Ej
Its friday and wala kaming pasok. Pero si Cha ayon nasa may salas namin at mamatay na sa pag-aaral. Si Miks naman pa text text lang.
"Ugggh! Miks! I-silent mo naman yang phone mo! Nag-aaral ako dito oh!" Inis na sabi ni Cha.
"Sorry naman diba." Sabi ni Miks at umakyat na sa kwarto nila. Suuu katext lang neto si Jr.
Maka akyat na nga lang din sa kwarto namin. Baka mamaya may mag text pa sakin at mamura pa ako ni Cha. Pero imposible. Wala namang nagtetext sakin e. Sadla. :(
Umakyat na ako sa kwarto namin ni Kira at naabutan ko lang ang loka loka na nakabusangot sa may kama niya. Hindi ko na lang muna pinansin dahil baka masama ang gising.
Nahiga ako at nagsimulang mag twitter. Naghahanap ng chix. Loljk. Mabait to. Kaso...
"Aba naman Kira! Baka naman gusto mong replayan yang kanina pang nagtetext sayo o kaya naman i-silent mo or itapon mo nalang phone mo!" Kasi naman sunod sunod yung text e si tae walang pakialam. Sa halip na gawin ni Kira ang maalin sa three makabagbag damdaming suggestions ko ay inirapan niya lang ako. Bigla naman niyang sinabunutan ang sarili niya at nagsisigaw ng, "Nakakainis! Putaaaa!"
"Hoy Kira ano bang nangyayare sayo? Natuluyan ka na ba?!"
"Mas gusto ko pang matuluyan kesa mangyare sakin to! Nakakainis!"
"Bakit? Ano bang nangyare? Sino bang may kasalanan?"
"Sino pa!? E di yang Vienne Torres na kamagong na yan! Its worse than not graduating!"
"Bakit ano bang nangyare? Akala ko ba hindi ka na nag sorry after mo mag walk out? Nag attempt ka ulit? Di mo natiis? Ayiiie ikaw ha!"
"Leche hindi! Asa ka naman noh! Sinundo niya ako sa labas ng room ko at blinack mail! May binigay siyang condition sakin! E tinanggap ko na dahil wala din naman akong choice!"
"E ano naman yang condition na yan at halos pumatay ka na?"
"Magiging jowa ko siya for 18 days! Ngayon na yung simula! Nakakadiri!"
"Pffft! Ano!? Wahahahahahaha! Naks ah!! May jowa na bunso namin!"
Binato naman niya ako ng unan. "Tek isa ka pa! Nakakainis talaga! Wake me up when 18 days is over!" Pag mamaktol niya at natulog na lang. Kawawang bata. Sa totoo lang ay mabait si Vienne. Classmate ko to sa halos lahat ng subjects ko. Panget nga lang ang naging simula nila ni Kira pero in all fairness ay bagay naman sila.
Cha
Habang ang tatlong itlog ay sarap buhay ay mali yung dalawa lang pala. Dahil si Kira e nag u-under go daw sa isang "parusa" hahahaha hindi niya lang kasi matanggap yung condition ay nandidito ako at malapit ng mabaliw sa dami ng aking inaaral. Jusko kapag talaga nakaraos at nakapasa ako sa exam na to ay susunugin ko lahat ng hand outs na ito.
Fr: pinsan
Ate, can I come over at your dorm? Busy ka?
Nakooo nag lalambing ang magaling.
To: pinsan
Oo busy ako. Pero yung totoo mong pakay hindi.
Fr: pinsan
You know me too well ate. I'll be there in a minute.
To: pinsan
Sure. But don't forget to bring food, okay? Gatepass yon. Ingat xx
Fr: pinsan
Sure ate. Food before anything else. Xx
Maya maya lang ay dumating na si....
"ANONG GINAGAWA MO DITO!? LUMAYAS KA NGA!" Bulyaw ni Kira.
"HOY KIRA YUNG BUNGANGA MO! MAHIYA KA SA BISITA NATIN!" Pag saway sa kanya ni Miks.
"ANONG MAHIYA! E GANYAN KA DIN NAMAN NUNG NAKITA MO SI JIKKO! SAKA ANONG BISTA!? BWISITA KAMO!"
"HEP GIRLS SHUT UP!" Its my turn to shout! Ang iingay e! "Ako nag papunta kay Vienne dito!"
"Bakit mo naman pinapunta?" Tanong ni Kira.
"Simple, cos this guy is my cousin." Sagot ko. Napa jaw drop naman ang mga loka. "Now Vienne, speak up."
"Hi girls!" Bati niya. "Hello Vi." Bati nina Ej at Miks. Srsly? Vi? Hahahaha. Pero si Kira masama lang ang tingin.
"Hi baby." Bati ni Vi kay Kirs. Eeeh kilig kaming tatlo!
"Baby mo muka mo! Ej, Miks tara na nga ulit sa taas." Pero hindi parin umaalis ang dalawa. "Eeeh Kira ikaw nalang. May Kirspy Kreme siya oh. Bye, akyat ka na." Nagdabog naman pataas si Kira.
"Girls can I?" Tanong ni Vienne kung pwede niya bang sundan si Kira. Pumayag naman kami since may gatepass siya: food.
Kakapasok palang ni Vi sa kwarto ni Kira ay, "LUMAYAS KA MASAMANG ESPIRITU!" Sigaw ni Kira.
Kaming nasa baba naman ay nagkatinginan na lamang.
THIS MEANS WAR. 😏