Two

26 0 0
                                    

MIKS

Nauutas parin kami sa katatawa netong si Kira ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang Ej na nag mamadaling pumasok sa banyo.

"Bwaaaak" rinig namin ang pasuka ni Ej mula sa cr. Lalo naman kaming napahagalpak ni Kira sa katatawa.

"Tangina niyo kayo." Sabi samin ni Ej pag kalabas niya ng pinto at humiga ito sa kama.

"Anong feeling? Hahahaha!" Tanong ni Kira kay Ej. Inirapan naman siya nito at, "Namo. Mamaya kayong dalawa sa akin." Dagdag niya at nagtalukbong ng kumot.

"Girls, aalis muna ako ah. Sasamahan ko si Errol sa shooting niya." Sabi sa amin ni Cha.

"E di ba pupunta dito mamaya sina Mervin?" Tanong ko, "e di MIA ka?"

"Naiintindihan naman nila. Oh sige, I'll get going. Bye." Cha said then she left.

Wala pang ilang segundo ay pinagsasakal na kami ni Ej!

"E-j hi-hindi ako maka-hin-hinga!!"

Tinigilan niya ang pananakal sa amin ni Kira at bigla itong umupo sa may sahig. "Huhuhu kakainis kasi kayo e! Bakit kasi hindi niyo man lang ako niligtas! Alam niyo namang ang panget ng lasa kasi halos uling na yung hotdog oh! Huhuhu!"

"Sorry na, Ej. Inagahan ko naman talaga yung gising para ako na magluto kasi di nga maalam magluto si Cha kaso nauna siya e. Nahuli ako." Sagot naman sa kanya ni Kira. Napapatawa lang ako sa pinag gagagawa nila.

"At ikaw, tatawa tawa ka diyan, Miks. Lagot ka talaga sakin mamaya!" Pag babanta sakin ni Ej at bumalik na siya ulit sa cr. susuka ata ulit.

Pero aaminin ko, natakot ako dun. Kapag sinabi ni Ej. Gagawin ni Ej.

EJ

Huhuhu laspagers na ang beauty este, kagwapuhan ko sa pag babalik balik dito sa banyo. E papano ba naman kasi, sinuwerte ako sa mga kaibigan kaya ayun, ako tuloy kumain nung luto ni Cha. Akala ko pa naman, ililigtas ako ni Miks.

2 pm na at mamaya ay dadating na ang iba pa naming kabarkada. Ewan, makikitambay at makikinood daw. Gawin ba namang park ang dorm namin? Saka ano, wala ba silang Tv sa mga bahay bahay nila?

"Sorry talaga Ej. Pero.. Nakakatawa ka talaga e! Ang putla mo!" Pang bu-bully sakin ni Kira habang nag papatuyo siya ng buhok.

"Leche ka. Pero oks na kasi ginawan mo naman ng paraan e. Pero si Miks. Akala ko pa naman ililigtas niya ko. Huhuhu I felt betrayed." Pag dadarama ko na naman.

"Gusto mong maka ganti? Since deins ka pa nakakaganti sa kanya?" Kira gave me a devilish grin. Umoo ako at may ibinulong siya sa akin. Sounds good, tho. Sige.

Ginawa ko ang aking plano. Hmm, bahala ka mainis mamaya Miks.

"Ano, okay na ba?" Tanong sa akin ni Kira.

"Oo! Ako pa. Ennajeene ata to!" Pag mamayabang ko at nag lahad ako sa kanya ng kamay para makipag apir. Pero....

"Aray ko! Bakit mo naman ako binatukan!? Muka bang kamay yung ulo ko!?" E kasi si Kirang magaling binatukan ako!

"Para yan sa sakal mo sakin kanina. Bleeeh!"

Nagtatakbo na si Kira pababa at manonood muna daw siyang tv. Makaligo muna nga. Magandahan kasi yung magiging palabas mamaya e lalo't si Miks ang bida.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon