Thirty Three

29 0 0
                                    

Kira

Mag isa ako ngayon dito sa dorm. Nag champion kasi sina Vienne sa volleyball kaya naman may celebration sa school. Umattend kasi ng Yearend Thanksgiving ang squad kasama si Cha. Yep, nagbalik na si Cha. At maalam na siya magluto. Wahahaha. Hindi na ako matatakot kumain ng luto niya.

Ding dong

Agad ko namang binuksan ang pinto at iniluwa nito si Vienne.

"Uhhmm pasok ka." Today's our last day. Okay na din since nag champion sila. Ga-graduate siya with a championship.

"Bakit wala ka sa party?" Tanong niya at sumunod sa akin sa veranda. "May sakit kasi ako e." Hinipo naman niya ang noo ko. "May lagnat ka." I just nodded. "Party niyo yun, bakit wala ka dun Vienne?" Shit. Bakit ba ako na a-awkwardan? Kung kailan pa pa 18th namin. "Sabi kasi sa party e isayaw daw yung gustong isayaw. Hinanap kita, wala ka naman don. So pinuntahan kita dito."

Me? Gusto niyang isayaw? "Bakit naman ako ang isasayaw mo? Ahh, dahil girlfriend mo pa rin pa nga pala ako. We still have one hour left oh."

"No, its not that. Kahit pa hindi na tayo ikaw at ikaw pa rin ang isasayaw ko. So, may I have this dance?" Ngumiti naman ako at ibinigay ko sa kanya ang kamay ko.

Vienne

Totoo yun. Hinanap ko talaga siya nung oras na ng sayawan. Aamin na ako. Kampante na ako na walang fireworks na hahadlang. Environment friendly ang La Salle kaya no to fireworks sila.

Nagsasayaw na nga kami here sa veranda. Tanging ang buwan na napakaliwanag ang ilaw namin at saksi ang milyun-milyong bituin sa slow dance namin.

NP: Its you by Zayn Malik

Ang ganda ng kanta. Kasing ganda ng kasayaw ko ngayon. Nakakalunod kasi ang boses ni Zayn. Okay, gayshit. Kinakabahan ako. Papano ba naman, ang lamig lamig dito, malakas ang hangin tapos ang init naman ng kamay ni Kira.

"Lumalamig na, gusto mo pumasok?" Pag aaya ko. "Hindi na. I'm fine here." Sagot niya. Niyakap ko lang siya.

"Kira, may sasabihin ako." Tumingin lang siya sa akin. Yung singkit niyang mata, naging malamlam kasi nga may sakit siya. Namumula mula naman yung pisngi niya. So adorable.

I took a deep breath. Sasabihin ko na. Kung hindi mutual ang feelings namin, okay lang. Well atleast nasabi ko. Wala akong magiging regrets. Kasi siya ang first dance ko. Crazy as it seems but yeah. Hindi kasi ako naka attend ng prom namin because of several reasons. And I'm happy na rin na siya ang first ko. First dance, first love and first kiss. Well yeah I might have an ex girlfriend na but hindi siya yung pang first love e. More like experience ba.

"Kira, I love you"

Beeeeeeeeeeeep

Nagulat naman kami parehas dahil may truck na bumusina ng malakas.

"Putangina nagulat ako dun sa busina ng truck!" She exclaimed. Nag hahabol naman siya ng hininga. "Okay ka lang ba?"

"Yeah." Ngumiti siya at bumalik sa dancing position namin. "Ano nga pala ulit ang sasabihin mo Vienne? Di ko narinig! Nakakainis kasi yung truck e!"

Fuck yeah! Wala ngang putanginang firewroks e hayop meron namang bumusinang truck! Tungunu huhuhuhu!

"Ahh... Eh... Nakalimutan ko e. Nabigla din kasi ako sa busina nung truck." Palusot.com kakaasar kasi e. Palagi na lang. Ano, #TeamWrongTiming ba ako? Kakaasar punyeta!

"Ah, ganon ba?" Sagot niya at pinagpatuloy namin ang sayaw ng biglang bumuhos ang ulan. Ayan, basang basa tuloy kami! Wala man lang ambon, buhos agad!? Ano wala man lang warm up!?

"Shit, baha na sa baba. Papano sila Miks niyan?" Pag aalala ni Kira. Sakto namang nagtext sakin si kuya Jr at sinabi na nandun daw sila sa bahay namin since umalis na din daw sila sa party dahil balak daw na dito matulog ng squad sa dorm nina Kira. Kumuha daw sila ng foods sa bahay sakto naman umulan and ngayon, baha na nga. So might as well ay dun na sila matutulog. Sinabi ko naman yun kaagad kay Kira.

"Uuwi na ako. Baka ma stranded ako e." Pag papaalam ko. Pinigilan naman niya ako. "Baha na sa baba. Medyo malayo din yung sa inyo, baka ikaw naman yung magkasakit."

"Sus okay lang." Tumalikod na ako nung biglang mawalan ng kuryente. "Huhuhu Vienne walang kuryente! Natatakot ako!" Lumapit naman ako sa kanya and she's shaking. "Shh. Tahan na. Di na ako aalis." Agad naman siyang tumahan.

I decided na sa kabilang kwarto na lang ako matulog. Pero dahil takot nga si Kira ay dun na lang ako sa isang room kasama siya pero dun sa kama ni Ej. Roomies nga pala sila.


Kira

Nagising ako sa lakas ng hangin, kulog, kidlat at ulan. Nakita ko naman si Vienne na tulog na tulog at nakanganga pa. Lumapit ako sa kanya at trinace ko naman ang muka niya. God knows how I'll miss those. Bigla naman suyang umibo. Shit!

Pero nakahinga naman ako ng maluwag nung bigla siyang pumaling sa kabila at niyakap ang unan ni Ej. Tumalikod na ako para pumunta ulit sa kama ko nung,

I love you Kira.

What? Nag sleep talk siya. And hinalikan niya pa yung unan ni Ej. OMG! MAHAL NIYA RIN KAYA AKO!? SHIT!

I looked at him again,

I love you Kira, kahit amoy laway ka.

At muli, hinalikan niya yung unan ni Ej. Gustong gusto ko siyang gisingin para sabihin na 'hoy! Di ako amoy laway no pero I love you too.'

Lumabas ako ng kwarto at dun nag tatalon! OMG OMG! Tinawagan ko naman si Ej.

[A/n: yung naka italicized si Ej.]

Phone convo:

"Hello?"

"FUCK EJ!"

"Wow! Mura agad e ano? Wala man lang, 'hi Ej' well fuck you, too! Bakit!?"

"E kasi ano!"

"Ano!? Hoy huminahon ka nga! Bakit ka ba hinhingal h--- fuck! Nag sex ba kayo ni Vienne kaya ka napatawag? Nag condom naman ba kayo? Tungunu girl baka makabuo kayo di pa ako ready maging ninang!"

"Tanga ang OA mo naman! Gagu hindi."

"Ah. Akala ko kasi e. So ano?"

"Di ba kasi andito siya. Tapos tulog na tulog siya e nagising ako kasi ang lakas ng ulan and everything. So dahil malandi ako mana sayo e pinanood ko siyang matulog. Tapos yun nag sleeptalk siya. Sabi niya, 'I love you, Kira.' Anong ibig sabihin nun!?"

"E di mahal ka niya! Ano pa ba dun ang di mo maintindihan?"

"Mahal niya ako? Maniniwala ba ako e tulog yung tao!"

"Tss! Aba oo neng! Dalawang tao lang ang nagsasabi ng totoo. Yung lasing at yung nag sleep talk."

"Pero bakit di niya sabihin sa akin?"

"Aba neng malay ko ano! Basta mahal ka niya, yun na yun! Saka bakit big deal sayo--- shet! Mahal mo na din siya!?"

"Ay baka hindi. Slow mo! Sige na bye!"

"Wooooh naglalayag na ship namin! Mabuhay ang KirIenne!"

Sigaw ng squad namin. Napakatanga talaga ni Ej, pinarinig pa. Hahahaha, matutulog na ako. Dahil bukas, lalayag na ang aming barko. Mwah mwah xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon