Sixteen

16 0 0
                                    

Kira

After an hour ay nahuli din namin si Ej at napag suot ng swim suit. Ewan ko ba diyan at ayaw pa mag swim suit e maganda naman yung katawan. Kaya ayun, nag spandex na lang kaming lahat tapos see trough na top. Oryt.

Pagkalabas palang namin ng resort ay pinag titinginan na kaming apat. Dahil ba magaganda at sexy kami o dahil daig pa namin ang f4 sa eksena namin? Kasi mag kakahilera kaming naglalakad with matching lipad pa ng hair. Oh daba.

"Hi miss. Can I get your number?" Tanong sa akin ng isang lalakeng maputi at gwapo. Pero mas gwapo si Vienne. Sunod sunod na yung mga lalakeng nanghihingi ng number namin at ngayon ay napapalibutan na nila kami ng biglang...

"Baby, ang tagal mo naman. Kanin pa kitang hinahanap e. Tara na." Akbay sa akin ni Vienne na naka board shorts lang. Yung. Yung... Yung abs. Ang sherep.

"Tara na babe, iniintay ka na ng loving arms ko." Sabi naman ni Errol kay Cha. Kinikilig si Cha samantalang ako, hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.

"Love, lets go. Papakainin pa kita ng mahaba at mataba kong pagmamahal." Sabi naman ni Jr kay Miks at inilagay ang kamay niya sa bewang nito. Hahaha is it me or ang laswa pakinggan nung kay Jr?

"Honey, tara na. Baka mangati ka, diba allergic ka sa hipon?" Sabay akbay ni Vic kay Ej. Nahuli ko naman si Ej na namumula. Sus patago pa lumandi.

Nakakaisang hakbang palang kami papalayo sa mga hipon ay...

"Hey! Don't you think thats so bastos? Kinakausap pa namin sila, kinuha niyo na agad?" Sigaw ni hipon 1.

"Oo nga. Saka hindi pa naiibigay ni babe yung number niya sakin!" Sigaw naman ni hipon number 2.

"Tangna sinong babe ha!?" Sigaw ni Vienne. Agad ko naman siyang pinigilan. Nakooo masama magalit to.

"Yang naka neon na green. Grabe nakakapaihi silang lahat sa ka sexyhan ha." Sigaw ni hpon 3 at nag lip bite pa. Ewww. Garbage. Ay! I mean, savage. Oo, savage.

"Ang ho-hot nga e, sarap dalhin sa kam----" hindi na naituloy ni hipon 4 ang sasabihin niya dahil pinaulanan na sila ng suntok ng boys including Vic.

Grabe kahit anong awat namin hindi magpatalo.

"Vic tama na yan!" Sigaw naman ni Ej. "Wait lang mahal. Isa pa, bastos e!" Sagot naman ni Vic kay Ej at balik ulit sa panununtok. Nagkatinginan naman kami nina Ej at naghampasan pa kami sa kilig. Mahal pala ha.

"Watch your words ha!" Sigaw ni Jr sa mga hipon.

"at bakit?!" Matapang nilang sagot.

"Dahil kapag di kayo umayos, ipapatalsik namin kayo dito!" Sagot ni Vic. Grabe ang hot nga.

"At sino ba kayo?"

"Kami lang naman ang may ari ng paraisong to. Tsk, next time kuya, bawal na mga shit dito." Sagot naman ni Vienne.




"Araaaay dahan dahan naman Kira! Gigil na gigil--- araaaay!" Ungot ni Vienne. Andito kami sa kubo at niyeyeluhan ko ang pagmumuka niya. Ganun din sina Miks sa partners nila. Lalo ko namang diniinan ang pagyeyelo sa muka niya. "Oh napaka angas mo sa suntukan tapos dito paiyak ka na! Gay!" Sigaw ko. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagyeyelo sa muka niya.

"Papanong hindi ako mapapaaway? E binabastos na kayo! Hinihingi pa yung number mo! At ikaw, binigay mo naman ata." Sagot niya at kinuha na sa akin yung pang yelo.

"Hoy lalaksot! Pwede namang daanin sa magandang usapan!"

"Magandang usapan? Lalake kami, di kami babae. Saka hinhingi nga number mo, dadaanin ko pa ba sa usapan!? Hoooh! Teka, don't tell me binigay mo nga yung number mo?" I just smiled. "Kiraaaaaaaa!"

"Hoy kumalma ka nga! Oo binigay ko number-- tsk ako muna please wag kang sumabat. Oo binigay ko yung number..... Yung jersey number mo. 18. Hahahaha."

Napatigil naman siya at napangiti. "Nakakainis ka akala ko binigay mo."

"Anong tingin mo sakin? Cheap?"

"Hindi naman. Dao ming se lang. Lakas niyo maka f4 kanina."

"I ain't no Dao ming shit."


"So guys, I guess, by partners tayo gumala. Okay lang ba?" Tanong sa amin ni Jr. Kita ko naman si miks na ngiting ngiti at sumesenyas na pumayag daw kami.

"Sige." Pag payag namin.

Agad namang bumulong sa akin si Vienne, "solo kita wahahaha."

"Gago." Sagot ko naman at pinisil ko ang pisngi niya. Ginulo lang niya ang buhok ko inihiga ako sa dibdib niya.



Hays 6 more days and we're done. :(

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon