Vienne
Nandoon na silang lahat at kami na lang ni Kira dito. Hindi ako mapakali. Aamin na ba ako? Tsk.
"Ki-kira labas tayo." Pag aaya ko.
"Sige." Kinuha ko naman ang kamay niya at naglakad kami papunta sa labas. Dito ko siya dinala sa isang place sa may seaside na kaming mag kakapatid lang ang nakakaalam.
"Asan tayo?" Tanong ni Kira.
"Nasa resort pa din. But this is a private spot. See, halos abot kamay na natin yung moon and stars tapos nasa tabing dagat pa tayo." Yung spot kasing ito ay paborito namin dahil para kang nasa heaven.
"Ang ganda." Sabi ni Kira. "Ang ganda nga." Sagot ko naman habang nakatingin..... Sa kanya.
"Kira, hindi ka nilalamig?"
"Hindi, okay lang ako." Sagot niya habang nakatingin parin sa langit.
Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Ang liit. Para akong may hawak na kamay ng bata." Pang aasar ko. "Che!" Sagot niya at binawi yung kamay niya. Kinuha ko naman to ulit.
"Kira... 5 days na lang."
Sa sinabi kong yon ay napatingin siya sa akin. "Oonga e. 5 days na lang. Ang bilis noh? Parang kailan lang, kulang na lang patayin kita."
Napatawa naman kami parehas. "Sus! Hanggang ngayon nga ramdam ko gusto mo parin akong patayin e." Sagot ko naman. "Slight lang." She answered back.
"Malulungkot ako." I continued. Now, she's facing me. Tangina, nakakahiya umiiyak pa naman ako. But sabi nga ni Dad, real men cry.
"Bakit? Kasi wala ka ng maaasar?" Tanong niya.
"Slight. Hehe." Hinampas niya naman ako. "Ganon ah!"
"Tsk, hindi. Malulungkot ako kasi after this uuwi na tayo. Busy na ulit. I don't know pero sure ako subsob na ako sa training. Baka I won't be spending most of my time with you tapos yung 18th day natin, championship ko pa. Diba parang, parang ang sama?"
"Huy ano ka, okay lang. Di mo naman kailangang palaging nandiyan. Kung hindi mo magagawa ang duties mo, at kung feeling mo you won't be able to make the most out of it e di I will make it happen. Parang di mo naman ako kilala. Saka manonood naman ako ng Championship mo e. Walang pasok yun, diba? I'll be there!"
"Sus, I'll be there I'll be there. Mamaya may disection ka na naman." Pag bibiro ko. "Sure ako! Deins na ako injan mango! Sila i-disect ko diyan e!" Sagot niya. Napatawa naman kami parehas at pagkatapos nun ay wala na. Dead air na ulit.
"Vienne, thank you." Lumingon naman ako sa kanya. "Para saan?"
She just smirked. "Sa 18 thingy na to, I found a friend in you. Mas nakilala kita. Mabait ka, magaling, talented, manyak..." Sinamaan ko naman siya ng tingin sa last line niya. "Joke lang. Joke. To naman!"
"Kira ako din thankful cos I found a friend in you too."
"Minsan nga iniisp ko, blessing in disguise na rin na tinamaan mo ako ng bola sa ulo."
"Hahahaha sorry nga pala dun ah."
"Okay lang."
And then again, dead air.
"Kira after ba nito, friends pa rin tayo?"
"O-oo. Kung gusto mo. Friend na din naman turing ko sayo."
Aray ko. Friendzoned. Tsk mas okay na yun kesa wala.
"Kira, I have to tell you something."
"Ano yon?"
Woooh this is it! Perfect time, perfect place, perfect person... Aamin na ako...
"Huy Vienne, ano yun?" Tanong ni Kira.
"Kira... I..... I love you, noon pa." Sabay putok ng fireworks. Nakatingin parin sa akin si Kira.
There! I said it! You're a man now, Vienne! You got balls! Finally! We watched the fireworks together! Finally na amin ko rin!
"Ano, Vienne? Hindi ko narinig! Ang lakas nung fireworks e!"
Fuck! Fuck! Hindi niya narinig? Putek naman oh! I was man enough to di niya pala narinig real quick. Too quick! Ay pota!
"Hoy Vienne ano nga yung sasabihin mo!? I ano yun? I ano?"
"Kira..... I....
I.........
I thank you..." Wala e. Umurong na balls ko. After the championship na lang siguro.
"Thank you din, Vienne! Payakap nga!"
Niyakap naman ako ni Kira. Well, hindi na rin masama. Nakayakap naman ako e. Pero bakit ganito? Bakit parang pakiramdam ko, mawawala si Kira? Ang lungkot ng nararamdaman ko. Diba dapat masaya ako kasi kung tutuusin panalo pa rin ako?
"Kira, iiwan mo ba ako?"
"Siyempre naman." Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. :(
"Iiwan kita kapag nag cr ako. Ano sasama ka sa cr ng girls?" Pagdadagdag niya. Kinabahan ako dun ah! Lalo ko namang hingpitan ang yakap ko sa kanya.
"Vienne, ayaw mo akong mawala?" Tanong niya. "Oo."
"Kung ganon paki luwagan naman ang yakap, hindi ako makahinga." So I did what I was told.
After the yakapan session ay inihatid ko na siya sa cottage, hindi man niya narinig ang sinabi ko, sana naramdaman niya sa yakap ko. Goodnight everyone! Manila, here we come!
