloy ako makapag-concentrate. At hindi pa siya nakuntento, i-send ba naman yung picture ko sa mga classmate namin and may message pa na ‘ang talino ng girlfriend ko no…’
Sabi ni Irish, ang sweet naman daw ni Darius kahit nagpapanggap lang siya. Sabi naman ni Piero, mukhang tinototoo daw ni Darius. Sa akin naman, nakakahiya! Now my face is on every phone of my classmates. Buti sana kung naka-pose ako, kaso stolen shot eh… Nakakainis talaga si Darius!
Tapos noong Science subject naman, may pupuntahan ang teacher namin kaya iniwanan niya kami ng kokopyahin sa board. Mahabahaba rin yun kaya naman nagsimula na akong kumopya. Tapos si Darius naman, pinagharap niya yung upuan namin.
“Bakit ka nakatalikod sa board? Paano ka kokopya?” tanong ko sa kanya.
“Hindi naman ako kokopya eh. Tutulog ako.”
“Eh bakit iniharap mo pa yung armchair mo sakin?”
“Para ikaw ang mapanaginipan ko.”
“Wow. Ang sweet naman ni Darius.” Si Irish talaga, alam naman niya na palabas lang ito lahat ni Darius eh.
“Alam mo sabagal ka lang eh. Bumalik ka na nga sa pwesto mo.” Kahit nakatungo siya, ang hirap pa rin pag may nakaharang sa harapan ko.
“Hindi ako sabagal, inspirasyon mo ko.” Tapos ay umub-ob na siya at natulog.
“Awww.” Biro na naman ni Irish. “Alam mo ang sweet talaga ni Darius sayo...”
“Bakit, si Piero ba?”
Nakisingit bigla si Piero. “Lagi naman eh, hindi ko lang alam kung napapansin ni Irish.”
“Ayieeh…” nag-react din ang mga classmates namin na nakarinig.
“Narinig mo ba yung sinabi ng classmates natin Irish? Kiss daw.”Biro ni Piero.
Nag-blush naman bigla si Irish… “Kiss ka dyan.” …at nabatukan tuloy si Piero.
Hahaha… feeling ko talaga gustong gusto na rin talaga ni Irish si Piero.
Recess na, gising na rin si Darius.
“Oh eto.”Inabutan niya ko ng 100 pesos.
“Ano to?”
“Pera.” Tsss…Pilosopo. “Bumili ka ng pagkain natin.”
Sabi ko na nga ba eh, pakitang tao lang yung pagiging gentleman niya dati.
“Napaka un-gentleman mo. Talagang ako pa ang bibili ng pagkain mo.”
“Pagkain natin. Ililibre na kita.”
“Kahit na, ako yung girl pero ako pa inuutusan mo.”
BINABASA MO ANG
Lovers Quarrel
Teen FictionPaano kung ang isang 'playboy na monthly kung magpalit ng gf' at isang 'never been serious in any of her relationship' ay naging mag-BFGF? Para sa kanila ay laro lang ang relationship nila. Hindi nila napapansin na they were falling for each other n...
