EJ
"ANO!? PAPANO MAGAGAWA NI ERROL YUN E PARANG LAST LAST WEEK LANG E KULANG NA LANG PATAYIN NIYA SI MAGS!?" Sigaw ni Miks sa aking kinuwento.
"Sige, Miks! Bakit kaya hindi mo pa laksan para marinig ni Cha? O baka naman gusto mo pang gumamit ng mic kung nahihinaan ka pa diyan sa boses mong bruhita ka!" Pambabara sa kanya ni Kira. Kira-1 Miks-0
"E wala naman si Cha e."
"Wala nga. E papano kung nasa baba na pala siya? Imposibleng hindi nun maririnig yang boses mo! Wala pa naman tayong look out! Ka stress ka!" Pambabara ulit ni Kira. Kira-2 Miks-0
"E di ikaw mag look out, ikaw nakaisip e." Miks-1 Kira-2
"Aba't---"
"Hep! Tumigil nga kayo! Nakakairita kayong dalawa! Pag buhulin ko kayo diyan e! Kaya nga dito sa kwarto nag usap para di malaman ni Cha since hindi natin alam ang buong kwento e parang balak niyo pa atang i-share sa buong barangay! Makasama nga sa land lady natin kapag nag pa-pray over diyan sa may chapel at ipagdadasal ko kayo!" Ako! Ako naman! Nakakainis e. Ej-100 Miks-1 Kira-2
"Sorry naman girl. Highblood lang?" Kira.
"E papano ka naman sure na si Errol at Mags yun?" Miks.
Ganito kasi yun e....
Flashback...
Niyaya kong mag shopping si Cha since buong week e stressed ang taong ito dahil sa exams niya at idagdag pa ang manliligaw niyang almost 5 days ng walang paramdam. Buti pa ang multo. Chareng!
After naming mag shop till we drop ay nagutom kami. Yun ba namang buong mall ata ay nalibot namin. Since nung isang araw pa kaming nag c-crave ni Cha sa foods ng Zarks ay nag decide kami na duon na lang kumain.
But good thing, nauna ako kasi nag cr si Cha. While I was checking out the menu habang nakapila ay I accidentally saw Errol...... With Mags. I thought namamalik mata lang ako. But, I wasn't. So I decided to hide since nag assume ako na matatagalan pa si Cha sa cr dahil kakapasok niya palang.
Confirmed. Errol is with Mags nga talaga. And sila lang dalawa. No signs of our high school friends like Jane and Oabi na best friends niya. Nag uusap lang sila.
Well, I kinda expected na serious yung magiging usapan nung dalawa dahil baka, baka lang naman humihingi pala si Mags ng sorry kay Errol becuase of what happened. But no.
Light yug pag uusap nila. Rinig na rinig ko yung malulutong nilang tawa. And one thing, may sparks. Andun ulit yung sparks. What? Nasubaybayan ko ang love story nung dalawa. Ups and downs, thick and thins. And I can say, the way Errol look at Mags right now, is still the same kung papano niya tingnan si Mags noon.
Its full of love and happiness. Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya masaya kay Cha pero what I'm seeing right now is the real Errol. Alam ko din na mahal na mahal niya parin si Mags sa simpleng pag tingin niya dito. How? Kasi kug papano tignan ngayon ni Errol si Mags ay ganoon din tingnan ni Cha si Errol.
I think I've seen enough so I quickly returned in line then I saw Cha. Looking for me. Buti na lang ay hindi niya nakita sina Errol. I had to tell her na nag hahain ng panis ang Zarks kahit hindi. Dahil ayaw kong makita niya muna yon. Gusto ko ay saka ko ipapakita sa kanya ang dalawa kapag concrete na or better else, siya na mismo ang makakita. Because my observation will never be enough because its still full of what ifs. Ayaw kong sa huli e madudurog si Cha dahil lang sa aking maling akala. Sana nga mali lang.
P.S. Sorry Zarks, I love you and everything you offer to bits and pieces! Just this one for the sake of my bestfriend/sister.
End of flashback....
"Oh my effin god. I can't believe it." Rekasyon ni Kira. I know. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon.
"Pero narinig naman natin ang sinabi ni Errol diba. Mahal niya si Cha." Miks stated.
"Panahon at tao nga nagbabago, feelings pa kaya?" Kira answered back. Kira-3 Miks-1 Ej-100
Inirapan lang naman ni Miks si Kira.
"Oh, magsisismula na naman kayo. Tsk. Just help me with this one and please wag makakarating kay Cha hangga't hindi tayo sure." The both just nodded as an approval.
So help me God.
