Six

26 0 0
                                    

MIKS

Andito kami ngayon ng squad sa SM. si EJ at Cha ay bumibili ng damit at kami naman ni Kira dito sa supermarket.

"Kira, ikaw na ang bumili ng meat ako na sa mga toiletries natin."

"Sige, Miks keri lang."

At nagsimula na akong mag lakad papunta sa section ng mga napkins. Pero nagulat ako nung may nakita akong lalake na.... Teka, anong ginagawa ni kuya dito sa nap-- OMYGOD! DInidilaan niya yung napkin! This guy is licking that effin napkin!

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi hirap na hirap akong mag pigil ng tawa. Kasi inaamoy at dinidilaan niya ang bawat napkin. Grabe lakas naman ng trip nito.

"Miks--- wahahahahahahaha! Puchangina! Wahahahaha!" Biglang tawa ni Kira. Si kuya naman ay nabitawan ang napkin na kanyang dinidilaan. "Kuya kung gutom ka lika libre ka namin! Wag yung tirador ka ng napkin diyan! Wahahahahahahaha!" Dagdag pa ni Kira. Ugggh umiral na naman pag ka bully nito.

"Ka-kanina pa-pa kayo diyan?" Tanong ni Kuyang napkin. Cute siya ah. Matangkad, maputi at gwapo. Gwapo talaga.

"Ako, ngayon lang etong si Miks, uhhmm Miks kanina ka pa dito?" Sabat ni Kira.

"Oo." Sagot ko. Nanlaki naman ang mata ni kuya.

"E di nakita--"

"Oo." Napasabunot naman si Kuya sa buhok niya.

"Ano ba yan kuya, wag mo na sabunutan hairdo mo! Tulungan ka na lang namin!" Sabi ni Kira.

"Oo nga." Dagdag ko. Nag liwanag naman ang muka niya.
"Salamat, girls."

At noon nga e tinulungan na namin siya mamili ng napkin.

"Miks, nagtext sakin si Cha at Ej. Hindi ata mag kaintindihan sa pinamili. Tulungan ko muna ah. Diyan ka muna." Bulong sa akin ni Kira. "Sige." Sagot ko. Pero bago pa man siya makaalis ay, "alam kong type mo si kuya. Pero wag isusuko ang bataan ha. Wag!" Napatawa naman ako sa pahabol bulong niya. Loka talaga.

"So ikaw pala si Miks. I'm John Renz. Jr nalang."

"Hi Jr. Sooo pwede magtanong?"

"Ahuh. Go ahead." He answered with a smile. Grabe the smile makalaglag undies.

"Bakit mo dinidilaan yung napkin?" Napatawa naman siya sa tanong ko.

"Ganito kasi yun. Yung ate ko nag wawala kanina. Bumubulwak daw yung mini paradise niya. E kaming dalawa lang ng brother ko yung nandon. E ayaw pa ako samahan. Tuturuan nalang daw niya akong bumili since masakit daw katawan niya. Kaya ang sabi niya para daw malaman ko yung napkin na kaparehas nung pinakita ni ate ay kailangan kong dilaan at amuyin. Kapag lasa daw grapes, yun na yun. Kaso wala namang may lasang grapes dun e. Buti nakita niyo ako. Kundi siguro tanggal na taste buds ko e hindi pa ako nakakaalis dun. Salamat ha."

"So naniwala ka naman sa kapatid mo?"

"Unfortunately, yes. Kasi noon siya yung taga bili ng napkin ng girlfriend niya. Hahahahaha naloko ako ng gago."

"Hahahaha utusan pala."

"Ahmmm, Miks. I would love to hang out with you sana and meet the rest of your squad kaso I'm afraid na nagkalat na si ate sa banyo."

"Ay. Oo nga pala. Naiintindihan ko. Sige sige una ka na?"

"Wait, san ka pumapasok? Cellphone number?"

"De la salle university, and here's my number."

"De la salle? Really? Dun din ako. Great! So I'll text you and I'll see you then?"

"Sure. Bye Jr."

"Bye, Miks!"  

Then he left. Konting lakad lang ay nakita ko naman kaagad ang squad.

"So I heard may bago kang friend and gwapo daw kaso dumidila sa napkin. So, whats the scoop?"

"Talandi ka Cha! Hahaha ayon onting kwentuhan lang."

"Lang!?" Gulat na tanong ni Ej at napatingin naman sa amin yung ibang nakakasalubong namin. "Ay sorry po, sorry. Back to you, Miks! Lang?' Kwentuhan lang? Ano kayo, highschool?"

"Binigay ko number ko." And that very moment ay pinaghahampas na nila ako. Pag ka kinikilig nga naman.

*phone vibrates*

Fr: 09xxxxxxxxx

Hi, Miks! Jr here. 😁

And with that, a smile formed on my face causing my friends to scream.

"Tara na sa dorm! Nakakahiya kayo kasama!" I said at lumakad na kami. Pero teka, tungunu kinikilig ako!!

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon