EJ
Holy week ngayon and as usual walang pasok. Kaso hindi naman kami makauwing mag kakaibigan sa Batangas kase bukod sa ang families namin ay nag out of town din ay next week pasukan agad. Tri sem feels.
"Huy! Ikaw na lang iniintay sa baba. Ano wala ka na bang ibabagal diyan?" Tanong sa akin ni Cha. Pupunta kasi kami ngayon sa resort ng mga Torres.
"Eto na bababa na. Palibhasa kasama si Errol kaya hype ka na naman." Nginitian lang ako ni Cha. Hays, oo kasama si Errol. Biglang sumulpot ulit. Hindi ko tuloy alam kung totoo pa ba yung nakita ko na magkasama sila ni Mags o totoo pa ba tong pinapakita niya kay Cha. Alam mo yung feeling na ako yung naiilang para sa kanila?
"Ej dito ka na ba? Nak nang tokwa ikaw nalang wala. O baka naman gusto mong buhatin pa kita diyan?" Tanong ni Kira.
"Ako na lang baby, mapagod ka pa." Dagdag naman ni Vienne. Hays 12 days and going strong tong dalawang to. Oo, alam nila Vienne at Jr yung kay Errol. Kailangan kasi namin ng point of view ng lalake e. And its clear na imposible daw na as friends lang yung ganun.
"Naiilang kasi ako e. Kung magkakasama tayo dun. Ewan. Baka mautal pa ako, masabi ko pa agad kay Cha e di ba hindi naman tayo sigurado." Sagot ko. Nagkatinginan naman ang mag baby.
"Akong bahala sayo. Just trust me." Sagot ni Vienne. Sumunod na ako sa dalawa pag baba.
"Haaay finally! Ariel happened to you! Bago ka pa bumaba Ej e 9 pesos na yung ariel!"
"Ewan ko sayo, Miks! Ang daldal mo, mahiya ka nga kay Jr."
"Nah, its okay." Sagot naman ni Jr.
"Ej, kay ate ka nalang sumabay. Mabait naman yan e." Turo ni Jr sa ate niya na nasa loob ng isang dark red na mazda sky active. Kumaway naman sa akin si Ara Galang Torres. Hay kainlove, please!
"Nakakahiya, Vienne." Sabi ko naman.
"Hoy anong hiya! Time mo na humarot girl, gora na!" Sabat naman ni Kira at nagsimula na silang pumunta sa van. Iwan ba naman ako.
Nakatayo padin ako dito sa labas ng biglang humawak sa kamay ko.
"Tara na, wag ka ng mahiya." Sabi ng ate ni Vienne. OMG hinawakan niya yung kamay ko. Para naman akong nagayuma na sumama sa kanya. Lam mo yong nanlambot na lang yung tuhod mo. Ugh the feels po.
Pagdating namin sa tapat ng kotse niya ay ipinagbukas niya ako ng pinto. Lakas kong makaganda. Grabe.
"So hi Ej. Wag ka ng mahiya sakin ha. Since tropa mo naman ang mga itlog kong kapatid ay tropa mo na din ako. Call me Vic na lang."
"Hahahaha sige, Vic."
"Yan. Loosen up mabait naman ako. If you feel like sleeping, tulog lang ah."
Mahaba haba ang aming byahe at sa byaheng yun ay naging close kami kaagad ni Vic. Hay ang gwapo niya pala talaga sa personal. Nakakaiyak!
"huy Ej. Andito na tayo!" Hiyaw ni Vic at niyugyog pa ako.
"Oo rinig ko! Makasigaw to. Ano, bingi lang?" Napatawa naman kami parehas. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at dinala na namin ito sa kwarto namin. Since kanila naman tong resort ay madali na lahat ng bagay.
"So ano Ej, kumusta?" Tanong sa akin ni Kira.
"Ayun, mabait si Vic. Makulit din parang si Vienne at Jr--
"I mean, kumusta? Umarangkada ka na ba?" Tanong sa akin ni Miks.
"Yuck Miks yung whoremones mo, please! Hindi niya ako type!"
"Talagang hindi ka nun type dahil hindi ka naman keyboard!" Dagdag ni Cha.
"Ahmm guys, i memeet daw tayo ng boys after 30 minutes para makapag swimming na tayo." Sabi naman ni Kira.
"Swimming!?" Sigaw na patanong ni Miks. Nabatukan naman siya ni Cha. "Binge o tanga?" Napatawa naman kami sa kagagahan nung dalawa.
"Swimming e di ibig sabihin....." Tumingin naman yung tatlo sa akin. Shet ayoko ng iniisip nila.
"No guys, there's no way---
"Swim suit! Swim suit! Swim suit!"
At nagsimula na kaming maghabulan sa loob ng kwarto. Swim suit? No way!
