Chapter Fifteen - Sharing of Secrets

1K 16 0
                                        

Mage-eight thrity na. Siguradong pagagalitan na ako nila kuya pag-uwi. Ano ba yan… Eh kung iwan ko na kaya si Darius? Hindi pa siya totally magaling pero atleast medyo bumaba na yung fever niya.

Napatingin ako kay Darius…

Pero hindi ko siya kayang iwan sa ganyang condition.

Lumapit ako sa kay Darius tapos ay naupo ako sa sahig sa tabi ng kama niya. Tinignan ko siya ng malapitan.

“Ngayon ko lang napansin, kahit pala maangas yung look mo… may cute side ka rin pala…”

Hahahaha… mabibingi na kasi ako sa katahimikan eh kaya nagsasalita na ko mag-isa. Di naman siguro ako naririnig ni Darius.

“Hay…” napatingin ako sa ears niya “Teka? Hindi ka na pala nage-earring?” Naaalala ko kasi noong unang naging kami, napansin ko agad na may hikaw pala siya. Pero okay lang, bagay naman sa kanya eh… Kelan niya pa kaya yun hindi sinusuot?

Napabuntong hininga ako.

“Darius naririnig mo ba ako?”

Malamang hindi, tulog ka eh… Pero sana nga hindi.

“May ise-share akong secret sayo… Remember noong nakasali tayo sa game na dance on paper? Alam mo bang after nun, pagdating ko sa bahay eh umiyak ako… You know why? Kasi inis na inis ako sa isang lalaki. And take note, siya ang unang guy na iniyakan ko. Well, noong una mabait naman siya eh. Tapos bigla na lang siyang naging masungit, naging bossy, tapos gustong gusto niyang iniinis ako. Lagi nga kaming nagaaway eh. Pero aaminin ko, sweet rin naman siya. Ewan ko ba, ang gulo-gulo niya. Pero alam mo ba kung bakit lalo akong naiinis sa kanya? Kasi kahit ganun siya……… gusto ko siya. At kaya ako umiyak kasi, nasasaktan ako sa ginagawa niya…”

Napabuntong hininga ulit ako. “Ang hirap palang magmahal…”

Tumahimik ako sandali.

“Ikaw ba Darius, may mahal ka na ba?”

“Syempre naman.” Biglang sumagot si Darius at tumingin sakin.

O.o Nagulat naman ako.

“Ha? Ah… Kelan ka pa nagising? Naririnig mo ko?”

“Ngayon ngayon lang.”

Ngayon ngayon lang? Siguro naman hindi niya narinig yung mga una kong sinabi. Saka marinig man niya yun, wala naman akong name na sinabi kaya okay lang. Safe pa rin.

Naupo siya at tumingin siya sa orasan. “Gabi na ah… 9:00 na. Hindi ka pa ba uuwi?”

“Ha? Eh… Hindi ka pa kasi magaling kaya hindi kita maiwan.”

“Okay na naman ako eh-”

“Okay? Eh hindi pa nga nagnonormal yung temperature mo eh.”

“Konting lagnat na lang to. Saka kaya ko na ang sarili ko. Di ba sabi ko malakas ako- *cough* *cough* -Excuse me.”

“Weh? May sinasabi ka ba? Hmmm?” Malakas daw pero nau-ubo naman.

“Sus. Ang yabang mo na ngayon ah.”

“Hindi noh. Buti nga concern pa ako sayo eh.” Oops.

Tumingin siya sakin na parang nanloloko.

Lovers QuarrelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon