Ten

26 1 0
                                    

KIRA

"Ano!? E papano yan!? Inaasahan ka ni Vienne!?" Yan ang bulyaw sa akin ni Cha matapos kong sabihin na hindi ako makakapanuod ng game ni kamagong.

"Look! Hindi ko kasalanan kung bakit hindi ako palabasin ng prof ko. Kesyo hindi pa daw kami tapos sa disection! E baka hindi pa ako maka graduate dahil dito!" Oo sabado ngayon. Dapat walang pasok. Pero heto ako, nasa school at nag disect. Fuck Saturday classes.

"E papano yan!? Mukang umasa yung tao!" Bulyaw ni Cha sa kabilang linya.

"Yon aasa? Asa! Napaka daming fangirls non. Saka jusko para binibiro lang ako nung tao. Hindi ako kawalan sa game niya. O siya siya andiyan na ang prof ko. Bye na kayo na bahala!"

MIKS

The squad is here at the MOA arena. Championship Game two na ng Blue Eagles at Green Spikers. Kapag nanalo sina Vienne against Ateneo ay champion na sila. Pero mukang malabo.

"Ano ba naman tong si Viennevenido! Third set na malamya padin! E susko 2-0 sila oh!" Inis na sabi ng ate ni Vienne. Yep, kasama ng squad ang ate niya. Yung kuya daw ay biglaang nilagnat kaya hindi na kasama. Si Jr ko isasama ko din kaso nilalagnat. Ano kayang meroon at lagnatin ang mga tao ngayon? Sayang naman. And oh, who would've thought na kapatid pala ni Vienne si Victonara "Ara" Galang Torres! Kaya naman etong si EJ na katabi lang ng ate ni Vi ay kilig na kilig!

Natapos ang game at talo ang Green Spikers. Na sweep ng blue egles ang game 2.

Hanggang sa team dinner ay walang kibo si Vienne. Bakit kaya?

"Hindi siya talaga nanood." Sabi ni ate Ara.

"E ate Ara. Nag explain naman po si Kira e"

"Drop the word ate and Vic nalang. Naiintindihan ko naman kung anong reason ni Kira." She answered then smiled.

After the team dinner ay dumiretso na kami sa dorm. Naabutan naman namin si Kira na papaalis.

"Oh san ka pupunta? Tapos na yung game sa MOA arena." Sabi ni Ej.

"Kay Vienne. Ipinagluto kong spaghetti. Peace offering." Sagot niya at sabay alis sa aming dorm.

Nagkatinginan na kaming tatlo at, "EHHHHHH! Its working! The plan is working!"

Vienne

Hindi sumipot si Kira. Well I should stop believing in 11:11. I heard someone knocking at my door at pag bukas ko ay,

"Anong ginagawa mo dito?" Malamya kong tanong.

"Line ko yan, wag kang suplado. Sana papasukin mo muna ako diba?"

"Hindi ka nakapanood ng game tapos pupunta ka dito?"

"Bumabawi nga diba! Ano pa bang gusto mo?" Eto na. Nag iinit na naman si Kira.

"Bakit ka bumabawi? Wag nalang."

"Wag ka ng mag inarte." Sabat niya at pumasok sa condo ko. Wow ha! Trespassing ka na nga sa puso ko pati ba naman sa condo ko? Iba ka talaga Kira. Ikaw na! "Ipinagluto kitang spaghetti. Upo ka na dito." Sabi niya at hinila ako sa lamesa na may nakahaing spaghetti.

"Pano mo nalamang paborito ko to?"

"I have my ways Torres." Sagot niya.

"Baka may lason to?" What? Naninigurado lang ako.

"Kung may balak akong patayin ka, sana pag ka punta ko palang dito sa kusina e kinuha ko na yung kutsilyo at kinatay na kita diyan. Maalam pa naman akong mag disect."

"E malay ko ba kung ayaw mo ng madugo? Gusto mo e clean and safe yung plan mong homicide sakin."

"Dami mong arte Vienne! Kumain ka nalang!"

"E... Ang sakit ng kamay ko e." Sabay pakita ko sa kanya ng kamay kong tadtad ng muscle tape dahil namamaga.

"Oo na susubuan na kita!" Sabi niya at sinimulan akong subuan. Kinikilig ako! Bakla ampopo. "Bakit ba kasi namaga yan? Anong nangyare?" Tanong niya. concerned ba siya o chismosa lang?

"Yan kasi e hindi nanonood." Binigyan niya naman ako ng dagger looks. "Nung na block ko si Espejo nagdagasa ako. Itong kamay na to yung unang bumagsak. Pero okay lang. Sanay na akong masaktan."

"Bading. Humugot pa. Vienne."

"Oh?"

"Sorry."

"Sorry? Bakit?"

"Dahil hindi ako nakapanood. Aalis na naman talaga ako noon kaso pinigilan ako ng prof ko. Sorry talaga. Kung wala naman akong class manonood naman talaga ako." Wait did she just said na dapat manonood siya?

"Kahit wag ka ng manood." Pag iinarte ko. "Ramdam naman ng La Sallian community ang support dahil andun mga kabarkada mo."

"Pero gusto ko parin manood."

"At bakit?" Bakit kaya?

"Dahil gusto kong suportahan ka. Dahil gusto kong i-cheer ang captain nila. Dahil gusto kong ako ang number one cheer leader ng boyfriend ko!" Did. She. Just. Call. Me. Her. Boyfriend?

"Sino ba boyfriend mo dun?"

"Bobo ka ba o tanga? Kakainis naman to! I'm acting like a girlfriend just like what you said na nga e! Ikaw boyfriend ko! Bakit may iba pa ba kayong captain? Pakilala mo ako! Baka mas gwapo sayo yun na lang jojowain ko."

"No! Wala na kaming ibang captain! Ako lang. Ako lang boyfriend mo, okay!?"

"Possesive Viennevenido." Kira said then laughed.

"Bakit mo ginagawa to?"

"Daming tanong. Simple lang. Dahil boyfriend kita at girlfriend mo ako." She answered then gave me a sweet smile. Tho its just pretend, I'm enjoying. 16 days left, Vienne. Move faster.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon