Its Saturday and Saturday means rest day!! Finally! Huhu. First of all, lemme introduce my self, oryt?
I'm Kira Le. Chinese-Vietnamese-Filipino. Andito ako ngayon sa dorm kasama ang tatlo kong best friends. Sina Ennajeene "Ej" Pressman, half british, si Mikaella "Miks/Mika" Ramirez, spanish, and si Chania "Cha" Abdul Qaiyum, half Indian. O diba half half!
Nagising ako ng maaga para mag luto ng breakfast dahil pupunta yung mga kabarkada namin nung HS dito sa dorm pero nagulat ako nung naabutan ko si Chania na nag hahain na. Susko, sana hindi siya yung nagluto.
"Good Morning, Kirs!" She greeted me happily habang nag hahain ng uling. I mean, hotdog. So siya nga ang nagluto. Paktay kami nina Miks at Ej dito. "Good morning, Cha!" I greeted her back.
"Tara kain na tayo." Pag aaya niya sakin. Huhuhu I kenat.
"Ah... Eh... Mamaya na 'ko. Bu-busog pa ako e. Sige enjoy!!" Sabi ko at nag mamadaling umakyat sa kwarto namin ni Ej. Kaming dalawa yung roommates at si Miks at Cha naman.
Agad akong lumundag sa kama ni Ej.
"Ej! Ej! Gumising ka! Huhuhu plith!"
"Punyeta naman, Kira! Ano ba!?" Inis na sagot sakin ni Ej at nagtakip naman siya ng unan sa muka niya.
"Huhuhu e kasi gumising ka na!!" Saad ko at napabalikwas naman si Ej. Akala ko babangon na siya pero hindi. Nabigo ako.. Kinuha niya yung maliit na relo sa lamesa at iniharap sa akin ito.
"Kita mo to?" Turo niya sa oras. Tumango lang naman ako. "6:30 palang. Sabado. Walang pasok. 4 pa dadating ang friends natin. Now tell me, aside from you, do you think there's someone else who wants to wake up at an ungodly hour on a weekend? Tell me, Kira Le. Or else I'll be pissed off."
Napalunok nalang ako kasi pissed na talaga siya. Ganun siya kapag inis. Binabanggit niya ang buong pangalan. Napatingin ulit ako sa kanya at nakataas ang isa niyang kilay niya, "Ano na?" She asked.
"Oo may kilala pa ako.. Si... Si Chania..." Sagot ko. Nakita kong nanlaki ang mata niyang mumukat mukat pa. Hinawakan niya ang balikat ko at inalog ako, "Please sabihin mo sa akin na hindi siya ang nag luto ng breakfast. Please!" Now she's pleading me. She's waiting for my answer, "Si Cha yung nagluto."
Sa sinabi kong iyon ay nanlaki ang mata niya lalo. "This can't be! I'll starve to death!" She shouted with her British accent. Agad siyang nagtatakbo papunta sa kwarto nina Miks.
"Mikaella Ramirez! Wake your fucking ass up!" Ej shouted as we entered Cha and Mika's room. I wonder, hindi kaya kami naririnig ni Cha sa baba?
Bumalikwas naman kaagad si Miks at tiningnan niya ang kama ni Cha. Nanlaki ang mata ni Miks sa nakita. "Holy sheet of paper!"
"So anong gagawin natin? Nagugutom ako please lang!" Reklamo ni Ej.
"We'll tell her." Sagot ni Miks. Nakahinga kami ng maluwag don. Since si Miks ang pinakamatanda sa amin ay siya ang Mayora. Hahaha. "but first...." Tumingin si Miks kay Ej, "mag mumog ka muna ano po, Miss Ennajeene. Mas una ko pang ikakamatay yang hininga mo kesa sa pagkain ng luto ni Cha." Napatawa naman ako at si Ej naman ay nagmumog na.
After mag ayos nung dalawa ay nagikita kita kaming tatlo sa labas ng rooms namin. Sabay sabay kaming bumaba sa hagdan. Si Ej nag sign of the cross pa. Ano, lalaban lang sa gera?
"Hi girls! Good morning! Kain na!" Cha greeted us. Nagkatinginan lang naman kaming tatlo.
"Ay hotdog yung break fast? I would love to eat kaso I'm a vegetarian na e." Miks answered. Naibuga ko naman yung gatas na iniinom ko. Napatingin ako kay Miks at ang sama ng tingin niya sa akin.
"Since when?" Cha asked Miks. "Kahapon lang."
Tanginang kahapon lang! E kahapon nga puro tocino at bbq yung binili sa canteen! If I know nag palusot lang to!
"Ikaw, Kira?" Nako po. Ako naman hinohot seat ni Cha. Nakatingin ako kay Miks na namamapak ng okra habang masuka suka na. Srsly? Makaparaan nga lang e.
"Diba Cha sabi ko sa'yo, busog pa ako. Dami ko kasing kinain kagabi e."
Nag nod lang naman si Cha. Woooh nakalusot ako dun ah.
"Sayang naman tong hotdogs na niluto ko. 12 pcs pa naman." Malungkot na sabi ni Cha.
"Ay hindi masasayang yan." Napatingin ako kay Miks na nakatingin kay Ej ng nakakaloko. "Si Ej daw ang kakain, diba Ej gutom ka na, hotdog ulam oh. Favorite mo."
Nagpipigil ako ng tawa dahil namutla pa lalo si Ej sa ginawa ni Miks.
"Talaga Ej? Omg!!" Masayang sigaw ni Cha.
"Ah... Eh..." Di na nakaimik pa si Ej nung sinubuan na siya ni Cha ng uling, I mean, hotdog. Dali dali kaming umakyat ni Miks sa taas at dun nag pasabog ng tawa. Hahahahaha isa lang alam ko. Patay kami kay Ej neto.