Chapter Nine - Partners 1/2

1K 18 3
                                    

“Uy pare, kasali ka rin pala?”tanong ni Lemuel kay Darius.

As in oo, si Darius talaga. Kahit ako di makapaniwala na  sasali sa ganitong laro si Darius.

“Pwede namang sumali kahit sino diba? Basta may ka-partner.”

Napatingin naman ako sa tinutukoy niyang kapartner.

O.o

WHAT? Isa ulit kagulat-gulat. Si Angel kasi ang partner niya… eh patay na patay si Angel kay Darius eh. Ang alam ko nga elementary pa lang sila, crush na ni Angel si Darius. Magclassmates daw kasi sila mula pa noong elem, pero ngayon highschool eh hiwalay na sila ng section (kasection ko si Darius diba…). Yung ang nariririnig ko kaya ‘daw’ lang.

Pero kung ngayon ko titingnan si Angel mukhang totoo nga. Kita kong masayang masaya siyang makapartner si Darius.

“Galingan ninyo ng GIRLFRIEND ko ha.” Sabi niya kay Lemuel.

Ano naman kayang meaning ni Darius dun?

“Let’s start the game. Music!” sabi ng gamemaster.

Tapos sumayaw na kami, yung parang nagpaparty lang.

Napatingin ako kina Darius…

Aba’t talagang abot tenga ang ngiti ng dalawa! Huh! Bagay nga sila!

Sino kaya ang nagyaya sa kanila na sumali sa game na ito? Malabong si Darius ang magyaya, walang yung hilig dito eh. Siguro si Angel… tama, si Angel nga. Pero bakit kaya pumayag si Darius? Ummm… baka naman pinilit lang rin siya ng leader namin.

“Music STOP!”

Pero kahit naman pilitin siya eh… kung ayaw niya, ayaw niya talaga.

“Yana!”

Kung ganoon…

“Yana! Nag-stop na ang tugtog.”

Ay oo nga.

Agad naman akong tumungtong sa dyaryo.

Sigh. Muntik na yon…

“Okay pasok lahat sa second round. Fold your newspapers.” Sabi ng gamemaster.

“Hindi pa ba ako sapat?” bulong sakin ni Lemeul.

“Ha?” anong sinasabi niya?

“Ako nga ang kasama mo, pero siya pa rin ang iniisip mo.”

Ah gets ko na. Talagang feel na feel pa ni Lemuel ang pag-arte.

“Crazy.” Tapos medyo pinalo ko siya sa shoulders niya.

“Hahaha… galingan mo naman kasi. Baka matalo pa tayo ng dahil sayo.”

At nagyabang pa!

“Beh!” :P

“Hahaha…”

“Music!” sigaw ng gamemaster.

Hahaha… talagang kumekembot pa si Lemuel. Syempre papatalo ba naman ako, iilan lang ang nakakaalam pero may talent talaga ako sa dancing. Hahaha…

“Music stop!”

Tumungtong agad kami ni Lemuel sa newspapaer.

“1 pair sa blue, 1 pair sa red at 2 pairs sa yellow… OUT NA! Sa mga natira, next round na… fold your papers!”

Lovers QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon