Eighteen

18 0 0
                                    

Cha

Kami ni Errol? Eto andito lang kami sa may terrace sa kwarto naming mga girls. Ayaw daw niyang gumala. Wala daw siya sa mood plus pagod na daw siya. After two weeks ay ngayon lang siya nag paramdam. Nag iba na din siya. Deep inside, alam ko na baka may iba siya. But I don't want to overthink naman.

"Errol, tara sa baba. Kain tayo."

"Sige ikaw na lang Cha, busog pa ako." Sagot naman niya at balik na ulit sa pag ce-cellphone. Hay.

Bumaba na lang ako at nag lakad lakad hanggang sa may nakita akong duyan na nakakabit dito sa may coconut tree. Umupo na lang ako dito at pinanood si Vienne at Kira.

Iba ang trip ng dalawa, si Kira ibinabaon si Vienne. Yung tipong, ulo na lang labas kay Vienne. Err medyo green. Tsk. Nakakainggit.

Vienne

Mag gagabi na ay wala pa ang iba naming kasama. Ano na kaya ginagawa ng mga yun? Kami naman ni Kira, maghapong naligo sa dagat. Tinuruan niya akong mag langoy. After nun ay naglakad lakad kami. Nakita nga namin ulit yung mag kakaibigang hipon e. Muntikan ko ng tanungin kung mag kano ang kilo nila. Napansin ko namang nakatingin sila kay Kira.

-__________-

Papanong hindi titingin? E naka see through tapos basa. Bale exposed yung bra niya. Kaya naman pinasuot ko sa kanya yung jersey ko. Ang ganda tingnan na suot niya yung damit na may apelyido ko sa likod. Parang girlfriend ko na siya for real. Naalala ko pa, nag rereklamo siya na, "Vienne muka naman akong hubo dito sa jersey mo e!"

"Hayaan mo na kesa muka kang hubad!"

"Nakakainis ka, muka akong basang lumang gangster sa kanto e."

"Hayaan mo na nga kasi!"

Bumalik ako sa reality nung naramdaman kong pati muka ko ay pinapahiran niya na ng buhangin.

"Kira, maawa ka naman. Baka mamaya makain ko na yung buhangin e." Papano naman kasi, natalo niya ako sa racing sa swimming. Ang unfair naman, kakatuto ko palang hinamon kaagad ako. Maalon pa. Tapos ang condition, ang talo, ibabaon sa buhangin. Kaya naman nasa buhanginan ang lolo mo.

"May awa na nga ako ng lagay na yan e. Kung sadista ako sinubuan na kita mismo ng buhangin." Sabi naman niya at patuloy padin sa paglalagay. Bale nakaupo siya sa ibabaw ko which is natatabunan ng buhangin. Nilalagyan niya din ng buhangin ang muka ko. Facial daw. -___-

"Grabe naman. Ang init init na nga nung buhangin ang kati pa." Sagot ko at di niya ako pinansin. Tuloy padin siya sa ginagawa niya. Ibig sabihin, panay din ang yuko niya. Oh tukso, layuan mo ako. Suot niya pa naman yung jersey kong maluwag so exposed talaga. "Kira."

"Oh bakit?"

"Kasi ano..."

"Ano ba?"

"Ano kasi e..." Teka papano ko ba sasabihin to?

"Hoy Viennevenido ako ba pinag titripan mo? Ano nga kasi yun!?"

"Wag ka magagalit?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at patuloy padin siya sa ginagawa niya e. "YUNGCLEAVAGEMOKASIKITAKONA." Mabilis kong sabi.

"Ano!? Umayos ka nga! Bagalan mo! Kapag hindi ka umayos ipapalamon ko sayo tong buhangin!" Pakita niya sa akin ng buhangin na dakot dakot niya.

"Yung cleavage mo, kita ko na." Pagkasabing pagkasabi ko ay nanlaki ang mata niya at inihilamos sa bibig ko yung buhangin at tumayo siya at hinawakan ang dibdib niya. "Bastos!"

"Oh bat mo ako binato!? Akala ko ba sabihin ko lang di mo na ako papalamunin ng buhangin?! Napaka unfair mo buti nga sinabi ko pa e!"

"Pa!? Pa!? So may balak ka pa bang manood ng mas matagal? Tangna ano to pay per view!? E gago ka pala e. Walang laban nina Pacquiao at Bradley sa cleavage ko, gunggong! Diyan ka na nga!" Sigaw niya at umalis na.

Huhuhu nakakaiyak. Hindi nakakaiyak yung sinigawan niya ako e, sanay na ako. Ang nakakaiyak e yung iniwan niya ko dito. Huhuhu paano na ako dito? T_T

H E L P!

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon