Kira
11 pm na nung dumating ang mga kasama namin ni manyak dito sa tinutuluyan namin.
"Wow Kira anong niluluto mo? Mabuti ikaw yung nag luluto hindi si Cha." Bungad ni Miks at sinamaan lang siya ni Cha ng tingin. "Baka makapag luto ako e galing din sa gala."
"Buti nalang." Sagot ulit ni Miks. Napaka bully talaga.
"Nag prito lang ako ng tinapa at tuyo tapos nag gayat ako ng itlog na maalat na may kamatis. No meat for today."
"Gutom na ako. Hoooh." Singit ni Ej.
"Kelan ka ba nabusog?" Pambabara ni Cha.
"Baby sorry na kasi. Di ko naman--- aray Kira! Itlog yun ah! Masakit!" Reklamo ni Vienne nung batuhin ko siya ng itlog na pula. Nag walk out ang lolo mo.
"Hoy bakla anong nangyare?" Tanong ni Miks.
"E kasi nga bastos yan! Kita na pala cleavage ko di agad sinabi! Nag sight seeing ba naman!" Paiyak kong sagot.
"Buti nga sayo may makikita e. Kay Cha wala." Dagdag ni Ej.
"Hays ako na naman. Oh Miks, Ej anong nangyare sa lakad niyo?" Tanong ni Cha.
"OMG so eto! We had this dinner, Jr and I sa isang mataas na place where you can see the island and kitang kita mo yung sunset! Romantic yung place then he admitted na he likes me daw." Napatigil kami sa pagkain dahil sa sinabi niya.
"AHHHHHHH! Ang haharot!!!" Sigaw naming tatlo. Napababa naman ang boys at, "okay lang kayo?"
"Yas we are. Kain na kayo dito." Pag aaya ni Ej. "Sige mamaya na kami. Pagod e. Pakitirhan niyo na lang kami." Sagot naman ni Vic.
"Oh Kira narinig mo ha, pakitirhan kami! Kami ibig sabihin, kasama ako!" Pahabol ni Vienne. "Ayoko nga! Ako ang nagluto! Hindi ka kasama dito! Manyak!" Iimik pa sana siya ng hilahin na siya papasok ng kwarto ng mga boys. Bleeeh under.
"Oh Ej sa inyo naman ni Vic? Alam mo ba, crush ka ng pinsan kong yan. Hihihi. Lande." Dagdag ni Cha. Medyo madaldal din tong isang to. May pagmamanahan si Jr. Pinagmanahan nila ang isa't isa.
"Nag get to know each other lang naman kami sa yate niya." Sagot ni Ej na parang nag dedaydream pa.
"Get to know each other lang? Sa kirindot mong yan? May hindi ka sinasabi e." Dagdag ko.
"Okay... Nung medyo patulog na ako, kiniss niya ako sa forehead." Dagdag niya at patuloy lang sa pagkain. Napaghampas naman namin siya dahil sa kilig. "Ano ba kumakain ako e!" Reklamo niya.
"E sa inyo, Cha?" Tanong ni Miks. Nagkatinginan naman kami ni Ej. Yung tinginan na engk-wrong-move-ka-Miks
"Wala. Nag liwaliw ako mag isa. Actually nakita ko yung harutan ni Vienne at Kira e. Si Errol kasi busy sa phone niya. Feeling ko nga may iba na siya e. Ang cold niya." Malungkot na sabi ni Cha.
Sobrang awkward. Parang noon lang din narealize ni Mikaella Ramirez na wrong move siya.
"Ahhh! Natinek ako! Tubig! Tubig!" Nagpanic naman agad silang lahat sa sigaw ni Ej. Si Cha ay aligagang aligaga at hindi alam ang gagawin.
Nagkatinginan naman kami ni Ej at nag thumbs up. Galing talaga umacting nito kahit kailan. Idagdag pa na may pag ka gullible din yung dalawa. Hindi nila pansin na hindi naman kumakain ng isda si Ej. Itlog na maalat lang. Baka matinik ka sa itlog. *insert sarcasm here*
Haaay. Ang kailangan namin ay strength para masabi sa kanya ang nalalaman namin.
So help us God.
